10

3.4K 70 18
                                    

Messenger

JK Castillo
7:54 PM

JK: Babe, pa-accept ng friend request ko.

Seen, 8:06 PM

Wow! Kung makautos ka, parang close tayo, ah.

Why would I do that?

Friends ba tayo?

JK: Bakit ang sungit mo na ngayon? Di ka naman ganyan noong gabing una tayong nagkita.

Nagtanong ka pa talaga.

JK: Bakit nga? Please enlighten me.

Ang bastos mo kaya. Ang awkward ng mga pinagsasasabi mo.

I mean, yeah, we did those things. Pero di mo ba naisip na nakakahiya yun sa part ko? We were strangers, pero kung magkwento ka, napaka-casual.

JK: Oh, that. I'm sorry.

JK: Ganoon lang kasi talaga ako. Playful, ganoon.

JK: Pero di ko intensyon na bastusin ka.

JK: Kaya kung nabastos ka man dahil doon, I'm sorry.

Seen, 8:13 PM

JK: So, am I forgiven?

Ano naman sayo kung di kita patawarin kung sakali?

JK: Sana patawarin mo na ako. I want us to be friends.

Bakit gusto mo akong maging kaibigan? Marami ka naman na siguro n'on. Sikat ka, di ba? Plus, you have your fans.

JK: But I want you to be my friend. Hindi ba pwedeng gusto ko lang?

No?

JK: Okay, okay.

JK: Actually, sa maniwala ka man o hindi, I saw something in you. Something similar to me. Yung pagka-playful mo rin that night? I don't know.

JK: Tapos nalaman ko pa na pre-school teacher ka pala. Ang contradicting lang, pero not in a bad way, ah. Kasi karamihan sa mga kilala kong teacher, prim and proper.

JK: Oops! Di ko sinasabing di ka prim and proper, ah. Hahaha! Di ako judgmental na tao. Its just that, iba ka sa mga traditional na mga teacher na kilala ko. Yun, ganoon.

JK: It was new to me. You intrigued me, to be honest. Kaya sabi ko sa sarili ko, I want to get to know you more.

JK: But then, nang mag-usap tayo, tinarayan mo na ako. And I find that more amusing. Kasi, yung playful na babaeng nakilala ko, may kakayahan ding magtaray at magsungit.

JK: Okay na bang paliwanag yan? Hahaha!

Okay.

JK: Okay? Okay as in pwede na tayong maging magkaibigan?

Seen, 8:24 PM

--

Facebook

Jesus King Castillo sends you a friend request

[Confirm] [Delete]

--

Messenger

JK Castillo

8:28 PM

JK: Thanks, babe. 😉

JK: Sana sa susunod, more than friends na tayo. 😂

Ang landi talaga. 🙄

JK: Hahaha!

Seen, 8:33 PM

The Hot Shot Club 1: The Late Night Caller (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon