Messenger
Jesus King
11:23 PMJesus King: Nakauwi na ba kayo ng pinsan mo?
Seen, 11:26 PM
11:28 PM
Yes.
Thank you sa dinner. 🤗
Congrats ulit sa panalo n'yo kanina.
Jesus King: Thank you, Mary. 😘
Pero madaya ka.
Jesus King: Ha? Bakit naman?
Kaya mo ako pinapanood ng game n'yo kasi sabi mo, may sasabihin ka. Pero ang tahimik mo naman kanina nang kasama ka namin ni Mavis.
Okay ka lang ba? May problema ba?
Parang nang nasa game ka, super okay ka naman. Pero nang nagdi-dinner na tayo, ang tahimik mo bigla.
Jesus King: I'm sorry. May iniisip lang ako kanina.
Hmm... Care to share?
Jesus King: Okay. Pero patapusin mo muna akong magkwento bago ka mag-react. Okay lang ba yun?
Yeah, sure.
Jesus King: Alam mo naman na yung tungkol sa buhay ko, di ba? Nasabi ko na rin na pakiramdam ko, malapit na akong makalaya mula sa nakaraan ko.
Jesus King: Mary, I'm happy to say that I'm finally free.
Jesus King: Napanaginipan ko sina Mama at Tatay. Sa panaginip ko, masayang-masaya raw sila sa narating ko ngayon. At mas matutuwa raw sila kung palalayain ko na lahat ng negatibong pakiramdam na naipon sa dibdib ko nang mawala sila. Nangako naman ako na gagawin ko kung ano ang gusto nila. Para sa kanila at para sa akin na rin.
Jesus King: Tapos nagising na lang ako nang umagang yun na wala na yung bigat sa dibdib ko. Na okay na ako. Ang saya sa pakiramdam, Mary.
Jesus King: At gusto kong magpasalamat sayo, Mary. Kasi mula nang dumating ka sa buhay ko, nabago na ang lahat. You helped me get through the darkness. You helped me to realize certain things.
Jesus King: When I'm with you, masaya lang ako. Kuntento na ako. Di na ako naghahanap ng iba pa. Makita ko lang ang ngiti mo, okay na ako. Well, bonus na lang talaga yung... ah, basta those things.
Jesus King: You're different from the other women na nakasama ko. Ikaw yung babae na sineseryoso. Yung panghabang-buhay na.
Jesus King: Gusto ko sanang sabihin sayo nang personal, pero parang ayaw pa ng tadhana. Yes, naniniwala na ako sa tadhana ngayon. Hehe!
Jesus King: Mary, nang mapalaya ko ang sarili ko, kasabay n'on ang realization ko about you, abous us.
Jesus King: Kung dati, gusto lang kita, well gustong-gusto, ngayon, mahal na kita. Mahal na mahal.
Jesus King: You read it right. I love you, Mary Anastacia Soriano.
Jesus King: Handa naman na sana akong umamin sayo at tanungin ka kung pwede ba akong manligaw. Kaso, bigla akong kinausap ng kuya mo. Well, he chatted me.
Jesus King: I had so much respect for Judas as a player, lalo na bilang kuya mo. Of course, I want his approval of me para sayo. Pero ang sabi niya sa akin, mapapatunayan ko lang daw sa kanya na seryoso ako sayo kapag ibinenta ko yung laro namin kanina para di makapasok ang team namin sa play offs.
Jesus King: I love you, Mary, but you know how much I love basketball, too. Ikaw at ang basketball ang buhay ko. Call me selfish, but I can't choose between you and basketball.
Jesus King: Kaya extra energetic ako kanina. Kasi, I want to win. Hindi ko kailangang magbenta ng laro to prove how serious I am to you.
Jesus King: I promise, gagawa ako ng paraan para mapatunayan ang pagmamahal ko sayo. Yung legal at tunay na paraan.
Jesus King: Wag kang magalit sa kuya mo kung ginawa man niya yun. He just loves you. Kung ako man ang nasa posisyon niya, baka mas malala pa ang ginawa ko.
Jesus King: I love you, Mary. You take care okay?
Seen, 12:02 AM
--
Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰
BINABASA MO ANG
The Hot Shot Club 1: The Late Night Caller (Completed)
Narrativa generaleJesus King x Mary Anastacia (Epistolary)