Special Chapter 1: The First Meeting

2.9K 68 15
                                    

Warning: Medyo hindi pambata. Lol!

--

"MARY, sumama ka na, please? Ayaw kasi akong isama ni Kuya kung hindi ka raw sasama."

I was busy watching Haikyuu nang bigla na lang sumulpot si K sa kuwarto ko at kulitin ako. And knowing her, alam kong hindi niya ako titigilan.

Kirsten Jaysel or K for short is my cousin. Well, kakaunti lang naman kaming magpipinsan, pero si K ang pinaka-close ko. Nagkakasundo kasi kami sa halos lahat ng bagay.

"Bakit ba gustong-gusto mong sumama kay Dwight sa bar? Iba na ba ang trip mo ngayon?" tanong ko.

"I just want to unwind. Sobrang stress na ako," sagot niya.

"Unwind? Sa bar? Eh, di ba mas maingay doon? If you want, we can go to a beach para mas makapag-unwind tayo," sabi ko pa.

"Okay ka lang, Mary? Kalagitnaan ng school year, magbi-beach ka?" tanong niya na para bang ang laking katangahan ng sinabi ko. "Saka, I want to try something new. Umabot na tayo sa ganitong edad, di pa tayo nakakapasok man lang ng bar," dagdag pa niya.

"Para namang ang tanda na natin kung makaganitong ka, eh," sabi ko naman.

"Please, Mary? Just this once."

Tinatamad akong lumabas ng bahay. I just want to watch Haikyuu. Iyon kasi ang pantanggal ko ng stress.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. "Fine, fine. Pasalamat ka, di kita matanggihan."

"Yes! Thank you, Mary. Ang bait mo talaga, kaya ikaw ang paborito kong pinsan, eh," sabi niya.

"Nang-uto ka pa. Hindi ikaw ang paborito kong pinsan," sagot ko.

"Okay lang, basta sasama ka mamaya. Daanan ka na lang namin ni Kuya Dwight mamaya," sabi ni K bago lumabas ng kuwarto ko.

Ang kulit talaga, mas makulit pa sa mga pre-school na tinuturuan ko. Napailing na lang ako saka ipinagpatuloy ang panonood.

--

MABILIS kaming nakapasok sa Happy Tipsy, ang resto-bar na pag-aari ng kapatid ng tropa ni Dwight. First time naming makapasok ni K sa isang bar, pero alam ko naman kung anong hitsura sa loob niyon.

Kasama namin sa table ang mga kaibigan ni Dwight. Kilala na namin sila ni K since high school pa lang, magkakaibigan na sila. They were all good looking kaya naman maraming napapatingin sa table namin.

Himala ng mga himala, pinayagan kami ni Dwight na uminom. Well, ano nga namang gagawin namin dito kung hindi kami iinom? Parang tanga lang kami ni K kapag nagkataon.

I was busy drinking my lemon martini nang mapansin ko si K. She was busy watching something... or someone.

Sinundan ko ang tinitingnan niya. Nakita ko ang grupo ng kalalakihan na nagkakasayahan. Malapit lang sila sa table namin kaya naman kitang-kita kung gaano sila katatangkad.

Tiningnan ko ulit si K. Nakatingin pa rin siya sa mga lalaking iyon kaya naman bahagya ko siyang siniko.

"Huy, sinong tinitingnan mo, huh?" taas-kilay kong tanong.

Lumingon si K sa akin. "W-wala, ah," sagot niya.

"Weh? Nakatingin ka doon sa mga guwapo sa kabilang table, eh. Sino ba doon? 'Yong naka-maroon ba na damit?" panunukso ko pa.

"H-hindi, ah. Ewan ko sa 'yo, Mary Anastacia! Uminom ka na nga lang diyan," sagot ni K.

Tatawa-tawa pa ako nang tumingin ulit sa kabilang table. Pero biglang nawala ang ngiti ko nang magtama ang tingin ng isa sa mga lalaking iyon. Hindi ko rin maintindihan ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

The Hot Shot Club 1: The Late Night Caller (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon