Telegram
Simon Judas
6:13 PMKuya, pauwi na kami.
6:19 PM ☑☑
6:20 PM
Simon Judas: Alright. Ingat!
Simon Judas: Mag-uwi ka ng pasalubong.
Anong gusto mo? Damo galing Buscalan? Hahaha!
Simon Judas: Pagkain. Delicacies from Kalinga.
Mukha kang pagkain, Kuya.
Simon Judas: Kasi masarap ako? I know. Thank you!
Bwisit ka, Kuya.
Hahaha!
Simon Judas: Wag kang tumawa dyan. Di mo pa sinasabi kung sinong kasama mo.
Ah, eh, I'm out of here.
Bye, Kuya! Love you!
Simon Judas: Aba, naglilihim ka na talaga sa akin?
🤣🤣🤣
Simon Judas: Tsk, tsk!
Simon Judas: Love you! Mag-ingat, ah.
👍👍👍
6:26 PM ☑☑
--
Telegram
Kirsten Jaysel
7:02 PMK! Pauwi na kami. Hehe!
7:07 PM ☑☑
Kirsten Jaysel: Mukhang masaya talaga ang Buscalan trip nyo, ah.
Yes! Alam mo namang gustong-gusto ko talagang makapunta doon.
Kirsten Jaysel: Tapos naging extra special dahil kasama mo si JK, ganoon?
Medyo. Hahaha!
Kirsten Jaysel: Ang landi! 😂
Pero alam mo, K, nakita ko yung ibang side niya because of this trip. Sure, nandoon pa rin ang pagiging maharot niya, pero it felt different this time.
Nang papunta pa lang kami sa Kalinga, hawak niya lang ang kamay ko sa buong byahe namin. Nakatulog at nagising na ako, pero ganoon pa rin. Then, nang paakyat na kami papunta sa Buscalan Tattoo Village, di niya rin ako pinabayaan.
He was extra careful to me. Maya't maya niya akong tinatanong kung pagod na ba ako. Pinapainom niya ako ng tubig kapag medyo nakikita niyang di ko na kinekeri ang lakarin.
Tapos, K, may nakasabay kasi kami na papunta rin sa village. Medyo may edad na. Inalalayan niya si Nanay sa daan. Sobrang genuine ng pagtulong niya, halatang di lang nagpapa-impress.
Tapos, ang sarap din niya
Kirsten Jaysel: Nagkatikiman na kayo???
Gaga! Ang sarap kakwentuhan! Di pa kasi ako tapos.
Kirsten Jaysel: Ay, sorry naman. Haha!
Kirsten Jaysel: Kapag kasi kayong dalawa ang involved, parang laging may kung anong mangyayari.
Believe it or not, walang ganoong nangyari. Sure, we kissed, pero hanggang doon lang talaga. Haha!
Kirsten Jaysel: Bakit parang nanghihinayang ka? Haha!
Gaga! Di, ah.
Kirsten Jaysel: Weh?
Bwisit ka! Haha!
Pero yun na nga. Nakaka-amaze na ang dami niyang kwento. He told me about his passion over basketball. Kung gaano niya kamahal ang sports na yun.
Nakikita ko sa mga mata niya kung paano ko nakikita ang pagmamahal din ni Kuya sa basketball. May similarities talaga sila.
At nang magpa-tattoo na ako kay Apo Whang Od, hawak niya rin ang kamay ko mula nang umpisa hanggang sa matapos. Nararamdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko, silently giving me an assurance na kaya kong matapos ang pagpapa-tattoo.
Kirsten Jaysel: Hay, couz, may nase-sense ako.
What?
Kirsten Jaysel: Parang... you're slowly falling.
Eh? Haha! I like him, alright. Sinabi ko naman na yun sayo, di ba? Pero falling? Parang hindi naman.
Kirsten Jaysel: Hmm, if you say so.
Teka lang, K. Stop over lang kami sandali to eat.
Kirsten Jaysel: Okay. Eat well. At ingat pauwi.
--
Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰
![](https://img.wattpad.com/cover/241652514-288-k483718.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hot Shot Club 1: The Late Night Caller (Completed)
General FictionJesus King x Mary Anastacia (Epistolary)