20

2.7K 70 10
                                    

Messenger

Blue Balls Club
9:24 AM

EU: Ang saya talagang gumising kapag panalo ang team.

Seen by everyone except Clark

Rajon: Ganado lahat, eh. Na-miss n'yong manalo, no? Haha!

Lio: Pero kawawa si Roz. Lol!

Roz: Worth it naman ang sakit ng katawan na nakuha ko. Panalo naman.

EU: Grabe talaga yung mga yun, eh. Hard foul kung hard foul, eh.

Seen by everyone

Clark: Lodi master! Lupet ng side step plus fade away shot mo kagabi! Iwan si Soriano, eh. Haha!

Mina-master ko talaga yung fade away ngayon. Mabuti nga at di nahabol ni Judas. Haha!

EU: Pero pinakamalupet talaga kagabi sina Edon at Roz. Hahaha!

August: Bakit?

EU: Umiwas sa mga fans. Sa kabilang exit dumaan. Haha!

Roz: Gagaya pa sayo, gustong-gustong pinagkakaguluhan.

EU: Of course. Ang saya kaya sa pakiramdam ng may nakaka-appreciate sa galing ko.

Lio: Eu, di tayo pinalaki ng mga magulang natin para maging playboy.

EU: Wala ka talagang galang, Lionel. At least ako, di ghoster. Di ako takot sa commitment.

Awit! Na-real talk ng kuya si Lio. Haha!

Clark: Lionel Ty blocked by Elian Yusuf Ty. Hahaha!

August: Mga gago talaga.

Oops! Foul ka sa pagkakabanggit ng ghoster, Eu. Natamaan si August! Haha!

EU: Bakit? Ghoster na rin si August ngayon?

Clark: Hindi. Siya kasi ang iniiwan. Laging nago-ghost. Bagay sa pangalan niya. Au-ghost. Haha!

Ang galing ng apprentice ko. Madaling matuto. Hahaha!

Clark: Syempre naman, lodi master. 😁

August: Mga ulol!

Sama ka sa akin, August. Bigyan kita ng tips para di ka iwan ng mga babae.

August: No thanks.

EU: Awit! Hahaha!

Rajon: Pero teka, curious lang ako. Bakit nga ba ang aloof n'yo ngayon, Roz at Edon? Kaya kayo nasasabihan na suplado, eh.

Dati na namang aloof yang si Roz. Wala ng bago. Haha!

Lio: Mas lumala lang ngayon.

Edon: Wala akong time sa ibang bagay. Basketball at si EJ lang ang priority ko.

EU: Oh! How's EJ?

Edon: Okay naman. Sobrang likot na.

Rajon: Di na ba talaga bumalik si...

Edon: I don't want to talk about her.

Tunog ampalaya ka d'yan, Captain.

Edon: Gago!

Hahaha!

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

The Hot Shot Club 1: The Late Night Caller (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon