Messenger
Jesus King
9:51 PMCongrats!
Nice game. Nice win. 💪👏
Seen, 11:12 PM
Jesus King: Thanks, love.
Jesus King: Nanood ka pala. Haha!
Yeah. Sa TV nga lang. 😂
Jesus King: Okay na yun. At least, alam kong naka-support ka pa rin sa akin. Hehe!
Sa team ako naka-support. 🤣
Jesus King: Okay, kunwari naniniwala ako.
Aba!
Jesus King: Hahaha!
Jesus King: Alam mo ba, love, ang daming nagpa-picture kanina sa akin after the game. Pinagkaguluhan ako.
O talaga? Saya ka naman?
Jesus King: Okay lang naman.
Jesus King: Isa lang naman ang gusto kong makasama after the game.
Sino naman yun?
Jesus King: Ikaw.
Jesus King: Kiligin ka na, please? Para naman alam kong may epekto ako sayo.
Hahaha!
Sira-ulo ka talaga.
Jesus King: Grabe, ang sakit naman n'on, love.
🤣🤣🤣
Jesus King: Pero, ito seryoso na, Mary.
Jesus King: I've realized something.
Ano naman ang na-realized mo?
Jesus King: That I'm a jerk. Na tama lahat ng sinasabi nilang masasama sa akin dati.
And why is that?
Jesus King: Kasi yung mga babaeng nakasama ko dati, ginamit ko lang. Unconciously, nagamit ko sila para mapunan yung gusto kong atensiyon.
Jesus King: All along, kulang ako sa pansin. Gusto ko ng atensiyon na di ko nakuha sa mga magulang ko dahil maaga silang kinuha sa akin.
Jesus King: Oo nga at nandiyan yung pamilya ng tita ko, pero iba pa rin eh. Kaya naman pakiramdam ko, nakukuha ko ang atensiyon na kailangan ko sa mga babaeng yun.
Jesus King: Dahil doon, di pa ako tuluyang makalaya sa trauma ng pagkamatay ng mga magulang ko.
Jesus King: But I've come to realize that nang tumigil na ako sa pakikipaglapit sa iba't ibang babae.
Jesus King: Mary, nararamdaman kong unti-unti na akong nakakalaya. Unti-unti ko ng natatanggap lahat ng nangyari sa akin noon. Nararamdaman ko ng masaya na ako sa kung ano ako ngayon. At alam kong masaya na rin sina Tatay at Mama para sa akin.
Jesus King: Mary, kaunti na lang malaya na talaga ako.
Jesus King: And that's because of you.
Seen, 11:34 PM
--
Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰
BINABASA MO ANG
The Hot Shot Club 1: The Late Night Caller (Completed)
Genel KurguJesus King x Mary Anastacia (Epistolary)