13th

62 8 2
                                    


"Make sure to be home before 5 PM to change. We'll meet there at exactly 6:30 PM."

"Noted, daddy. Bye, I'm going," I said and kissed his cheeks.

I'm still going to school before going to the meeting place.

I'm quite excited tho. It's my first time to be in a battle field!

Susunduin sana ako ni Isaac kaso 12 PM pa klase ko since our professor told us na hindi siya magkaklase. 10 AM pa naman klase ni Isaac. Kaya sabi ko sakanyang magcocommute nalang ako.

Mapilit siya, sobra. Gusto niya talaga akong ihatid but of course I refused. Studies should be his priority, not me.

Para din siyang jowa ko kung makaasta ano? But I like it. It makes me feel that someone really likes my presence.

I checked the time and it's almost 11:45 AM. Nasa may MAPUA pa ako, kung saan school nila Isaac. Malapit naman na din ako sa UM.

Bumaba na ako pagka-abot ko sa may overpass. Dali dali akong umakyat. Baka malate ako eh, sobrang laki kaya ng UM tas malayo pa yung lalakarin ko para makarating sa building namin.

Dali dali akong pumasok sa campus. Shuta, haggard na 'ko pagdating nito sa classroom.

Nadaanan ko pa yung Education na building. Tumingin ako sa paligid and to my surprise, I saw Shanley.

Nakaupo siya sa ilalim ng puno. May binabasa. Maybe she's reviewing or something.

Mukhang napansin niyang may nakatingin sakanya kaya napatingin siya sa gawi ko. When she saw me, umiwas kaagad siya ng tingin.

I sighed. She's my friend and I badly wanna help her.

Pero shuta, male-late na pala ako.

I glanced at my wrist watch and it's almost 12 PM!

Agad akong tumakbo papuntang building namin. Pawisan akong pumasok sa building. Buti nalang pagdating ko, wala pa si prof.

"Oh? Ba't hinihingal at pawis na pawis ka?" bungad ni Criz.

"Pota, akala ko late na ako,"

"Oh, umupo ka na at ayusin mo sarili mo, para kang hinabol ng kabayo, eh,"

Umupo ako at nilabas ang suklay at mga palamuti ko sa mukha. I combed my hair then tied it in a ponytail. I wiped my sweat away then put a little cheek tint and powder on my face. Lastly, I put my liptint on.

Humarap ako kay Criz para ipakita itsura ko.

"Okay na ba?" tanong ko. He nodded as a response.

"Nagmukha ka nang tao. Mukha kang engkanto kanina, eh," he laughed. I just rolled my eyes. Alam niya ngang tinakbo ko para hindi ako ma-late eh.

Timing naman na paglagay ko ng mga gamit sa bag ko ay dumating na professor namin. Buti nalang 10 minutes late si sir.

Napa-isip tuloy ako sa mga gagawin ko mamaya. Excited na talaga akong makipag barilan.

"Gaumond?"

Hindi kaya nakakatakot 'yon? Baka bigla nalang akong barilin eh. Naka-mask pa naman kami.

"Gaumond?"

Pero naka-safety geer naman ako mamaya diba? Naka-bulletproof vest naman mga kasama ko eh. Imposible namang wala akong ganon.

"Is Gaumond around?"

Anong klaseng baril kaya hahawakan ko mamaya? Nakaka-excite!

"Yvanna! Kanina ka pa tinatawag!"

Trouvaille (Guns and Roses Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon