28th

72 8 0
                                    

"Do you want to go somewhere else?" tanong niya.

The concert has ended. Isaac just hugged me right after that song. He even kissed my forehead and whispered a few things, but sadly, I didn't hear some of it because of the crowd's noise.

Maybe he took this opportunity to confess his feelings through the song, na kahit mag-daan man ang ilang araw, ay ako pa rin ang pipiliin niya.

I hate this feeling of being martyr. Nasaktan na ako't lahat-lahat, pero sa kanya pa rin ang uwi ko.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko.

"If you want to," sabi niya. "Can I stay in your condo?" he asked.

Nagulat ako sa sinabi niya. Magka-tabi lang naman kami ng condominium so bakit niya pa kailangang mag-stay sa'kin?

"Huh? Why?" tanong ko.

"I wanna spend this night with you," he said. "If that's okay with you. Hindi naman kita pipilitin kapag ayaw mo. I respect you, you know that," he added.

Napa-isip naman ako kung okay lang. Hindi ko na muna siya sinagot dahil hindi ko rin alam kung papayagan ko siyang mag-stay sa unit ko. Wala naman akong tinatago, pero I don't know. I feel scared.

It's just for tonight naman, hindi ba? Should I trust him?  I think I should. 

Nakarating na kami sa condominium. It's already 12 AM. The concert lasted for 3 hours and a half, and it's a bit traffic kaya late na kami nakarating.

"Good night," Isaac greeted and smiled at me.

I looked at him and smiled as well. I think I should let him stay in my condo for a while since he asked for it. Malungkot din namang maging mag-isa eh.

"You can stay in my unit if you want to," I said. His brow raised.

"Really? Kanina mo pa 'yan pinag-iisipan?" tanong niya nang natatawa.

I rolled my eyes, "Ayaw mo? Edi 'wag, good night," sabi ko at akmang bubuksan na ang pintuan pero inunahan niya akong buksan ito.

"Joke lang. Tara na," sabi niya at naunang pumasok. I laughed. Ang kapal naman ng mukha.

Napatawa ako nang humiga siya sa sofa sa living room. Aba, feel at home ah! Ang kapal naman talaga!

"Wow, feeling condo unit niya?" natatawang tanong ko.

"I'll live here," he said jokingly. I raised my brow. Tumawa lang siya sa naging reaksyon ko.

Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref, "Are you hungry? I'll cook for you," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

Hindi ko namang inaasahang nasa tabi ko na pala siya! Nagulat ako at hinampas siya sa dibdib. Tumawa lang siya sa'kin.

We've decided to cook pasta for our midnight snack. He helped me prepare and cooked the ingredients. He knows much better than me! Halos siya na nga ang gumawa eh! Parang pinanuod ko nalang siya hanggang sa matapos siya magluto.

He looked at me, and raised his brow as if he's teasing me. "Para lang tayong nagbaba-bahay bahayan ah," he said.

I scoffed. "What?"

Binalik niya ang tingin niya sa niluluto niya, "Ikaw ang mommy, tapos ako 'yung daddy,"

Tumawa ako sa kanya. "Whatever," ang tanging nasabi ko.

Pag-katapos niyang mag-luto ay kumain na kami. Nilagay namin 'yon sa table sa living area, plano naming manuod ng movie habang kumakain. Tangina, parang hindi papasok sa trabaho ah?

Trouvaille (Guns and Roses Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon