25th

45 8 0
                                    

I filed a leave today. I'm exhausted and I just want to be free from all the stress. Kahit ngayong araw lang. Just let me breathe for a moment. 

I really don't have any idea of what I'm gonna do today. Nakahilata lang ako sa kama buong araw. Ewan ko, there are really days na parang ang sarap matulog buong araw. 

Hindi ko na alam kung ano ang magiging position ko habang naka-higa sa kama kaya napag-desisyunan ko nalang na tumayo. Lalabas nalang siguro ako? Pupunta nalang ata ako ng SM Ecoland.

Ito 'yung problema kapag ikaw lang mag-isa eh. Ang lungkot. Wala akong maka-usap. I talked to Shanti earlier and she told me that she's going back to the US. Need na kasi niyang bumalik sa training. Gusto ko man siyang ihatid sa airport pero sabi niya 'wag nalang. Kaya niya naman daw. Hindi naman na daw siya bata. 

I want to go to a bar but it's still early. 10 AM palang pero gusto ko nang uminom. 

Napag-desisyunan ko nalang na lumabas. Siguro magsh-shopping nalang ako? Bibili ako ng mga gamit dito sa condo para hindi na ako ma-bored dito. 

I just wore a plain maong high-waisted shorts and a grey cropped-top. Nag-sneakers lang din ako. Nasa harapan lang naman ng condo na 'to 'yung mall at hindi naman ako mag-tatagal kaya ito nalang ang sinuot ko. 

Shit gets worst nung pag-labas ko ay kaka-labas lang din ni Isaac sa condo niya. Great. Not again.

"Hi," he greeted. Tumango lang ako sa kanya at nilampasan siya.

Napa-pikit ako ng mariin nung sinundan niya ko. 

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

Pinindot ko ang button ng elevator, "SM, and can you please stop following me?"

Napatawa naman siya. "Following ka d'yan, eh same lang naman tayo na papuntang pababa,"

"Excuse me, I'm going to the top," sabi ko kahit ang totoo pababa naman talaga ang punta ko.

"Okay, I'll be a bottom then," 

What the fuck! Napatingin ako sa kanya. I glared at him. Tumawa lang ang hayop!

Pumasok na ako sa elevator at sumunod naman siya. Kinuha ko nalang ang cellphone ko para hindi ko na siya pansinin. Naiinis lang ako sa kanya.

Napansin niya atang mag-lalakad lang ako patungong SM kaya tinawag niya ako. Lumingon naman ako sa kanya and I raised my brows.

"Lalakad ka lang? Mainit ah,"

"Hindi naman ako maarte, atsaka ang lapit lang ng mall. Kaya ko nang lakarin,"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagpatuloy na sa pag-lalakad. Bahala siya. Good mood ako. 'Wag niyang sisirain ang mood ko hayop siya.

Pumasok na ako sa loob ng mall. Kumain na muna ako bago pumunta sa department store.

Napa-tingin ako sa apat na estudyanteng naglalakad. I smiled. I can still remember those days na kami 'yan ng mga kaibigan ko. Natatawa ako kapag iniisip ko na minsan kapag tinamad kami ay hindi na kami papasok, gagala nalang kami. 

I checked the time and it's 11 AM. Timing lang pala na lunch time. 

Pumasok na ako sa department store para mamili ng mga gamit. I checked if there's an irregular mirror and a cute night light. Luckily, meron naman.

I wanna decorate my condo and make it look aesthetic. As much as I want it too look plain, pero mukhang ang boring naman tingnan. Para na rin I'll keep myself busy for this day.

Pumunta na rin ako sa National Book Store to buy some books. Minsan kapag hindi ako pumapasok sa trabaho ay nag-babasa nalang ako. Nauumay na rin ako kaka-babad sa social media minsan eh.

Trouvaille (Guns and Roses Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon