1st

194 13 13
                                    

"Yvanna Stella Gaumond!" My teacher called for attendance.

"Present, ma'am!" I responded.

"Hayop, hindi ko pa natatapos painting ko," bulong sa'kin ng bestfriend kong bading na si Cristopher Villanueva.

Tiningnan ko siya, "Ano ba kaseng ginawa mo kagabi? Ba't 'di mo tinapos?" 

Ngumisi siya, "Pumunta 'ko Casa de Amigos. Naghahanap ako fafi. Tapos, 'yon, uminom."

Inirapan ko siya, "'Yan. Inom pa, tae ka." Tumawa ako. "Mas maraming fafi sa Club Echelon, gaga. Sino ba kasama mo kagabi?" Tanong ko habang inaayos gamit ko dahil dismissed na ang klase.

"Sila Haniezyn at Shanley." 

Nanlaki mata ko, "Mga gago, di man lang nag-aya!"

Inirapan ako ng bading, "Siraulo, nag-aya kami. Ayaw mo sumama kase tatapusin mo painting mo,"

Tumayo ako, "Tara na nga, sunduin natin si Haniezyn sa school niya. Tatawagan ko lang si Shanley," 

Tumayo na din si Criz at sabay kaming lumabas ng classroom. Nasa Fine Arts building kami. Papunta sa cafeteria kung saan kami magkikita ni Shanley. Tinawagan ko naman na siya at sinabing don kami magkikita.

"Sayang talaga di ka nag Psychology, gusto mo 'yon diba?" Sabi ko kay Criz.

"Jusko, bakla. Fine Arts gusto ng magulang ko kase mababantayan mo 'ko. Alam mo naman, taga Eden ako. Ikaw nga, gusto mo mag-legal management pero di ka pinayagan eh." Aniya.

"Gago, walang personalan! Atsaka, mahilig din naman ako sa arts, ah? Okay na rin 'yon,"

Nakarating na kami sa cafeteria at nakita ko si Shanley na may kausap na lalaki. Tumaas kilay ko. Sino kaya 'yon? She barely talk to boys. Man hater 'yon eh. 

Papunta na kami sakanya nung umalis 'yong lalaki at humarap na rin siya sa'min para salubungin kami. 

"Hoy, sino 'yon?" tanong ko sakanya.

"Classmate ko sa oral communication. Nacontact niyo na ba pinsan ko? Di ko matawagan eh," saad ni Shanley.

"Di pa, hintay nalang tayo sa labas. Malapit naman na dismissal niya eh." Sabi ko and when I looked at the time, it's already 3:40pm. 4pm dismissal non eh.

"Tara, ilakad nalang natin papuntang Matina Town Square tas tawid nalang tayo para makasakay tayo ng tricycle sa may Ateneo," Sabi ni Criz. Tumango nalang ako at nagsimulang maglakad.

"Punta tayo SM Ecoland? Bibili ako materials eh," Aya ko. Tumango lang silang dalawa at sinubukang tawagan si Haniezyn.

Malapit na kami sa Matina Town Square nung may nakabangga akong lalaki, "Omg! Sorry!"

Minsan, 'di ko rin maintindihan na ba't ang tanga-tanga ko. Mukhang kailangan ko na ng seminar kung paano tigilan ang pagiging tanga.

"Be careful, miss." Ani ng lalaki at nagpatuloy maglakad kasama ng mga barkada niya. 

"Luh, pogi yung nakabangga mo ah," Sinisiko ako ni Criz. "Taga MAPUA pa! Engineering!"

"Landi mo, umayos ka nga," sabi ko sakanya. 

"Sabi sainyo dito na tayo nakain sa MTS eh, daming taga MAPUA dito na fafi!" sabi ni Criz.

"Umayos ka, bakla, may maayos na pagkain sa UM, dito pa sa MTS gusto mo?" tumawa ako at nagsimulang tumawid. 

"Mas masarap naman kasi dito, our eyes and tummy would be full everyday," Sabi niya. Tumawa nalang kami.

Sumakay na kami sa may tricycle at sinabing sa may St. John Paul II College lang kami. Malapit lang naman talaga, kaso tinatamad kaming maglakad kaya bahala na yung syete pesos.

Trouvaille (Guns and Roses Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon