Kabanata 2 : Angels or Demons

741 34 9
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

St. Valentine University


"Saan kayo pupunta?" tanong ni Ellie kay Rain at Ice ng tumunog ang bell nagmamadali ang dalawang kapatid lumabas.

"Diyan lang kami sa Football field." sabi ni Rain sa kapatid.

"May klase pa tayo. Hindi ba kayo kakain?" tanong ni Ellie.

"Madali lang kami, sa labas na kami kakain." nagmamadaling sabi ni Ice.

"Aiiisssstt, hindi puwede siguradong hindi ka papasok." sabi ni Ellie.

"Hahahaha, kaya nga sasamahan ko siya. Saka alam mo naman hindi kami kumakain sa canteen." natatawang sabi ni Rain at kinuha nito ang bag na nag-iisang notebook lang naman ang laman.

"Kumain ka na, huwag kang lalabas ng University. Huwag mo na rin puntahan si Isaiah kami na titingin sa kanya." sabi ni Ice at hinila na nito si Rain.

"Ayyyy, talaga naman." naiiling na sabi ni Ellie, alam niyang hindi na papasok ang dalawang kapatid at may kalokohan na naman gagawin ang mga ito.

"Halika na, hayaan mo na sila Ellie." yaya ni Jade kay Ellie at hinila ito papuntang canteen.

"Kapag tinanong ako ni dady, wala na naman akong maisasagot. Para akong yaya ng dalawang iyon." inis na sabi ni Ellie sa mga kaibigan.

"Kahit naman hindi ka tanungin ni Tito Rod, alam niya ang ginagawa ng mga anak niyang lalaki." naka-ismid na sabi ni Denise.

"Paano mo nasabi?" tanong ni Ellie.

"Kasi gawain din nila iyan ni dady noong kabataan nila. Cutting classes." nakangising sabi ni Denise.

"Paano mo naman nalaman?" tanong ni Emerald kay Denise

"Buhay ka na ba noon?" sunod na tanong ni Jade kay Denise

"Kasi iyong mga novel ni momy, nababasa ko." pilyang sabi ni Denise.

"Tapos?" kuryusidad na tanong ni Ellie.

"Tapos, dedicated iyong sa apat na monsters." mahinang sabi ni Denise.

"Anong connect?" kunot noong tanong ni Jade.

"Hahahahha, iyong apat na monsters mga dady natin." pilyang sabi ni Denise.

"Hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong ni Emerald, may collection ang momy niya ng mga libro ni Marie pero hindi iyon pinababasa sa kanila. Naka display lamang iyong sa library nila.

"Paano mo nasabi? Na tungkol iyon sa mga dady natin?" tanong ni Jade at nagsimula na sila maglakad patungong canteen.

"Kasi binabasa ko, tapos kapag nagkukuwento si momy nakokonek ko sa mga novel niya." sabi ni Denise.

String Hearts : The Cheung Heirs Story : 2nd Gen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon