(Just play the theme song for this chapter)
Thank you for 6k reads 😚
Season 2
Chapter 49St Valentine University
“Ice!” sigaw ni Jade ng makita si Ice mula ikatlong palapag ng HS2 building habang buhat nito ang wheelchair ni Isaiah.
Napangiti si Ice ng makita si Jade, na agad na bumaba para salubungin siya.
Hindi pa man nabubuhat ni Rain si Isaiah nakababa na si Jade at niyakap nito si Ice.
“Good morning, babe.” sabi ni Ice ng yakapin si Jade.
“Good morning.” nakangiting sabi ni Jade at ng makita nito si Rain umiwas ito ng tingin ng maalala ang tagpong nakita sila ni Ice nito sa likod bahay nila Steven.
Napansin naman ni Ice ang ginawa ni Jade kaya niyakap nito ang nobya.
“Rain!” masayang tawag ni Denise, galing si Denise sa canteen ng mula sa malayo nakita ang magarang sasakyan ng mga Cheung kaya alam niyang ang apat na batang Cheung ang sakay nun.
“Saan ka galing?” nakangiting sabi ni Rain kay Denise habang inaayos nito ang pagbuhat kay Isaiah.
“Sa canteen, naghahanap ako ng mani kaso sarado pa si Manong." nakangiting sabi ni Denise kay Rain at sinulyapan nito si Isaiah.
“Hi Jade…. Hi Denise!” bati ni Ellie sa dalawa ng siya naman may hawak ng bag ni Isaiah.
“Anong nangyari kay Isaiah?” nag-aalalang tanong ni Jade kay Ice.
“Namamaga ang paa niya, nasobrahan ng paglalakad.” seryosong sabi ni Ice.
“Halika na.” yaya ni Rain kay Denise ng mabuhat na nito si Isaiah at nagsimula na sila maglakad.
Nahinto ang mga estudyante, ng makita ang apat na magkakapatid, lalo na ng makita ng mga ito si Isaiah na buhat ni Rain. Nagbubulungan ang lahat at halata naman na si Isaiah ang topic ng mga ito.
Napansin ng triplets ang bulungan sa paligid at tiningnan ng mga ito si Isaiah na nakayakap lang kay Rain habang buhat ito.
“Gago ang mga ito, sandali lang.” mahinang sabi ni Ice at akmang magsasalita ito para sitahin ang mga estudyante ng bigla itong pigilan ni Isaiah.
“Kuya, okay lang ako. Hayaan mo sila magbulungan. Sabi nga nila hindi titigil ang baga kapag ginagatungan mo pa ng kahoy.” nakangiting sabi ni Isaiah sa mga kapatid.
“Hindi ako papayag na isang linggo kang pinabubulungan na parang may mga bubuyog sa paligid mo.” inis na sabi ni Ice.
BINABASA MO ANG
String Hearts : The Cheung Heirs Story : 2nd Gen - COMPLETED
RomansaNasusukat ba ang pagmamahal.... May hangganan ba ang magmahal... Paano kung mag iba ang ikot ng mundo.... Sila pa rin kaya ang pagtatagpuin ng tadhana... Ang nobelang kiniligan sa NOT JUST ORDINARY LOVE Ipagpapatuloy ng susunod na henerasyon.... S...