Kabanata 26 : First Love

412 25 12
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

St. Valentine University
Canteen

"Khalil, bilisan natin baka nandiyan na si Maam." nagmamadaling sabi ni Isaiah. Nasa Canteen sila ng umagang iyon at nagpalibre siya ng Milk Tea kay Khalil pero dahil marami ang bumibili kaya kakauha lang nila ng milk tea ni Isaiah.

"Sa room mo na lang inumin. Baka matapunan ka pa." masuyong sabi ni Khalil kay Isaiah.

"Ayoko, dito ko na iinumin." pilit na sabi ni Isaiah at pilit binubuksan ang milk tea na binili ni Khalil.

"Okay sige, pero dahan-dahan kasi wala ka yatang pamalit na damit sa locker mo." nag-aalalang sabi ni Khalil, nakatingin siya kay Isaiah habang excited nitong binubuksan ang milk tea na binili niya.

Tinitigan ni Khalil si Isaiah, kahit may hawig ito kay Ellie, magkaiba ang dating ng magkapatid. Mukhang prinsesa at kilos prinsesa si Ellie samantalang mala-anghel ang mukha ni Isaiah ang mukha nito ay pinaghalong Ella at Rod na siyang nagpaganda sa kombinasyon ng maamong mukha nito.

Kagandahang nakuha ng dalawang magkapatid sa ina ng mga ito, na hindi ka magsasawang titigan, samahan pa na may malambing na boses ang dalawang babaeng Cheung na namana rin ng mga ito sa inang si Ella.

"Ang sarraaappppp." nakangiting sabi ni Isaiah ng mahigop nito ang milk tea na ikinatawa ni Khalil.

"Dalian na natin sabi mo may test ka pa." nakangiting sabi ni Khalil at inakbayan nito si Isaiah.

"Khalil, kargahin mo rin ako kasi napapagod na ako." sabi ni Isaiah.

"Malapit na tayo." natatawang sabi ni Khalil, pero napangiti ito dahil bukod sa mga kapatid nitong lalaki at dady ni Isaiah sa kanya lang nagpapabuhat si Isaiah.

"Pagoodddddd na akoooo." mahabang sabi ni Isaiah. Huminto ito sa paglalakad at bahagyang naupo habang sipsip nito ang straw na waring ninanamnam iyon.

"Sige na nga, kapag na-late ka pa lagot ako kay Tito Rod." tumatawang sabi ni Khalil.

"Tapos tatakbo tayo ha." excited na sabi ni Isaiah.

"Bubuhatin na nga kita, tapos tatakbo pa tayo?" nangingiting tanong ni Khalil.

"Oo kasi malapit ng mag bell, para mabilis tayo." nakangiting sabi ni Isaiah tumayo ito at iwinestra ang kamay kay Khalil.

"Talaga naman." naiiling na sabi ni Khalil pero akmang bubuhatin niya si Isaiah ng may dalawang lalaking lumapit sa kanila.

"Khalil may tao." sabi ni Isaiah at ibinaba nito ang kamay sa pag yakap sana kay Khalil para sana sa pagkarga nito sa kanya.

"Okay, dito ka lang sa tabi ko." sabi ni Khalil, alas syete pa lang ng umaga at trenta minutos pa naman bago ang schedule ng unang subject ni Isaiah pero kailangan niya magmadali at ayaw ni Isaiah na pumapasok ito na hinihingal pa dala ng paglakad o pinagpapawisan.

"Baka kaaway iyan nila kuya. Mag-ingat ka, may bungal diyan baka sumulpot na lang bigla." humagikhik na sabi ni Isaiah, hindi nito alam na patay na si Malee na sinasabi nitong bungal. Nginitian lang ni Khalil si Isaiah at binalingan nito ang dalawang lalaki.

"Pare, may problema ba?" tanong ni Khalil sa dalawang lalaki.

"Wala naman, pero.. para kasing hindi naman ikaw ang kapatid niyan. Proteksyon lang ba, bakit ikaw ang kasama ng batang iyan?" tanong ng isang lalaki, edad nasa disi otso.

String Hearts : The Cheung Heirs Story : 2nd Gen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon