Kabanata 109 - 61 : Back Again

323 16 8
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

Season 2
Chapter 61

St Valentine University

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

St Valentine University

"Ano naman?" tanong ni Emerald ng sundan siya ni Matias ng hapong iyon matapos siyang halikan nito ng umagang iyon.

"May problema ka ba sa akin?" kunot noong tanong ni Matias kay Emerald na hindi maipinta ang mukha ng makita si Matias.

Papuntang library si Emerald at doon niya sana balak mag-review sa English para sa sasalihang contest nito para sa High School Regional Tournament ng makitang niyang nakatayo si Matias sa baba ng HS2 bldg at sinundan na siya nito.

"Wala.... Pero kapag hindi mo ako tinigilan magkakaroon ka ng problemang malaki." inis na sabi ni Emerald na pilit umiiwas kay Matias

"Bakit ba lagi mo ako sinasaktan?" inis na sabi ni Matias kay Emerald habang nagmamadali itong maglakad.

"Aiisssstttt, huwag mo kasi ako inisin. Nakakapikon ka." iritableng sabi ni Emerald at minadali pa nito lalo ang paglalakad.

"Hindi kita iniinis, nagsasabi lang ng naman ako ng totoo sayo." sabi ni Matias.

"Oo nga nagsasabi ka ng totoo kaso paulit-ulit ka. Alam ko naman na hindi mo ako mahal, at wala naman akong pakialam dun. Alam ko rin na panget ako sa paningin mo, kaya mo ng ipagsigawan." asar na sabi ni Emerald kay Matias.

Sinulyapan ni Emerald si Matias naka white t-shirt na lang ito at slacks na uniform na black. Pero hindi ni Emerald itinigil ang paglalakad ng mabilis.

"Masama bang sabihin ko sayo? Saka kumanta lang ako. Nag-react ka kaagad, ilang beses mo na ako ipinapahiya sa lahat. Kung dati sa grupo lang, ngayon pati sa harap ng maraming tao. Sobra ka na." inis na sabi ni Matias.

"Kung ayaw mo makatikim at masaktan, lubayan mo ako. Kasi para tayong tubig at langis na kahit kailan hindi tayo puwede magsama. Para kang kulangot na kahit anong alis mo sumusulpot." inis na sabi ni Emerald kay Matias

"Asar... ikinumpara mo pa talaga ako sa kulangot. Ikaw naman tinga. Nakakairita kang ipakita ka sa lahat kaya hindi ako makangiti." inis na sabi ni Matias na nagpahinto sa paglalakad kay Emerald.

Napatigil sa paglalakad si Matias ng biglang tumigil at humarap sa kanya si Emerald at matalim ang mga mata nito na parang mangangain ito ng buhay na tao.

"Ikaw Dennis Matias Suarez Lopez III, hindi ko sinabi na ipakita mo ako sa lahat. O ipakilala mo na asawa mo, kung iyan ang gusto mo ipaunawa sa akin. Dahil kung ayaw mo sa akin hindi kita pinipilit dahil.... Hindi kita gusto.... Hindi kita gusto... HINDI KITA GUSTO!" sigaw na sabi ni Emerald sa mga huling kataga kay Matias at naglakad muli ito patungong library.

String Hearts : The Cheung Heirs Story : 2nd Gen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon