(Just play the theme song for this Chapter)
Season 2
Chapter 84Lopez Mansion
6am“Saan kayo nanggaling apat? At bakit wala si Isaiah?” tanong ni Marie kay Matias, Malic, Denise at Ellie na kararating lang at namumula pa ang mga mukha sa kalasingan
Nasa sala sila ng mga Lopez at talagang hinintay ni Marie dumating ang tatlo ng sabihin ng katulong sa kanya na wala ang mga ito sa kani-kanilang kuwarto
“Sa…. Sa……sa….. saan ba?” nag-iisip na may hang over pang sabi ni Malic na ikinangiti ng tatlong kasama nito at ikinakunot ng noo ni Marie sa anak na si Malic.
“Ikaw, nakita ka ng katulong kagabi na kasama mo si Isaiah? Bakit mo tinakas si Isaiah?” galit na sabi ni Marie kay Malic.
“Hindi ko siya tinanan, bata pa iyon momy.” gulat na sagot ni Malic na ikinatawa nila Matias, Ellie at Denise.
“Ikaw na bata ka, puro ka kalokohan. Tinakas mo si Isaiah at ngayon nagtatanong sila Ella at Rod kung paano napunta si Isaiah sa kuwarto niya sa mansion ng mga Cheung at ikaw ang itinuturo niya na salarin.” galit na sabi ni Marie sabay turo kay Malic.
“Hala siya oh! Makaturo ka naman momy, hindi ko siya kinama. Hindi ako pedophile, mabait ako momy.” umiiling na sabi ni Malic kay Marie na ikinatawa lalo ng tatlo.
“Saan ka ba nagmanang bata ka? Ayoko na kita kausapin dahil makakalbo ako sayo.” napipikang sabi ni Marie kay Malic na ikinangiti lang ng anak.
“Kayong tatlo? Saan kayo galing?” tanong ni Marie kay Matias, Denise at Ellie. Na sabay-sabay mabilis na sumagot.
“Sa park” sabi ni Matias
“Sa convenient store.” sabi ni Denise
“Sa labas lang.” sabi ni Ellie
“Hahahahaha, ‘tol anong ginagawa mo sa park, ikaw Denise alam natin na hindi ka pumupunta sa convenient store at ikaw Ellie lamigin ka kaya imposible tumambay ka sa labas ng dis oras ng gabi.” natatawang sabi ni Malic at nakuha pa nitong mahiga sa sofa.
Tiningnan ng tatlo si Malic ng masama at ngumiti lang ito.
“Isang tanong na lang. Saan kayo galing? Kasi nagtatanong sila Rod at Ella, kung bakit nandoon si Isaiah sa mansion nila na dapat kasama niyo.
Natulog si Isaiah na nakapang-alis pa, na hindi ginagawa ng batang iyon, unless na lang kung may naglapag sa kanya sa kama niya. Pero ang tanong sinong naghatid sa kanya?.” namumublemang sabi ni Marie.
Maraming tanong si Ella na hindi niya masagot, kaya kailangan niyang komprontahin ang mga kabataan na nasa harapan niya.
“Babe, huwag ka ng magtanong dahil sa La Secretos sila pumunta.” seryosong sabi ni Dennis at napatingin ito kay Matias na siyang pinakamatanda sa apat. Napatingin si Marie kay Matias at halatang guilty ito.
BINABASA MO ANG
String Hearts : The Cheung Heirs Story : 2nd Gen - COMPLETED
RomanceNasusukat ba ang pagmamahal.... May hangganan ba ang magmahal... Paano kung mag iba ang ikot ng mundo.... Sila pa rin kaya ang pagtatagpuin ng tadhana... Ang nobelang kiniligan sa NOT JUST ORDINARY LOVE Ipagpapatuloy ng susunod na henerasyon.... S...