Kabanata 138 - 90 : I'm Yours

345 16 8
                                    

(Just play the theme song for this Chapter)

Season 2
Chapter 90

New Cheung MansionBulwagan, 7:00pmEllie's 18th birthday

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

New Cheung Mansion
Bulwagan, 7:00pm
Ellie's 18th birthday

"Thank you." nakangiting sabi ni Ellie. Bakas ang kasiyahan sa mukha nito matapos halikan ni Orion sa harap ng lahat.

"Masaya ka ba?" nakangiting sabi ni Orion habang sinasayaw si Ellie sa elevated stage at tila walang pakialam ang dalawa sa mga tao sa paligid ng mga ito.

"Oo naman sobra." nakangiting sabi ni Ellie at niyakap nito ng mahigpit si Orion.

"Nakatingin sila sa atin kumaway ka naman," pilyong sabi ni Orion kay Ellie na mapansin na ang lahat ay sa kanila nakatingin.

"Kanina pa ako kumakaway sa kanila, sayo naman ang buong atensyon ko ngayon." pilyang sabi ni Ellie kay Orion.

"Ikaw talaga." natatawang sabi ni Orion.

Nang matapos ang kanta bumaba si Orion at Ellie sa stage at pumunta ang mga ito sa mesa ng Cheung Clan.

Bumaba ang elevated stage at naging patag ang dance floor kung saan nagsimula mag sayawan ang lahat.

"Good evening po." bati ni Orion sa mga lolo at lola ni Ellie.

"Na late ka." seryosong sabi ni Ralph kay Orion.

"Pasensya na po," tipid na paumanhin na sabi ni Orion.

"Hindi ko na tatanungin kung paano ka nakapasok. Magaling ka at hindi kataka-taka iyon, pero alam mo ba kung ano ang iniisip ko ngayon?" seryosong tanong ni Ralph kay Orion.

Nakamasid lamang ang buong Cheung sa pag-uusap nila Orion at ni Mr. Ralph Cheung.

"Hindi po." nakatitig na sabi ni Orion kay Ralph.

"Sa mga lagusan ng mansion iniisip ko ngayon kung.... saan ka na kaya nakarating." makahulugang seryosong sabi ni Ralph kay Orion.

Nagkatinginan ang pamilya sa sinabi ni Mr Ralph, napalunok naman si Ellie sa gustong ipahiwatig ng lolo nito. Samantalang napangiti lamang si Orion sa tinuran ng matandang Cheung.

"Hindi lang po ako ang nakarating at nakakaalam sa lagusan, at alam niyo pong lahat iyon." seryosong sabi ni Orion kay Ralph.

"Mahusay kang sumagot. Pero uulitin ko sayo, hindi mo pa pag-aari ang apo ko. Hanggang hindi siya nakakapagtapos ng kolehiyo, hindi mo siya makukuha. Nauunawaan mo ba ako Orion?" tanong ni Ralph kay Orion.

"Opo." tipid na sabi ni Orion sa matandang Cheung.

"Pagbibigyan kita ngayon, pero sa susunod... titiyakin ko, paghihirapan mo at ng sinasabi mong tao, ang pagpasok sa teritoryo ng mga Cheung." seryosong sabi ni Ralph at sinulyapan nito si SatA na nakatingin rin sa puwesto ng mga Cheung.'

String Hearts : The Cheung Heirs Story : 2nd Gen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon