Kabanata 10 : Young Love

469 39 18
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Cheung Mansion

"Ellie, tapos ka na ba?" tanong ni Ice sa kapatid ng araw na iyon ng Sabado, papunta sila ng Franxie Restaurant kung saan gaganapin ang monthly family bonding.

"Kuya sandali na lang." sabi ni Ellie, ilang sandali pa lumabas ito ng kuwarto at nakitang hinihintay siya ng mga kapatid sa labas ng kuwarto niya.

"Hi ate Ellie, mukhang pinaghandaan mo ang araw na ito ha." nakangiting sabi ni Isaiah, naka jeans ito, at maluwag na t-shirt samahan pa na nakasumbrero na naman ito, na may design na blackhole sa gitna nito.

"Hindi naman, grabe ganito naman talaga ako manamit." sabi ni Ellie, naka below the knee na dress ito na kulay pink na may maliit na laso sa gilid ng damit, naka doll shoes ito at nakalugay ang buhok na nilagyan lang ng headband na may laso.

"Ganyan naman talaga siya manamit." nakangising sabi ni Ice at tumingin ito kay Isaiah.

"Ohhh, kuya bakit nakatingin ka na naman sa akin?" tanong ni Isaiah na inayos pa ang buhok nito sa ilalim ng sombrero.

"Ang guwapo mo kasi," sarkastikong sabi ni Ice at hinablot nito ang sombrero ni Isaiah at tumakbo ito pababa ng hagdan.

"Moommmmmmyyyy, si kuya Ice." sigaw ni Isaiah habang hinahabol si Ice pababa ng hagdan.

"Ohhh, kuya bakit ka nakatingin? Hindi pa ba tayo bababa?" tanong ni Ellie kay Rain.

"Bababa, baka lang kasi may nakalimutan ka pa." birong sabi ni Rain.

"Wala na kuya." nakangiting sabi ni Ellie at nauna itong bumaba kay Rain.

"Asar ka." napipikong sabi ni Isaiah ng maabutan nito si Ice habang hawak nito ang damit ni Ice.

"Binigay ko na, bitawan mo na ako." natatawang sabi ni Ice kay Isaiah na ayaw siyang bitawan.

"Ako muna sasakay, mas pogi ako sayo." natatawang sabi ni Isaiah at nakipag-unahan ito kay Ice makasakay ng van.

"Sila dady?" tanong ni Ellie kay Mang Roger.

"Bumalik lang sandali sa loob ng mansion." sabi ng driver/bodyguard nila na si Mang Roger.

"Kuya, ako diyan sa drivers seat." nakangiting sabi ni Rain at inunahan nito si Mang Roger makasakay.

"Batang ito, pagagalitan ako ng dady mo." naiiling na sabi ni Mang Roger.

"Hindi iyan. Katabi ko si dady, doon na lang po kayo sa back-up sumakay." sabi ni Rain kay Mang Roger na tukoy sa van na ang sakay ay mga bodyguard nila.

String Hearts : The Cheung Heirs Story : 2nd Gen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon