Kabanata 11: So In love With Two

463 24 17
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cheung Mansion
One month later

"Good morning ate Mila, nandiyan po ba si Ellie?" tanong ni Denise ng pumunta ito sa bahay nila Ellie, napagpasiyahan nilang magkakabarkada na mag-group review sa bahay nila Ellie para sa sasalihan nilang contest at dahil si Ellie lang naman ang hindi kasali sa Academic contest kaya ito ang magiging trainor nila.

"Nasa kuwarto niya, tatawagin ko lang. Maupo muna kayo." sabi ni Mila ang labing dalawang taon ng naninilbihan bilang yaya ng triplets.

"Dapat sa inyo na lang tayo Denise." sabi ni Jade ng patalbog na naupo na sofa.

"Baka nga kasi hindi payagan si Ellie," sabi ni Emerald na tumabi kay Jade.

"Okay na dito, kasi mangungulit lang si kuya Matias sa bahay kapag nandoon si Ellie." sabi ni Denise at pahiga ito naupo sa sofa.

"Gusto mo lang dito, kasi nandito iyong mga crush mo." birong sabi ni Emerald kay Denise.

"Hindi ah. Gusto ko kasi ang garden nila dito, mahilig sa flowers si Tita Ella. Kapag nandito ako, iyon ang favorite kung part ng mansion nila na gusto kong puntahan." nakangiting sabi ni Denise.

Naggagandahang mga bulaklak ang makikita sa garden ng Cheung Mansion kung saan ang ibang bulaklak rito ay binili pa ang buto sa ibang bansa at pinalago na lamang sa garden ng mga ito. Marami ding ibon na alaga ang pamilya Cheung na nasa garden din nakalagay kaya nagmukhang Paraiso ang naturang lugar.

"Mamaya, sa garden tayo. Gusto ko rin doon." nakangiting sabi ni Jade.

"Magtaguan tayo mamaya." natatawang sabi ni Emerald.

"Oo, basta huwag natin sirain iyong mga halaman." excited na sabi ni Denise

"Huwag kayong maingay bababa na ang prinsesa." birong sabi ni Jade sa dalawang kaibigan ng makitang pababa na ng hagdan si Ellie.

"Hanggang pagbaba ng hagdan parang nagmomodel." natatawang sabi ni Denise.

Nang dahan dahan bumaba si Ellie at nagawa pa nitong huminto sa gitna ng hagdan at namaywang para lamang sulyapan sila sa sala.

"Naka pambahay lang iyan, sa lagay na iyan." natatawang sabi ni Emerald ng makitang naka-dress si Ellie na mukhang aalis. Naka-taas ang mahaba nitong buhok at nakita ang mahaba, makinis at maputi nitong leeg na kinahahangaan ng lahat, na namana nito sa ina nitong si Ella.

"Hindi ako magtataka kung iikot pa iyan pagbaba ng hagdan." natatawang sabi ni Jade. Na nakagawian gawin ni Ellie na kahit sa classroom kapag sumasagot ito sa board, dahan-dahan itong umiiikot bago ito umupo.

String Hearts : The Cheung Heirs Story : 2nd Gen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon