Kabanata 56 - 8 : Kiss That I Never Had

336 19 5
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

Season 2
Chapter 8

Season 2Chapter 8

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

St. Valentine University
Library

"Hoy Matias bilisan mo naman diyan. Anong petsa na?" mataray na sabi ni Emerald kay Matias.

Kanina pa sila nasa library at hindi pa rin kumikilos ang lalaking kasama para magwalis o magpunas man lang ito para sa school service na na-assign sa kanila. Nasa bookshelves siya at pinupunasan iyon habang nakaupo lamang si Matias at nakatingin sa kanya.

"Buweset ka, isang oras ka ng naka tanghod sa akin. Ang kapal ng mukha mong tingnan lang ako dito. Kumilos ka naman, dahil mamaya may mga estudyante ng papasok dito sa library." napipikang sabi ni Emerald.

"Kaya mo naman." nakangising sabi ni Matias kay Emerald.

Napatawa lang si Matias ng makita ang reaksyon ni Emerald kanina ng mabasa nito sa bulletin ang makakasama nito sa school service.

Flashback


"Langya, ikaw na naman ang kasama ko." galit na sabi ni Emerald at hinambalos nito ng dalang libro si Matias na ikinatawa nila Malic at iba pa sa grupo nila.

Alas-sais ng umaga kanina at masaya pang naglalakad si Emerald para sana puntahan ang puwesto nito sa school service para matapos siya agad pero agad nawala ang ngiti sa labi niya ng makita ang pesteng pangalan na laging nakadikit sa pangalan niya.

"Kasalanan ko ba iyan. Try mo kayang baguhin ang apelyedo mo." nakangising sabi ni Matias.

"Paano ko babaguhin? Eh kasal tayo at idinikit mo ang pangalan mo sa akin." inis na sabi ni Emerald kay Matias.

"Kasalanan ko ba iyon Mrs Emerald Valiente-Lopez." nakangising sabi ni Matias.

Nang makasal ang dalawa ang akala nila tapos na roon ang lahat, pero nagulat sila wala pang isang taon ng magbago ang lahat ng documents ni Emerald at nakadugtong na ang pangalan ni Matias. Limang taon na niyang dala ang apelyedo nito na pilit idinikit sa kanya.

"Aiiissssttttt, makagraduate lang ako. Hahanap ako ng lalaking magtatanggal ng pangalan mo sa akin." gigil sa galit na sabi ni Emerald at binato nito ng libro si Matias bago ito pumunta ng library na ikinatawa ng grupo nila.

"Under de saya ka pare." natatawang sabi ni Aquila kay Matias.

Kahit sila Aquila ay nagulat sa nangyari, pero ipinagpapasalamat pa rin nila at hindi nagsasama sa iisang bahay ang kapatid na si Emerald at ang kaibigang si Matias. At panatag sila na mapapangalagaan ni Emerald ang sarili mula sa asawa nito.

"Pinagbibigyan ko lang iyang kapatid mo pare, pero... kapag ako tuluyang napikon sa pagiging battered husband ko. Ipapakulong ko iyan." nakangising sabi ni Matias.

String Hearts : The Cheung Heirs Story : 2nd Gen - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon