9

251 22 0
                                    

6 months later...

6 months later

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ruben's PoV

"Ruben..."

"Oh Emerald? Andito ka na pala ulit?"

"Ruben pwede ba tayong mag-usap?"

"Sorry Emerald, busy ako"

"Ruben please..."

"Please lang din Emerald, may gagawin pa ko..."

"I love you Ruben..."

Nabigla ako sa sinabi niya but it's as if, hindi yun yung mga narinig kong salita.

"Love? Me? Now? Tch. Pagkatapos mong sabihin saken ng hindi mo ko gusto? Na iba mahal mo? Really?"

"I'm sorry..."

"I'm sorry too, Emerald, that love I had for you was in the past. All I have for you now is hate, and I don't know if that would even change"

"C-can't you give me another chance? Us?"

"Hindi ko alam Emerald, hindi ko alam"

It's been 6 months of slowly moving on and now here she is again in front of me, saying she loves me? Pinaglalaruan yata talaga niya ako. Nakakagago.

Emerald's PoV

Ineexpect ko na to ehh, pero bakit ang sakit? Ang tanga tanga ko. Bakit ba kasi wala akong magawa sa mga magulang ko? Bakit ngayon lang Emerald, bakit ngayon lang?

"Ma! Pa! Ayoko!!"

"Why are you suddenly backing out? Huh?!"

"Hindi ko naman mahal si Andrew dad!!"

"Heck that love! At sinong mahal mo?! Ha?!"

"Don't tell me, it's the Atenista guy? Si Ruben ba?"

"Teka, pano niyo nalaman kung sino siya?"

"We're watching over you young lady, at sinasabi ko na sayo, ayoko sa lalaking yon!"

"But ma!! Mahal ko si Ruben!!"

"I don't give a fck, pupunta ka ng States! Magpapakasal kayo ni Andrew! And that's final!!"

"No!"

Tatakbo pa sana ako palabas ng bahay pero napigilan nila ako at kinulong sa kwarto.

Iyak lang ako ng iyak, I don't even have the courage to call Ruben after knowing na sinusundan kami nina papa. I don't know if he even tracks my calls.

"Ruben..." pangalan lang niya yung sinasambit ko habang andun sa kwartong yun ar umiiyak.

Kung akala niyo malaya ako sa eskwelahan, hindi, may mga matang nakabantay sa bawat kilos ko, at yung araw na nagtapat sakin si Ruben... sobrang saya ko na sana pero nakita ko yung isang bantay na tila kinakausap si papa kaya binaliktad ko ang lahat.

Nung umalis si Ruben, lumapit agad ako sa bantay at kinuha ang headset niya paran magsalita

"Masaya ka na?! I can't believe you could watch me hurting like this dad. I hate you!" Sabi ko sabay bagsak ng headset at tinapak tapakan yon. I don't give a damn about anyone. Galit na galit ako.

Tumakbo lang ako pagkatapos at iniyak lahat lahat. Nasaktan ko si Ruben, nasaktan ko yung taong mahal ko

The whole flight to the US... tahimik lang ako at wala sa sarili. Iiyak mag-isa. Iniisip kung okay lang ba siya. Kahit alam kong hindi.

Pagdating ng US araw araw bumibisita sa bahay si Andrew, kababata ko, na hindi ko lubos akalain na ipapakasal sakin.

I don't even recognize his presence when he's at home. Tulala lang ako at wala sa sarili.

"Emerald?"

"H-ha? May sinasabi ka ba?"

"Labas tayo? Igagala kita. Para naman may iba kang nakikita"

"Wala akong gana Andrew, sorry"

"Eto lang please? Emerald? For me?"

Napatingin ako sa kanya na naguguluhan sa sinabi niya pero pumayag na din ako. Kailangan ko din siguro talagang lumabas ng bahay

Nung makalabas kami ng bahay daldal lang ng daldal si Andrew pero hindi ko naiintindihan. Si Ruben pa rin ang naiisip ko.

"Emerald?"

"H-ha?"

"Is he a good guy?"

"Ano?"

"The guy you love? Is he a good guy?"

Thinking about him, otomatikong napangiti na ko agad

"He's one great guy. Sobrang bait, maaalalahanin, he thinks of you before himself, sobrang swerte ko sa kanya, pero- n-nasaktan ko siya. And I bet he hates me right now"

Napayuko na lang ako, naiiyak na naman ako. I miss him so much.

"Hey... Emerald, please stop crying."

"Ang sama sama kong tao Andrew, ang sama sama ko. I... I can't even fight for the person I love."

"Ang swerte niya sayo Emerald, yun ang totoo"

"If only I can do something to make things right"

"You still can do something, Emerald"

Napatingin naman ako sa kanya sa sinabi niya

"I can help you."

"P-paano?"

"Hindi tayo magpapakasal..."

"W-what?"

"Pero pwede favor na lang?"

"Ano yun?"

"Just say to me I love you? Kahit kunwari lang? Gusto ko lang marinig kahit isang beses, dugsungan mo na lang ng as a friend after a few seconds haha"

"Seryoso ba?"

"Oo nga! Haha"

I hugged him tight and for weeks, dun lang ako napangiti ulit ng totoo.

"Just be happy with him okay?? Yun lang ang gusto ko" bulong niya sa tenga ko

After that I let go of the hug and spoke up

"I love you Andrew"

Ngumiti siya pero bago pa man ulit siya makapagsalita sinundan ko na agad

"As a friend"

"Dang that guy is really lucky!"

"I am. I am the one lucky Andrew"

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon