14

313 23 0
                                    

Emerald's PoV

Nagising ako na medyo masakit pa rin yung ulo ko. Pagtingin ko sa paligid, napansin kong nakaswero ako at mukhang private room pa to kaya napatayo ako bigla. Wala akong pambayad dito.

Hinanap ko kaagad yung sapatos ko bago isinuot yon at nagbalak na tumayo pero bumagsak lang ulit ako sa sahig.

Nagulat na lang ako nang may biglang magbukas ng pinto.

"Emy!! Anong nangyari dito?!"

Naghahallucinate na din ba ko ngayon? Bakit boses ni Ruben yung naririnig ko? Hindi ako makatingala, ayokong umasa. Pero naiiyak ako.

"Emy?! Emy?!"

Nung naramdaman kong may humawak sa braso ko napatingin ako sa kanya at dun pa lang sa pagkakataong yun, bumuhos na yung luha ko.

Ruben's PoV

"Oh God, Emy tumayo ka muna please..."

I tried to pull her up at ibalik siya sa kama. Bigla na lang siya umiyak pagkakita sakin.

"Wait me here, wag kang aalis, tatawag lang ako ng nurse"

I ran out to call a nurse para ayusin yung swero niya.

She's not even speaking habang nangyayari yun kaya tumabi ako sa kanya and held her hands

"Emy... please stop crying... please..."

Sinenyasan ko na lang yung nurse pagkatapos para magpasalamat...

"Emy..."

"I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry" paulit ulit niyang sinabi bago siya humagulgol

Wala akong magawa kundi ang yakapin siya ngayon.

Damn. What happened to you my love...

"Emy tama na..." sabi ko habang hinahagod ang likod niya, I kissed her head as well. it pains me to see her this way.

"Ruben, I'm sorry..."

"Ssshh enough. Tama na. Wag ka nang umiyak please... makakasama yan lalo sayo"

Nung medyo kumalma siya, I pulled away para kumuha ng tubig

"Uminom ka muna oh... may pagkain din dito, ayusin ko lang. You need to eat"

"K-kailangan ko na umuwi..."

"Tsk. Magpahinga ka muna please? Parang awa mo na. Magpagaling ka muna"

"P-pero..."

"Wag mong alalahanin ang bayarin dito. Ako na bahala. Just please, rest, Emy"

Natahimik lang siya pero nakaupo pa rin siya sa kama kaya binalikan ko siya para ihiga siya ng ayos.

"Lie down. Don't move too much. Hindi mo pa kaya."

"Ruben..." nakita ko sa mga mata niya na may nagbabadya na namang luha kaya pinunasan ko kaagad yon sabay halik sa noo niya

"We'll talk. Pangako. Magpagaling ka muna, please"

She just stared at me kaya inayos ko ang buhok niya bago bumalik sa pagkain, kailangan niyang makakain.

Dinala ko sa harapan niya yung tray para makakain na siya. Inayos ko yung higaan para nakasandal pa rin siya kahit kumakain.

"Kaya mo ba?"

Hindi siya sumagot sakin but she tried getting the utensils,hinang hina pa rin siya

"Nevermind, susubuan na lang kita"

"Ruben wag na..."

"I insist. Hindi ka makakakain ng ayos ng ganyan. Ako na bahala okay?"

I scooped up some rice from the food I have at kumuha ng ulam bago ko siya sinubuan, kinain din naman niya pero tahimik pa rin siya.

"Emy... ano bang nangyari sayo? Why are you working in a restaurant? Hindi ka halos kumakain, you even got sick right now because of it. What's happening?"

"Tinakwil na ko ng pamilya ko Ruben..." nakayukong sabi niya

"A-ano?!"

I was shocked with what she said, pano magagawa ng isang magulang yon?!

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon