23

552 24 6
                                    

Emerald's PoV

Sobrang swerte ko kay Ruben, even with all that happened, he forgave me and he still loved me despite everything, wala na kong mahihiling pa kundi ang maging maayos kami ng pamilya ko, pero mukhang malabo pa yung mangyari ngayon.

Papatunayan ko na lang muna ang sarili ko sa kanila, that I can be firm with my decision to love Ruben. At tsaka, with Ruben beside me now? Okay na ko. I found myself back with him. Ewan ko ba, yung kakulitan niya, yung pagapproach niya sakin dati na nakakainis, yun pa pala yung mamahalin ko.

I am not that type of person but who would've thought na yung kabaliktaran ng ugali ko ang mamahalin ko ng totoo. That I would do everything that I did na muntik ko pang ilagay sa peligro, para sa taong mahal ko.

Akala ko talaga pagbalik ko dito, I have to work triple hard to get him back, pero hindi, he understood me with one explanation, one letter, and that I am very thankful for.

Nagulat na lang ako may kamay nang yumakap sa bewang ko mula sa likod.

"Anong iniisip mo?"

Umiling ako bago nagsalita "how lucky I am to have and love you"

"Emy..."

"Galingan mo sa pag-aaral ng JD ah? I would feel very proud to see you fulfill your dreams, konti na lang Ruben"

"Susunod ka saken, Emy, I know that"

"It'll take time Ruben, pero salamat pa rin sayo syempre"

"Have I said thank you to you? Ikaw na ng ikaw ang nagpapasalamat sating dalawa ehh"

"Thank me? For what?"

"Hmm. For letting me feel special. Feel loved. You even risked your life for me. Thank you Emy. Thank you because you loved me"

"Nagpapaiyak ka ba?"

"No? Haha. Seryoso ako. Sino ba naman ako para ipaglaban mo sa magulang mo di ba? Ganun mo ko kamahal that you risked everything for me"

"Parang ang yabang mo don"

"Magyayabang talaga ako. Minahal mo ko ehh"

"Tch"

"By the way... I have a gift"

"Gift na naman Ruben? What did I tell you-"

"Hep! You can't stop me from spoiling you. Okay? Kaya tanggapin mo na lang"

"Ano ba kasi yon?"

Nagulat na lang ako when I saw a small box in front of me

"A-ano yan?"

Kumalas siya sa pagyakap saken sabay pinaharap ako sa kanya. He opened the box to show it to me, and I am speechless

"R-ruben..."

"This isn't a proposal ring yet, but a promise ring, Emy, a promise that I'll love you until my last breath. A promise that I'll take care of you whatever it takes. A promise that I'll always be here for you whenever you need me. A promise of everything. A promise of a lifetime between you and me"

Kinuha niya ang kamay ko at sinuot sakin yung singsing

"Tsaka na yung proposal ring pag abogado na ko. Alam ko naman gusto mo muna mag-ipon haha."

"Ruben... ang ganda..."

"Of course for a pretty girl like you" itinaas naman niya yung kamay niya to show his own ring "meron din ako, para may bakod na"

"Baket may humaharot sayo?!"

"Selos ka? Hahaha. Syempre wala. And I won't let anyone. Sayo lang to"

"Dapat lang!"

"Haha so cute my love. I love you"

"Walang babae? Ha?"

"Hahahaha. Wala po. Promise nga oh!"

"Nako Ruben ha."

"Mabait po ako!! Hahaha i love you"

"Love you too" sabi ko kahit masama pa rin ang tingin ko sa kanya

"Smile! Geez. Dapat ata di na ko nagbanggit ng pambabakod"

"Ehh!!"

"Goodness Emy haha, come here" he pulled me in for a hug yumakap din naman ako. "I am and only will always be attracted to you my opposite"

"I love you"

"I love you too."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE END

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE END

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon