Pagkatapos ng araw na yun, pinapakita namin sa magulang ko na okay kami, but we secretly are planning to sabotage the engagement party.
When that day came, si Andrew na ang nanguna na sabihin sa lahat ng bisita na walang matutuloy na kasal. That we don't love each other and all.
Nagalit sakin ang magulang ko, pero wala na kong pakialam, pinalayas nila ako sa bahay, tinulungan naman ako ni Andrew to have a ticket back to the Philippines at unang unang ginawa ko ay ang hanapin si Ruben.
Pinuntahan ko siya sa school kung saan niya sinabing magttake siya ng JD.
Pero ayun nga, as expected, galit siya sakin. Now, maghahanap na muna ako ng matitirhan, ayoko nang magkaroon ng koneksyon sa sarili kong pamilya. If I had to live on my own and find ways on my own. I will. Basta magawa ko na yung gusto ko.
Ang alam ko na lang ngayon, susubukan kong ayusin kung ano man ang nasira ko sa pagitan namin ni Ruben. If everything turns out late, susubukan ko na lang tanggapin
Nagpasa na ko ng resume sa mga law firm at kahit anong kumpanya na pwede kong pasukin after graduating Political Science, pero hindi ako pwedeng maghintay lang sa mga reply nila. Kailangan ko ng pera.
Nag-ikot ikot ako sa paligid ng nahanap kong apartment, para maghanap ng resto na mapapagpartime-an
Luckily, there's one. At agad agad sunod na araw, pinapagsimula na ko.
Kinabukasan, habang nagttrabaho ako nakita ko ang isang pamilyar na mukha, kailangan ko ang tulong niya ngayon.
Mikko's PoV
"M-mikko? Tama ba?"
"Anong kailangan mo?"
"Pwede ba kitang makausap?"
"Para san?"
"Look, I... I need your help"
"Emerald, sorry ah? Suportado ko kayo noon ehh, pero sinaktan mo kaibigan ko. Ilang buwan siyang nalugmok dahil sayo. I don't think I can help you after everything na nakita kong pinagdaanan ng kaibigan ko"
"I'm sorry... I really am"
"Ano pang magagawa ng sorry mo? Nasaktan na si Ruben, Emerald"
"I know, and I have a lot of explaining to do, sana naman pakinggan mo ko"
Hindi pa ko nakakasagot nang tawagin siya ng boss niya
"Emerald!! Table 5!!"
"Y-yes boss! M-mikko, please, itext mo na lang ako sa number na to kung handa kang marinig ang side ko. Yun lang please"
Sabi niya bago dali daling umalis sa harapan ko at nagpatuloy sa trabaho. Tiningnan ko lang ang papel na binigay niya pati na rin siya mismo. Kapansin pansing lalo siyang namayat simula nung huli ko siyang nakita sa school nila more than 6 months ago. Should I listen to her?
BINABASA MO ANG
Opposites Attract
FanfictionI never wanted to fall in love, especially with someone I hated for the very long time. We were two different persons, he and I were enemies before, but things changed. Things happened, I didn't know it can happen. I fell in love with my opposite. O...