Ruben's PoV
"Pre?"
"Oh bakit?"
"Mahal mo pa ba?"
"Sino?"
"Alam mo naman kung sinong tinutukoy ko Ruben"
"Ilang buwan mo na rin ako tinanong ng tinanong simula nung bumalik ako dito tangina ka hahaha"
"Kasi hindi ko naririnig yung totoo gago"
"Totoo? Walang totoo haha. Tama na yung katangahan ko noon. Paahon na nga ako oh? Ayoko na lumubog ulit"
Emerald's PoV
Pag-uwing pag-uwi ko pa lang sa bahay one week after I started in the restaurant, napahiga na ko sa kama sa sobrang pagod. Di ko na naiinda yung tigas nung kama tsaka yung init. Ako lang halos ang kasya sa kwartong to. Walang tv o kahit ano. Kama at electric fan lang. Ang cr nasa labas, shared. Eto lang kinaya ng pera ko, hindi ko pwedeng sagadin.
This is way too far from my way of living pero mas okay ako dito. Mas malaya ako. Yun nga lang, hindi pa rin ako masaya. Hangga't di ko siya nakakausap ng maayos, wala akong karapatan sumaya.
Tumunog yung tyan ko pero itinulog ko na lang. Nakapagtinapay na naman ako kanina bago umuwi ehh.
Inalala ko na lang yung nakangiting mukha ni Ruben para kahit papano ehh maibsan yung pagod ko. Inaalala yung masasayang araw namin magkasama hanggang sa lamunin ako ng antok.
Kinabukasan maaga ako gumising para hindi ako abutin ng pila sa banyo. Maaga akong pupunta sa lugar na napag-usapan namin ni Mikko. Hahanap na lang ako ng karinderyang kakainan sa paligid.
Kung hindi siya maniwala sakin, hindi ko na alam ang pwede kong gawin para mismong si Ruben maniwala sakin.
Mikko's PoV
"Oh. Ang aga mo naman?"
"Ahh, hindi tama lang. Kasi may inayos pa din ako bago pumunta dito"
"Ahh. Umorder ka na? Bakit tubig lang iniinom mo?"
"Nakakain na kasi ako. Okay na to"
"Umorder na tayo. Di ako naniniwalang kumain ka na"
"Totoo nga Mikko, okay na-" natigil siya sa pgsasalita nung tumunog ang tyan niya
"What the heck Emerald? Ano ba talagang nangyayari sayo?"
"Wala. Ano... basta"
"Oorder tayo ng pagkain, sagot ko na. Kumain ka ng marami. You have some explaining to do."
"Mikko wala ako pambayad sayo"
Naguguluhan ako pero mamaya ko na uusisain
"Kagaya ng sinabi ko. Sagot ko na. Ayokong mahimatayan ng kasama. Kakain ka, okay?"
"S-salamat"
Umorder na ko ng pagkain para saming dalawa and the moment the food came, kitang kita yung tuwa sa mga mata ni Emerald.
"Kain na, wag ka na mahiya"
"S-sige"
The moment I told her to start eating para siyang batang ngangayon nakatikim ng masarap na pagkain. Napapaisip pa rin ako kung anong nangyare. Staring at her right now felt like she's a different person that the one I saw in the educational debates. May mali. May malaking mali.
Sinabayan ko siya sa pagkain para di siya mailang. Hindi ko muna siya inimikan to let her get herself full.
Nung matapos siyang kumain at makainom ng tubig, she burped loud. Medyo nagulat ako because, she was a demure girl back then,mataray na parang unapproachable tapos ganito makikita ko?
"Sorry."
"No it's fine. Uhm haha. Nabusog ka ba?"
"Oo salamat."
"Pwede ka na siguro magpaliwanag?"
Huminga siya ng malalim bago nag-ayos ng sarili
"Makikinig ka naman di ba?"
I nodded. I think seeing her like this is enough to make me listen
BINABASA MO ANG
Opposites Attract
FanfictionI never wanted to fall in love, especially with someone I hated for the very long time. We were two different persons, he and I were enemies before, but things changed. Things happened, I didn't know it can happen. I fell in love with my opposite. O...