Emerald's PoV
I wiped my tears before speaking again
"Mahal na mahal ko yang kaibigan mo pero wala akong magawa Mikko. Ngayon lang ako nagkaroon ng tsansa. Pero ayun nga. Nagsisimula ako sa wala ngayon kaya nagttrabaho na lang ako sa resto kung san mo ko nakita. I am also applying for a corporate job pero hindi ko kayang hintayin yun dahil mauubos ang pera ko. Kaya pinagkakasya ko lang muna yung meron ako. Nagtitipid muna ako"
"Anong balak mo ngayon?"
"Sa totoo lang Mikko hindi ko alam. Hindi ko alam anong gagawin ko para patunayan yung sarili ko kay Ruben. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Tapos ganito pa sitwasyon ko ngayon. I tried to approach him last week pero sino ba naman tangang maniniwala sakin na mahal ko siya pagkatapos niya masaktan di ba?"
"You guys need to talk, Emerald"
"Alam ko. Pero hahanap muna ako ng pagkakataon. Ngayon siguro yung hihingin ko na lang na tulong sayo ehh ito"
I pulled out a piece of paper. Idadaan ko na muna sa sulat. Kung itapon niya, gagawa ako ulit. Gagawa ako ng gagawa hanggang sa basahin niya. Kahit hindi na niya ko mahalin, mapatawad na lang, okay na yun saken
Ruben's PoV
"Pre!!"
"Oh? Problema mo na naman?"
"Oh"
"Ano yan?"
"Love letter ko"
"Aanhin ko yan Mikko tangina ka"
"Gago. Kunin mo muna bago ko sabihin"
"Anong joke to?"
"Hawakan mo bwisit"
"Oo na!! Inang yan! Ano ba kasi to?!"
"Basahin mo. Wag mo itatapon. Intindihin mo bawat nakasulat."
"Sayo to bat ko babasahin?"
"Basta!!"
"Siraulo kang tunay Mikko"
"Pasasalamatan mo pa ko pagkatapos, sinasabi ko sayo"
"Ano ba kasi to? Yung totoo?"
"Basahin mo na lang!! Daming satsat!"
"Oo na! Mamaya sa bahay leche may ginagawa pa ko!"
"Wag mo itatapon masusuntok kita"
"Oo na tangina"
Pagkatapos ng araw na yun pagkauwi ko nakatingin lang ako dun sa papel. Taking up Juris Doctor is way more stressful pero fulfilling din kahit papaano. Iniisip ko pa rin anong meron sa papel na to. It was just a simple folded paper, pero kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
Huminga ako ng malalim bago yun binuksan only to be shocked by the handwriting.
"Emy..."
Sulat pa lang niya kilalang kilala ko na.
"Ruben...hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Patawad. Patawad kasi, akala mo wala lang lahat ng pinagsamahan natin noon. Sorry kasi nasaktan kita. Sorry kung yung mga panahong akala mo okay tayo, akala mo tinapon ko lang. Sorry. I don't have enough words to say. I know sorry is not enough for your pain. Gusto ko lang din sabihin sayo na, totoo yung naramdaman mo, na kung ano man yung naging relasyon natin, nakita kong higit pa tayo don. Mahal kita Ruben. Alam ko hindi mo ko mapapatawad kahit anong paliwanag ko pero sana kahit yung salitang mahal kita, yun lang, paniwalaan mo. Nagbalik ako sa pilipinas para sayo, pero hindi na bilang Emerald na nakilala mo noon. Wala akong mukhang maiharap sayo ngayon, pero sana, kahit pagpapatawad mo lang makuha ko. Yun lang okay na ko Ruben. Mahal na mahal kita. Noon pa man, mahal na mahal na kita. And I'm sorry for hurting you. Hindi ko sinasadya. Kulang ang isang sulat sa pagpapaliwanag pero kung kailangan kong ulit ulitin para lang makita mo na nagsisisi ako sa nangyari gagawin ko. Kasi mahal kita. Kung basahin mo naman to, alam ko marami ka pa ring tanong, at handa akong sagutin lahat ng yun, mapatawad mo lang ako. Alam ko galit na galit ka saken pero uulit ulitin ko pa rin sayo, minahal kita Ruben, noon pa man, hanggang ngayon.
I know you're moving on. Hindi naman kita pipigilan kasi kasalanan ko. Gusto ko lang talagang masabi sayo yung totoo.
Sorry. And I love you, Ruben"
BINABASA MO ANG
Opposites Attract
FanfictionI never wanted to fall in love, especially with someone I hated for the very long time. We were two different persons, he and I were enemies before, but things changed. Things happened, I didn't know it can happen. I fell in love with my opposite. O...