Chapter 5: Surrender

27.5K 1.2K 131
                                    

#DaggerSeries #LiaxGun #DS2Unstrung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DaggerSeries #LiaxGun #DS2Unstrung

CHAPTER 5: SURRENDER

LIA'S POV

I can hear the low buzz of people talking around me. Imbis na tumayo at makihalubilo sa kanila ay nananatili lang ako sa pagkakahiga sa sofa habang nakapatong ang isang braso ko sa mukha ko para magawa kong takpan ang mga mata ko.

"Great performance as usual, Lia. Congratulations."

Itinaas ko lang ang isang kamay ko para mag thumbs up sa kung sino man ang nagsalita. The voice sounded familiar but everyone here is familiar to me. Wala sana akong balak gumalaw sa kinahihigaan ko nang maramdaman kong may kumurot sa hita ko.

"Aray! Sam!"

"Umayos ka," mahina niyang asik sa akin at kulang na lang hilahin ako para mapaupo ako.

Salubong ang kilay na bumangon ako at mahina ko pang sinipa si Sam na iiling-iling na lang habang pinandidilatan ako. Nasa paanan ko kasi siya sa sofa na kinahihigaan ko.

Pagkatapos kasi ng concert ay may after party. Ayoko na sanang sumama ang kaso hindi pumayag si Maddy dahil baka lalong maniwala ang mga tao tungkol sa issue na pagkakaroon ko ng "diva attitude". Like I care about what they think.

Ayoko na lang talagang bigyan pa ng alalahanin sila Maddy ngayong ilang buwan lang ang nakararaan ay naging mainit ang usapan tungkol sa nangyari sa morning show kung saan ako nag guest. The good news was maraming tao ang dumepensa sa akin tungkol sa naging mainit na pagtatalo namin ng host na si Reggie. The bad news was I got banned from the show indefinitely because apparently, Reggie was actually one of the executive producers. But another good news on my part, nakielam na ang board dahil na rin sa inasal ni Reggie. Instead of getting banned I was suspended for a month for my indecent exposure stunt. Which I didn't mind kasi it's not like I need to be back there anytime soon. Iyon nga lang si Reggie ang mas nakatanggap ng malaking bad news dahil suspendido siya ng dalawang buwan.

In short, it didn't do any damage on my reputation. In the first place marami naman na talagang nag ci-circulate na balita tungkol sa antics ko. I'm usually a calm person even when someone's pissing me off but when the person I'm talking to is beyond rude, I can't really help but go nuclear.

Kaya imbis na pasakitin ko pa ang ulo ni Maddy na ilang buwan inasikaso ang pagsisiguro na wala ng kakalat na larawan kung saan nakabalandra ang dibdib ko ay sumama na ako sa after party.

"It's okay. Lia looks tired. Lumapit lang talaga ako para i-congratulate kayo."

I can feel the throbbing in my head again. Iyon naman kasi ang dahilan kung bakit nakahilata ako sa mahabang sofa na nasa isang parte ng kinaroroonan namin na event room. It's one of the facilities of the hotel of the resort that most of the musicians that played on the benefit concert booked themselves and their members.

Dagger Series #2: UnstrungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon