Chapter 30: Hundred More Years

28.1K 1K 123
                                    

#DaggerSeries #LiaxGun #DragonCouple #DS2Unstrung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DaggerSeries #LiaxGun #DragonCouple #DS2Unstrung

CHAPTER 30: HUNDRED MORE YEARS

LIA'S POV

Lumikha ng tunog ang compact mirror na hawak ko nang isarado ko iyon. Nilingon ko si Gun at napangisi ako nang makita kong inaayos niya ang pagkakasuot ng necktie niya na bahagya nang nalukot. I don't think anyone will focus on his tie though. Dahil di hamak na mas gusot ang suot niya na damit.

"Let me look at that."

Tumigil siya sa ginagawa at bahagyang humarap sa akin. I ignored the remains of heat in his eyes and instead I focused on fixing his tie for him. Hindi naman naging mahirap iyon para sa akin dahil kaagad kong naiayos iyon.

"Where did you learn to do that?"

Pinaikot ko ang mga mata ko nang makita ko ang pagkakatingin sa akin ng lalaki. "Don't look at me like that. Kahit nga fling wala ako."

"You have the president's son."

"That's not a fling. Kahit nga isang date hindi namin nagawa."

"And yet you kissed him."

"On his cheek." I squinted my eyes at him. "Are we really going to fight on our wedding day? Magbibilangan ba tayo ng past "casual entanglements"?"

A smile curved his lips when I even air quoted the words that he used to described his own flings before. Kung tutuusin naman ay zero talaga ang relationship status ko mula nang maghiwalay kami. I don't think I ever stayed at the same room with a man that is not from my team.

"Nope." Hinila niya ako palapit sa kaniya hanggang muli akong mapaupo sa kandungan niya. Bagay na siyang posisyon ko kanina. Okay self. Control your urges. Magtira ka naman para sa honeymoon.

"And just to be clear, natuto ako dahil nagkaron ng phase ang wardrobe designer ko noon na puro may necktie ang pinapasuot niya sa akin."

Nilapit niya ang mukha sa akin at nalukot ang ilong ko nang dampian niya ako roon ng halik. He's clearly trying to change the subject so we won't argue anymore.

"We need to go. I can hear my phone buzzing non-stop," he said after awhile.

Umalis ako sa kandungan niya habang si Gun naman ay binuksan na ang pintuan ng sasakyan at lumabas. He helped me get out and a knowing smile crossed between us before he opened the passenger door for me. When I was safely in, he went around the car to enter the driver's side.

"They're probably freaking out. You basically hijacked the car from Manong driver," I said to him.

He reversed the car out from whatever place ha parked the car at na hindi naman kalayuan sa simbahan. I think papunta rin iyon sa direksyon ng venue ng kasal pero nag detour lang siya. Sa mas malayo at hindi nadadaanang lugar.

Dagger Series #2: UnstrungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon