#DaggerSeries #LiaxGun #DS2Unstrung
CHAPTER 7: WISHING ON A STAR
LIA'S POV
Napabuntong-hininga ako nang pagkababa ko ng sasakyan ay nakita kong sumunod din si Gunter. Hindi naman na ako umangal pa dahil naiintindihan ko naman ang sitwasyon. It's not like anything that happened was expected.
Never in a million years that I would imagine that this day could happen. Kung paanong parang kay gaan na bagay ang isang buhay para sa taong kaya iyong kitilin nang walang pag-aalinlangan.
Hindi ko nga alam kung buo na iyong pinaniniwalaan ng sistema ko. Pakiramdam ko kasi ay isa lang masamang panaginip ang mga nangyari. That the next time that I meet with my team, I would see Maddy there. I would see her constantly stressing about me and asking me over and over again if I'm okay.
I can feel the keys I'm holding biting into my palm when I tightened my grasp. Napaangat ako nang tingin nang maramdaman ko na may kamay na humawak sa akin at marahang ibinuka iyon para kunin ang susi sa akin.
I sighed again when Gun pulled me so I'm positioned at his back before opening the door of my house. Tahimik na sumunod lang ako sa kaniya. May isang parte sa akin ang natatakot sa posibilidad pero mayroon din na isang parte ang naniniwala na hindi nagtungo ang taong iyon sa bahay ko.
He knew where I was. Bakit siya mag-aaksaya ng oras na pumunta rito? Even if he wants to get back at me for getting away, there's no way that he would come here when he knows that the police will be searching for him.
"Sino ka?!"
Sumilip ako mula sa likod ng malaking bulto ni Gun nang marinig ko ang malakas na boses ng sitter ko. Gun looks like a rugged prince but even with his looks anyone would freak if he suddenly enter a house without any notice. He's bigger than life and he usually towered everyone. Hanggang dibdib niya nga lang ako. Sa tingin ko ang tanging kakompetensiya niya lang sa tangkad niya ay ang mga kapatid niya.
"It's okay, Hidie. He's with me."
Namumutla pa rin ang mukha na nagbaling sa akin ng tingin ang babae. "Ate Lia! Akala ko matagal pa ang balik mo?"
Hidie is the daughter of the security guard in our village. Nagtatrabaho siya sa umaga sa admin office at nakatira siya sa isa sa mga accommodation kasama ang tatay niya. Nang minsan akong pumunta sa office para sana magtanong kung may available na sitter sa agency na affiliated ang village kung saan usually ay kasambahay ang may hiring, nagpresinta si Hidie na siya na lang ang kunin ko. She needed the extra cash and I needed to find a sitter fast. That time I had a week long tour outside of the country and I needed someone to take care of Harper.
"There's a..." I looked up at Gun and immediately looked away when I saw him staring at me. "There's a bit of a situation. Kailangan kong mag-impake ng ilang mga damit. Harper's coming with me."
BINABASA MO ANG
Dagger Series #2: Unstrung
ActionKilala si Adelia o Lia Asterio bilang isang musical prodigy. She earned the title "Queen of Versatility" with her impeccable talent in music. Musika na ang naging buhay niya. She just loves the feeling of being in love countless times through music...