Chapter 20: Bridge Over Troubled Water

26.1K 1K 62
                                    

#DaggerSeries #LiaxGun #DS2Unstrung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DaggerSeries #LiaxGun #DS2Unstrung

CHAPTER 20: BRIDGE OVER TROUBLED WATER

LIA'S POV

Umiling ako nang lumapit sa akin si Trace at inabutan ako ng kape. Napapabuntong-hininga na ibinaba niya iyon sa lamesa na nasa harapan namin at pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko. Nasa loob kami ng malaking conference room na nandito sa research floor ng Dagger. Nagkalat ang mga kapatid niya sa paligid namin habang pabalik-balik din ang ilang mga empleyado nila.

"You'll be fine."

Nilingon ko si Trace at sinalubong ko ang mga mata niya. "That's not what I'm worried about."

"That's our priority."

I turned my head away at what he said. Nagbaba ako ng tingin sa magkasalikop ko na mga kamay. This is my fault. I need to stop everything. I need to stop dreaming again. Kasi kada makukuha ko ang mga bagay na pinapangarap ko... ang daming nasasaktan kapalit ng katuparan ng mga iyon.

"Lia." I didn't look at him but I was forced to when I felt his hand on mine. Kita ang pag-aalala sa mga mata niya. "I know we haven't talked for years mula nang... mula nang maghiwalay kayo ni Kuya. We were hurt not just because of what happened with you two but because you scraped us out of your life too."

"Trace..."

"You're important to me too. You're my friend." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko. "Kaya ikaw ang priority namin. We will take care of your team but you deserve to be safe too. Wala kang kasalanan."

For a moment, I felt some of the weight pinning me down got lifted from me. Ang sarap sa pakiramdam na malaman na hindi lang ito basta trabaho para sa kanila kundi dahil importante pa rin ako sa kanila. For a moment... I wanted to hope.

Just for a moment.

"Gun, I'm telling you, we don't have much. Lahat ng suspect natin may alibi. We're not looking for someone who is just admiring her obsessively."

Nanggaling ang mga iyon kay Pierce na nakaupo sa isa sa mga upuan ng mahabang lamesa. Sa kabisera niyon ay naroon si Gun na nakatayo dahil nagpapabalik-balik siya sa glass wall na sinusulatan niya at sa laptop na nasa lamesa.

"Iyong height at built din. None of them is close to what Lia stated. Kung hindi sobra ay kulang naman," sabi ni Axel.

"Built can be faked."

"Pero hindi ang height. I doubt he's wearing heeled shoes during the attack."

May pumasok na empleyado na may tulak na malaking whiteboard. Inilagay niya iyon sa harapan ng kuwarto. Opposite from where Trace and I are at.

"If we're looking for someone who just want to hurt her then what motives could be possible?" Gun asked.

"Money," Thorn said. Sandaling tumingin siya akin bago nagpatuloy. "Unang-una roon ang mga magulang ni Lia. They've been after her inheritance for awhile now."

Dagger Series #2: UnstrungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon