Chapter 25: Fire and Rain

25.8K 1K 167
                                    


#DaggerSeries #LiaxGun #DS2Unstrung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DaggerSeries #LiaxGun #DS2Unstrung

CHAPTER 25: FIRE AND RAIN

LIA'S POV

Naramdaman ko na humigpit ang kamay ni Gun na nakahawak sa akin. Nag-angat ako ng mga mata sa kaniya at sandaling may namagitan sa aming dalawa. Mga salitang kaming dalawa lang ang nakakaalam.

His thumb circled on my hand soothingly and I let him. He asked me out to dinner kaya ngayon ay nasa pampublikong lugar ulit kami. Iyon nga lang ay nasa Maynila kami imbis na sa Cavite. This is the first time since Dagger took my case that I've been exposed to this kind of crowd. But despite the fear, my heart is calm.

"Anong oras daw dadating ang kaibigan mo?"

He's talking about River. We're supposed to meet tonight too. "Tatawag na lang daw siya kapag nandito na siya pero baka mamamaya pa 'yon kasi may kinita rin siya na mga kaibigan daw."

"Bakit kasi hindi niya na lang i-email ang mga ibibigay niya sa iyo?"

River called me three days ago to tell me that they finished some of our new songs. Usually hindi naman siya ang nagbibigay no'n sa akin kundi sila Miguel but he said that they asked him to give it to me. Noon naman kasi ay gusto ko talaga hardcopy ang ibibigay sa akin kapag irereview ko na. Iyon nga lang sa pagkakataon na ito ay gusto sana ni Gun na sa email na lang lahat o kaya ay ipadala na lang sa Dagger. Pero dahil nandito naman na kami at nandito rin si Gun ay pumayag na rin siya na kitain ko saglit si River.

"Hayaan mo na. Saglit lang naman 'yon." Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at pagkatapos ay niyakap ko ang braso ko sa bewang niya dahilan para maging sobrang magkalapit ng mga katawan namin. "You'll have me all evening anyway."

"Not just the evening."

It's so freeing to be like this with him. Iyong bigat na nararamdaman ko noon ay kahit bakas hindi ko na maramdaman ngayon. Lucienne was right. It's different when I have someone with me- No... when I have Gun with me. All of him.

Pagkasama ko siya parang memorya na lang ang sakit. I know that the scars of the past are still there but I can't feel the pain anymore. Even visits of phantom pain is gone.

"Right. Not just the evening," I said in agreement.

Naagaw ang atensyon ko nang lugar na ngayon ay abot tanaw na namin. Nanlaki ang mga mata ko at saglit na nalagay sa pinakalikod ng utak ko ang lahat ng isipin ko nang makita ko iyon. "Holy shit! I love this place!"

Malayo ang pinagparkingan ni Gun kaya kinailangan din namin na maglakad ng may kalayuan. Sobrang dami kasi talaga ng tao rito. It's a place in Taguig. I'm just not sure kung saan ang eksaktong lokasyon.

Akala ko nga ay sa mamahalin na restaurant kami pupunta kaya nga nagsuot pa ako ng dress na casual pero appropriate pa rin sa ganoong klase ng mga kainan. I may not be fond of eating in five star restaurant but it doesn't mean that I don't appreciate some of them. Lalo na kung si Gun ang kasama ko.

Dagger Series #2: UnstrungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon