2

7.1K 18 0
                                    


Aaaaarrrghhh!!

Gusto kong mag wala pero ayaw kong makita nila ako sa ganun ayos kaya bumalik nalang ako sa kwarto ko.

Maliit lang ang bahay namin, we only have two rooms. Ang isa kay mommy at ang isa ay sa akin. Walang sofa ang kwarto ko, pwede sana sa salas ako matulog kaso, ugh!! Naalala ko na naman ang nakita ko dun.

Parang gusto kong sabunutan si mommy sa mga pinag gagawa niya, hindi naman ako ganun. Kanino ba sya nag mana? Kay lola?

Pag pasok ko sa kwarto, pinag masdan ko ang natutulog na si Caden Trevor.

"Bwiset ka, akala mo ba porke pogi ka pwede ka ng matulog sa kwarto ko." Wala sa sariling sabi ko dito pero narealize kong sinasayang ko lang ang oras ko. Plano ko ngang matulog ng maaga ngayon ngunit hindi ko nagawa dahil sa mga nangyari.

Pinag masdan ko ang kwarto ko at nag hanap ng pwedeng higaan. Nag pasya ako na mag lalatag nalang ako sa sahig na ginawa ko naman agad.

Nang komportable na ako sa naging posisyon ko ay agad naman akong naka tulog.

Nagising ako na masarap na ang pag kakahiga sa kama. Agad akong napabangon ng mag karon na ako ng diwa. Hinagilap ng mata ko si Caden Trevor pero wala siya, mag isa nalang ako sa kwarto at walang bakas ng pag tulog nya dito ang naiwan.

Napatingin ako sa orasan at nakitang mag aalastres pa lamang. Ang aga aga eh nawawala ang taong yun.

Babalik na sana ako sa pag tulog pero hindi ko nga alam kung bakit lumabas ako ng kwarto para hanapin siya. Sino ba sya sa inaakala nya at nag eeffort ako ng ganito?

Naabutan ko siya sa kusina, may hawak na bote ng alak sa isang kamay at sakabila naman ay sigarilyo. Agad akong napangiwi at nag takip ng ilong.

"Smoking is not allowed inside. May allergies ako diyan."

Agad siyang lumingon sa akin,

"Then don't smell it." Pabalang niyang sagot.

"I can't. Pag hindi ako huminga, mamatay ako."

Natatawang umiling siya at agad na pinatay ang sigarilyo niya at itinapon.

"Okay na po, mahal na prinsensa." Pang aasar pa niya na inirapan ko lang.

Dumiretso ako sa ref at kinuha ang box ng fresh milk at nag lagay sa paborito kong mug. This is from my biological dad. Kulay itim ito at pag nalalagyan ng laman ay lumilitaw ang pangalan ko sa kulay gold na font, Via Celestine.

I really like my name. I don't know why, baka dahil pangalan ko sya kaya ganun.

Pag tapos ko mag lagay ng fresh milk sa mug ay ibinalik ko ang box sa ref at hinanap yung cookies sa mga drawer. Nang mahanap ko ang hinahanap ko naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Caden Trevor.

"Gusto mo?" Alok ko dito kahit para sa akin lang ang inihanda ko, may alak naman sya eh.

Buti naman at umiling sya.

Masaya kong isinawsaw ang cookies sa gatas. This is one of my favorites, nung bata pa ako tuwing gabi ay ito ang bonding namin tatlo nila mommy at daddy.

"I miss my dad." Nasabi ko nalang ng wala sa aking sarili, agad ko naman yun pinag sisihin. Baka na offend sya.

"I-im sorry." Agap ko sa sinabi ko.

"It's okay. I miss my mom too, it's normal." Aniya,

Natahimik ako. Walang mahagilap na salitang babagay sa pinag usapan namin.

"You should sleep, may pasok ka pa." Pang babasag nya sa katahimikan.

"At ikaw wala?" Pabarang sagot ko na ikinatawa nya.

Sabay na kaming bumalik sa kwarto and this time, sa nilatag ko na sa sahig sya natulog. Hinayaan ko naman siya. Hindi porke nag kausap kami ay hahayaan kong tumabi sya sa akin, baka ako ang multuhin ni daddy niyan.

Nagising ako sa ingay ng alarm ko. Katulad kanina ay mag isa nalang ako sa kwarto.

Pag bangon ay dumiretso ako sa CR para maligo. Pag tapos nun ay agad akong nag bihis sa aking uniform.

"Good morning, Vi!" Masiglang bati sa akin ni mommy at hinalikan ako sa pisngi na nag pangiwi sa akin dahil naalala ko na naman ang nakita ko kagabi.

"Kumain ka na ng almusal, sabayan mo na kami." Aya nito, tumango ako.

Naabutan ko si Rafael na nag babasa ng dyaryo at sa tabi naman nito nakaupo si Caden Trevor na abala sa cellphone niya.

Pag kaupo ay ready na ang kakainin ko. May fried rice na sa plato ko, mamimili nalang ako ng ulam. May gatas narin akong naka timpla at ang cookies ay katabi nito. Agad naman akong inasikaso ni mommy.

"You're such a baby." Bulong ni Caden Trevor habang pinag mamasdan ako na pinag sisilbihan.

"Inggit ka lang." Sabi ko at inilabas pa ang dila niya para asarin siya.

Inirapan nya lang ako at ibinalik ang focus sa cellphone nya.

Nang matapos kaming mag agahan, inihatid kami ni Rafael sa school together with my mom. Halos maiyak pa nga si mommy ng pababa na kami ni Caden Trevor ng sasakyan.

"Be a good girl and boy, mga anak." Madramang sabi pa ni mommy. Napairap ako.

"My, college na kami. Hindi kinder." Kontra ko dito,

"Wag mo siraim moment ko, Via Celestine!" Aniya at inirapan ako. "Masaya ako kasi para na talaga tayong pamilya. Ngayon lang ako naging ganto kasaya."

Napailing ako at tinalikuran na sila.

"Whatever."

Nag dere deretso na ako sa pag lalakad ng pigilan ako ni Caden Trevor.

"Yes, brother?" Tanong ko dito, pang asar.

"Where's my room?" Tanong nya,

Napatango naman ako. Bago nga pala sya dito.

"Fine arts building is--opps, hanapin mo." Sabi ko dito at mabilis na tumakbo para hindi nya maabutan.

Nang makarating ako sa room namin ay hinihingal ako. Agad akong naupo sa upuan ko at pinaypayan ang sarili gamit ang mga palad.

"Vi, nakita mo na ba yung mga bagong estudyante? Grabe lahat sila pogi." Kinikilig na kweto sa akin ni Selene at talagang hinampas hampas pa ko.

"At isa pa teh, ang swerte natin kasi kaklase natin yung isa."

Bago pa ko makapag react ay naagaw na ng lalaking pumasok sa room namin ang atensyon ko, hindi lang sa akin kundi sa buong room.

-

Lips of an Angel (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon