Agaran kong ibinaba ang paningin nang makita ko si Caden Trevor na pababa ng hagdan. I feel my cheeks burning. Hindi ko maiwasan na maalala ang nangyari kagabi, the kiss at ang mga sinabi niya ang siyang gumugulo sa utak ko. Ni hindi nga ako nag karon ng matinong tulog kagabi dahil roon.
Kinabukasan ay pinanatili ko ang normal kong pag kilos kahit na naiilang ako sa bawat tingin sa akin ni Caden, lahat ng kilos niya ay nalalagyan ko na ng malisya.
"Ano pang gusto mo, Vi?" Masuyong tanong sa akin ni mommy, umiling lamang ako.
Wala na akong ibang gusto kundi matapos na tong almusal na to at umalis na sa bahay sila Rafael. Gusto ko ng bumalik sa dati ang buhay ko, ang buhay namin ni mommy. Wala akong pake kung ipag patuloy nila ang relasyon nila, my mom deserve everything that will make her happy.
Sa totoo lang, noong nabubuhay pa si daddy hindi ko nakitang ganto kasiya si mommy. Alam ko at nararamdaman ko na mahal niya si dad pero hindi katulad ng pag mamahal niya kay Rafael and it makes my heart hurt like hell. Daddy ko yun eh!
Hindi ba't parang nagiging unfair si mommy? Knowing na nasa pamamahay pa kami ni daddy and wala bang bahay sila Rafael para dito sila tumira sa amin? Dalawang araw na silang andito. Gusto ko na ng tahimik na buhay!
"Oh siya sige, tapusin mo na ang pagkain mo at baka mahuli pa kayo sa klase." Sabi ni mommy at nag patuloy narin sa pag kain niya.
Sinunod ko naman siya.
Nang nasa sasakyan na kami ni Rafael, nanaig ang katahimikan. Tatlo lang kami, wala si mommy dahil sabi nya ay mag lilinis siya ng bahay. Naka upo si Caden sa unahan at ako naman nasa likod. Mabuti narin yun at ayaw kong mag kadikit kami dahil naalala ko lang ang ginawa niya kagabi.
But admit it, Via! Nagustuhan mo rin! Dahil kung tutol ka ay sana tinulak mo siya palapit.
"Via, nasabi na ba ng mommy mo sayo ang tungkol sa pag punta natin sa Lola Celestia mo next week?" Panimula ni Rafael,
"Hindi pa po." Simpleng sagot ko dito, tumango siya.
"I see."
Nang makarating sa school ay dali dali akong nag paalam at lumabas na. Ayaw kong makasabay si Caden.
Katulad ng dating gawi, nakinig lang ako sa lesson ng mga teachers. Ang bago lang talaga ay katabi ko si Pierce na walang ibang ginawa kundi asarin ng asarin si Selene. Ako na nga ang naaasar sakanilang dalawa dahil napapagitnaan nila ako.
Mabilis lumipas ang mga araw at dumating ang susunod na linggo, sinuot ko ang sunglass ko at itinago sa likod ng aking tenga ang mga buhok kong kumalat na sa aking mukha.
Bumaba ako sa kotse na tanging dala lamang ang sling bag ko, hinayaan ko na sila ang mag dala ng mga bagahe ko kasi sabi rin naman ni Rafael.
"Celestine!" Agad na lumawak ang ngiti ko ng salubungin ako ng yakap ni Lola, she planted kisses on my hair na nakasanayan na niya sa tuwing nag kikita kami.
"You grew up too fast, sweetheart!" Puna niya ng pakawalan ako sa mahigpit niyang pag kakayakap.
"My," Bati ni mommy dito at humalik siya sa pisngi nito pag tapos nun ay nalipat naman ang atensyon ni lola kay Rafael.
"My, si Rafa--"
"I know him, Celestina!" Agap ni Lola at ngumiti rito, "Hindi pa mahina ang memorya ko, don't insult me."
Nag mano sakanya si Rafael at inutos rin nito na gayahin siya ni Caden pero bago pa makapag mano si Caden ay niyakap na siya ni Lola.
"Eto na ba ang apo ko?" Masayang tanong ni Lola,
Ngumiti sila mommy, kumunot naman ang noo ko. Tanggap na tanggap ni Lola ang sitwasyon?
"Halina, pumasok na tayo! Alam kong nagutom kayo sa byahe."
Dumiretso kami sa hapag kainan, masayang nag uusap ang mga nakaka tanda samantalang kami naman ni Caden at tahimik lang.
"Mag papakasal ba kayo?" Halos mabilaukan ako sa tanong na yun ni Lola kaya't naagaw ko ang atensyon nila.
"Are you okay, sweetie?" Tanong nito at tumango ako sabay kuha ng table napkin para punasan ang labi ko.
"Hindi ba't masyado pa pong maaga para sa bagay na iyan?" Magalang kong tanong sa mga ito, nginitian ako ni Lola. Si Rafael ay seryosong naka tingin lang sa akin samantalang si mommy ay malungkot na naka ngiti.
"I waited for almost 18 years para dito, Via. Ayaw ko ng mag sayang pa ng oras." Ani Rafael na nag pakunot sa noo ko.
"You waited what po? Ang mamatay ang daddy ko nang mapakasalan mo na ang mommy ko?" Hindi ko napigilan sabihin na nag pasinghap sa mga tao sa hapag.
"Via Celestine!" Saway ni mommy pero umiling ako,
"This is too much, mom! Kakamatay palang ng daddy ko. Give him some respect!" Puno ng hinanakit kong sumbat dito. Napansin ko ang mumunting luha na nag babadyang tumulo galing sa mata ni mommy.
"I understand you, Via. Kung kailan handa ka na, dun kami mag papakasal." Marahan sagot ni Rafael sa akin kaya't napatango ako.
"Buti naman po nag kakaintindihan tayo." Sabi ko at tumayo na, "I'm done eating na po."
Dumiretso ako sa kwarto ko at mag hapon na di lumabas. 2 weeks kaming mananatili dito dahil sembreak naman pero ngayon palang ay gusto ko na umuwi.
Sa dami nang iniisip ko ay nakatulog ako. Nagising akong madilim na ang kwarto dahil hindi ko nabuksan ang ilaw kanina.
Pag labas ko ng kwarto, tahimik na ang paligid. Anong aasahan ko eh 12 o'clock na ng hating gabi. Dumiretso ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom ng may marinig akong kaluskos sa labas. Hindi ko na sana papansinin yun ng maulit muli.
Dahan dahan ako sa pag lalakad ng makalabas ako ng bahay, dumiretso ako sa pool ng marinig ang lagalas ng tubig at dun ko naabutan si Caden na lumalangoy habang nasa gilid ng pool ang mga alak at sigarilyo.
Lumapit pa ako sa pool at umupo sa gilid nito. Napunta sakin ang atensyon ng huli at lumangoy siya palapit sa akin.
"Bakit gising ka pa?" Tanong niya at inabot ang tuwalya at ibinalot niya sa katawan niya.
Nag kibit balikat ako at inabot ang shot glass nya ba may laman at mabilisan nilaklak yun.
Nagulat siya sa ginawa ko pero mas nagulat siya ng mang hingi pa ako ulit.
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel (18+)
General FictionSTORY BY: Annaphrodite Ang storyang ito ay naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang mambabasa. story not mine