6

3.7K 8 0
                                    


Back to school. Back to normal. Natapos ang sembreak ko na patago kaming nag kikita ni Caden sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung anong tawag sa relasyon namin pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa siya mahal, not yet.

"Tahimik mo ata ngayon." Puna sakin ni Selene pero naagaw ng pansin ko ay ang kamay ni Pierce na nag lalakbay sa bewang ng kaibigan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay at pilit siyang ngumiti sakin.

"My birthday is coming, I invite you two." Naka ngising singit ni Pierce sa usapan namin.

Tumango ako dito.

"Kailan ba?"

"This coming saturday."

Matapos ang usapan ay dumating narin ang professor namin. Natapos ang lahat ng klase ko na buryong buryo ako, wala kasi masyadong ginagawa dahil may hangover pa sa sembreak.

Sabay kaming nag lalakad ni Selene palabas ng school ng makita ko si Caden. Nag lalakad siya papuntang library, hindi niya ako nakita kasi abala siya sa babaeng kasama niya.

Tumaas ang kilay ko. Pinag masdan ko ang babaeng kasama niya, gusto kong matawa sa dalawang pony tail nya pero di ko magawa dahil bumagay naman yun sa matabang pisngi niya. Chinita ang mga mata niya na nawawala sa tuwing ngumingiti siya. Matangos pero maliit na ilong at mapulang labi. Bumagay pa rito ang suot niyang salamin. Hindi ko maitatanggi na maganda ang isang to.

"Vi, samahan mo ko sa library."  Aya ni Selene sa akin.

Nag aalangan pa ako nung una pero napapayag rin naman ako ni Selene.

Mabilis lang namin narating ang library. Nag sulat kami ng pangalan sa log book at pag tapos nun dali daling hinanap ni Selene yung kailangan niyang libro. Nag libot narin ako sa library hanggang sa maka abot ako sa pinaka likod.

Wala masyadong tao sa unahang bahagi ng library, lalo na sa likod. Wala akong makitang estudyante. Malapit narin kasi mag sarado ito.

Babalik na sana ako ng may makaagaw ng atensyon ko.

It's Caden.

At hindi siya nag iisa dahil kasama parin niya yung chinitang babaeng na kasama niya kanina. Wala naman silang ginagawang masama pero uminit ang dugo ko.

Umamin siya sa akin na gusto niya ako pero eto ngayon at makikita ko siya na may kasamang iba?

Oh come on!

Marahas ko silang tinitigan na akala mo ay pinapatay ko na sila sa isip ko.

"Vi, I found it, tara na."

Naagaw ng atensyon ko si Selene at ganun rin ang dalawa na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Agad kong inirapan si Caden at sumunod kay Selene.

Pag tapos namin mag log out ay dali dali kaming lumabas ng library, inaya ako ni Selene kumain sa canteen pero tumanggi na ako, nauna na akong lumabas ng school. Kadalasan ay sinusundo ako ni mommy o ni Rafael pero kanina ay nag sabi sila na di nila ako masusundo kasi pupunta sila sa designer ng susuotin nila para sa kasal.

Ako lang naman ang sinusundo nila kasi si Caden nauwi yun mag isa. Minsan nga at hindi. Ang sabi ni Rafael sa condo daw niya minsan nag lalagi.

"Via.."

Napa pikit ako ng marinig ang boses ni Caden. Hindi ko alam kung bakit tumakbo ako palayo sakanya, parang narinig ko ang panganib sa boses niya kaya ganun siguro.

"Via, stop running please.."

Naramdaman ko ang pang hihina ng marinig sa boses niya ang pag mamaka awa.

Bakit ganto? Bakit may epekto siya sa akin?

Dahil sa pang hihinang yun naabutan niya ako at agad na ikinulong sa mga bising niya.

"Stop running away from me, baby.."

At duon bumuhos ang lintik na mga luha ko.

"Stop crying, Vi."

Lalo pang bumuhos ang luha ko ng marinig yung sinabi niya.

Agad na nag aalala ang muka niya at niyakap ako.

"Im sorry, Vi. Huwag ka ng umiyak." Aniya,

"Eh you e, you making me cry!" Parang batang sumbat ko dito at lumabi pa.

"Ako? At anong ginawa ko?" Takang tanong niya,

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Itanong mo sa babaeng kasama mo sa library. Babaero!!" Bulyaw ko dito.

"A-ako?"

"Sino pa nga ba?"

Hindi na siya sumagot at nag focus nalang sa pagpapatigil ng pag iyak ko.

Hindi ko nga maintindihan bakit ako naiyak at nakakainis yun!!

Dinala ako ni Caden sa parking lot nang kumalma na ako at tumigil na sa pag bagsak ang mga luha ko, tumigil kami sa harap ng itim na chevrolet na kotse.

"Sayo ito?" Takang tanong ko,

"Yup. After one year ay ibinalik narin siya sa akin ni dad."

Tumango ako. Pinag buksan niya ako ng pinto, tahimik lang akong pumasok sa shot gun seat. Nang nakapasok na ko ay sumunod naman agad siya.

"This is wrong, Caden." Sambit ko,

"What's wrong, baby?" Malamyos ang boses niya na parang inaakit ako na mag kagusto sakanya.

And that's wrong. Yun ang mali.

Kung mag papasya si mommy at Rafael na mag pakasal, paano kami? It's not that gusto kong pakasalan si Caden pero para saan pa kung hindi yun ang gugustuhin kong mangyari? Para san pa ang lahat ng sugal?

Hinatid nya ako sa bahay, hindi na sana siya papasok sa loob dahil sa condyo nya daw sya ngayon nang maabutan kami ni mommy dun.

"I'm so glad nag kakasundo kayong dalawa." Malaki ang ngiti ni mommy habang inaalalayan kami papasok sa bahay.

Naabutan namin si Rafael sa salas na naka tutok sa laptop nyaa bago namin naagaw ang atensyon nito.

"Mag kasabay umuwi ang mga bata, hon. Ang sweet!" Kwento agad ni mommy dito,

Ibinaba ni Rafael ang salamin nya na parang kinikilatis kami.

"Parang protective kuya diba, hon?" Masayang tanong pa ni mommy,

"Mas matanda naman si Via." Seryosong utas ni Rafael, parang nag taasan ang mga balahibo ko sa tono ng pananalita niya. Malamig at mapanganib.

Tumawa si mommy sa sinabi ni Rafael na akala mo ay biro yun, para kay mommy oo. Para sa akin, sa amin, hindi.

"Oh, siya! Kumain nalang tayo." Aya ni mommy ay nag punta ng kusina para mag handa na ng pagkain.

Naiwan kaming tatlo sa sala na tahimik. Tumikhim ako.

"Mag papalit po muna ako ng damit." Paalam ko sa mga ito at dali daling umakyat sa kwarto ko para matakasan ang nakakailang na sitwasyon.

*

Lips of an Angel (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon