Agad akong napangiwi ng sabay sabay na nag tilian ang mga kaklase kong babae na akala mo ngayon lang nakakita ng lalaki.Mga sabik teh?? Makati??? Akin na at kakamutin ko.
Napakamot sa batok nya yung lalaki na senyales na nahihiya siya, idagdag mo pa na halata ang pamumula niya dahil sa kaputian.
"Teh, sya yung sinasabi ko sayo." Pigil na tili ni Selene at kinurot pa ko sa tagiliran. Tinulak ko sya palayo sa akin at inirapan.
"Umayos ka nga, sasapakin kita diyan." Banta ko dito at ibinalik ang tingin sa binata sa pinto.
"Um, hi? Is this room A-1?" Tanong niya, hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin pero pati ang boses niya ay gwapo rin na parang inaakit ka na pakinggan pa ito lalo.
"Yup." Si Calvin na ang sumagot sakanya.
"I see. Thank you."
Pinag masdan namin ang bawat kilos niya, nilibot nya ang paningin niya para mag hagilap siguro ng mapwepwestuhan ng tumigil ang paningin niya sa akin at sa tabi kong upuan na bakante.
Nag lakad siya palapit sa akin at pakiramdam ko bumagal ang oras.
"Hi! Is this seat available?" Matigas na ingles niyang tanong, hindi ako makasagot kaya't napatango nalang ako.
"I'm Pierce." Aniya,
Tipid na ngumiti ako dito.
"And I don't care."
Narinig ko ang pag pipigil ng tawa ni Selene kaya sinamaan ko siya ng tingin, kahit si Pierce ay natawa sa inasal ko.
Hindi ko alam bakit ko siya tinarayan, pakiramdam ko lang ay yun ang tamang gawin?
Hindi na siya naka sagot dahil dumating na ang profesor namin na ikinagagalak ko naman dahil hindi na ako kukulitin ni Selene tungkol sa nangyari. Knowing her, pipigain nya ako para makuha ang gusto niyang sagot. Maissue pa naman ang babaeng to.
Hindi ko alam kung bakit panay irap ako ngayon araw o hindi ko alam kung bakit nag titiis akong kasama si Selene na walang ibang ginawa kundi asarin ako sa room hanggang sa canteen ngayon.
"You are crushing on him, teh." Aniya, "Aminin mo na. Hindi ko naman ipag kakalat. Satin satin lang."
Napairap akong muli.
"Hindi nga, Selene Uriah Torres." Mariin kong tanggi dito at inilabas ang cellphone para may pag kaabalahan at hindi na siya pansinin.
"But I know you, pag gusto mo ang isang tao ay tatarayan mo. Katulad ng ginawa mo sa akin noon." Patawa tawa pa niyang kontra,
Tinaasan ko siya ng kilay, "Satingin mo bakit hindi kita tatarayan? Natapunan mo ako ng juice nung araw na yum, Selene. Baka nakakalimutan mo." Depensa ko sa pinag sasabi niya.
"Ganoon narin yun, teh. Tsaka ang mahalaga mag beshy na tayo ngayon."
Hindi ko na siya pinansin dahil kilala ko naman siya, kung ano gusto nya paniwalaan ay yung ang paniniwalaan niya.
But for pete's sake, I DON'T LIKE HIM, yet... Maybe. I don't know. Basta hindi ko siya gusto, hindi ko gusto ang itim na itim nyang mga mata, ang magulo at kulay brown nyang buhok, ang matangos nyang ilong, ang pulang pulang labi nya ay hindi kagusto gusto para sa akin. Malayo para sa tipo ko.
Nang mag uwian na ay agad akong dumiretso sa bahay, naabutan ko na si mommy lang ang tao, abala ito sa pag luluto ng hapunan.
Hindi naman ako nag tanong tungkol sa dalawa, kung asan man ang mga iyon ay wala akong pake. Natutuwa nga ako na masosolo na ulit namin ang bahay ni mommy. Hindi naman sa ayaw ko sakanila, I just don't care. Bahala sila.
"How's your day, honey?" Malambing tanong sa akin ni mommy,
"Same old, same old." Sagot ko dito,
"Mamaya pa ang daddy mo," Aniya, "Si Caden ba ay napansin mo sa school ninyo? Sana ay nag sabay na kayo?"
"Umm," Nag isip pa ako kung nakita ko ba ulit sya pag katapos ko siyang takbuhan kanina pero napailing lang ako.
"Hindi ko na ulit sya nakita, my. Baka gumala." Sagot ko dito,
Napatango lang si mommy at bumalik na sa pag luluto, pinanunuod ko lang siya sa ginagawa niya. I don't know how to cook, maybe after years matututunan ko din. Pag may asawa na ako, pero matagal pa yun.
"Food is ready." Anunsyo niya.
Mabilis ang mga oras, pag tapos namin mag hapunan dalawa ni mommy ay pumanhik na ako sa kwarto para mag palit ng pantulog at makapag pahinga.
Nahiga na ako sa kama para makatulog, nakatulog naman ako agad dahil kahapon ay medyo puyat ako dahil may epal na naki share sa kwarto ko.
Maya maya lamang ay naalimpungatan ako ng may naramdaman na may humihimas sa aking buhok.
Pinanatili kong naka pikit ang aking mga mata, nag hihintay sa kung anong sunod na gagawin ng mapangahas na tao na ito.
"You're so fucking beautiful, Via Celestine and the ugly part is I can't have you."
Nanigas ang katawan ko ng marinig ang boses ni Caden Trevor, lalo na ng lumapat ang malambot niyang labi sa labi ko. Hindi pa sya nakuntento ay marahan kinagat ang ibabang parte ng labi ko.
Amoy na amoy ko sakanya ang pinag halong alak at yosi. So, he's drunk kaya't nag kakaganto siya.
Atleast I have a reason para hindi isipin ito. He's drunk. Lasing lamang siya, Via. Huwag natin bigyan ng meaning. Wala sa wisyo ang pag iisip niya.
Didilat na sana ako para matauhan sya ng maramdaman ko ulit ang labi niya sa labi ko. Gusto kong tumutol, gusto ko siyang itulak palayo sa akin ngunit hindi ko nagawa. Ramdam na ramdam ko ang pang hihina ng katawan ko dulot ng mga halik niya.
Dumilat lang ako ng marinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto, senyales na umalis na sya at mag isa na lang ulit ako sa kwarto.
Napabangon ako agad at hinawakan ang labi ko, ramdam na ramdam ko parin ang mga halik niya.
Hindi ko maintindihan ang kinilos niya, kahit na sabihin ko sa sarili ko na lasing lamang sya eh alam kong may iba. Mayroon.
At baka nasa akin ang mali.
I keep thinking it's wrong but why does it feel so right?
-
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel (18+)
General FictionSTORY BY: Annaphrodite Ang storyang ito ay naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang mambabasa. story not mine