Tahimik akong nakain kasabay nila. Si mommy lamang ang maingay sa amin apat, si Rafael naman ay patingin tingin lang sa akin at kay Caden, nag hihintay siguro na mag kamali kami ng galaw."How school, my love?" Malambing na tanong sa akin ni mommy, tumigil ako saglit sa pagkain para alalahanin kung anong pinag gagawa ko ngayon araw.
"Ayos naman po, my." Simpleng sagot ko, "May birthday po pala akong pupuntahan sa saturday."
Tumango si mommy,
"Kanino? Kay Selene? April pa birthday non diba?" Tanong pa niya,
Close si mommy at Selene. Like what I said, my mom is cool. Akala mo ay tropa lang kami. Sa tuwing nag paparty kami ni Selene nasama siya na akala mo ay dalaga siya. Mas maharot pa nga siya sa akin.
"Hindi po. Bago pong kaibigan."
Ayaw kong sabihin kay Pierce iyon dahil sa pag babawalan ako ni mommy kundi aasarin lang niya ako. Malisosya yan eh. Atat na ata na mag ka boyfriend ako.
Dumating ang araw ng sabado na nasa bahay si Selene. Alas tres palang ng hapon ay dumating na siya dahil sabay na daw kami mag ayos.
"Ano bang bagay sa akin, Via? Ang sabi ni Piere andun ang lahat ng kaibigan nya, sasaglit din daw dun ang parents niya." Naupo siya sa kama ko, "Kinakabahan ako, Vi!"
Pinigilan kong matawa sa itsura ni Selene ngayon. Para siyang nag pipigil na mag labas ng sama ng loob.
"Ano bang theme? Oh, meron ba?" Tanong ko,
Posible naman kasing wala kasi lalaki si Pierce. Baka inuman nga lang ang mayroon don!
"Pool party."
Tumango ako at naupo sa lapag para kalkalin ang dala niyang bag para tulungan siyang mag hanap ng susuotin niya.
"This one will look good, Selene. What do you think?" Ani ko at inabot sakanya ang sequence tube top at pink lacy boe short. Dali dali naman siyang dumiretso sa cr para masuot ito at nang makita ko ang resulta, eto lang ang nasabi ko, my bestfriend will kill Pierce with that look.
Angat na angat ang kaputian niya sa suot niya. Bumagay ito sa maikli pero kulay blue nitong buhok. Dumagdag pa sa ganda niya ang helix piercing nga sa kaliwang tenga. Kita din ang mini tattoo niya sa collarbone, baybayin iyon at nung tinanong ko siya kung ano ibigsabihin nun ang sabi niya malaya.
Inayusan ko agad si Selene. Light lang abg feature niya kaya pink na lipstick ang ginamit ko sakanya. Mukha siyang anghel.
Pag tapos non ay nag bihis narin ako, nag pasya ako na suotin yung coral low draping silk top at pinstripe shorts. Parehas lang kaming naka korean sandals ni Selene, pink ang kanya at black sa akin. Pasalubong sa amin ni mommy yun nung nag bakasyon siya sa Korea.
Light make up lang din ang inilagay ko sa mukha kasi di naman talaga ako mahilig mag ayos. Kuntento na ako sa natural na mamula mula kong pisngi at mejo pink kong labi.
"Tara na?" Aya ko,
Mahigit kalahating oras lang ay nakarating na kami sa bahay ni Pierce. Sa labas pa lang ay sumisigaw na ng karangyaan ang bahay nila.
Pag baba palang namin sa kotse nila Selena ay sinubong na kami ni Pierce. Naka sweatshort ito na gray at sando na white.
Iginaya niya kami sa loob at sumalubong sa amin ang iba't ibang mukha. Yung iba ay di ko kilala, yung iba namumukaan ko lang.
"Wait up, salubungin ko lang sila mommy." Paalam ni Pierce sa amin nang mahatid niya kami sa isa sa mga table sa pool area nila.
"Wanna come, Selena?" Naka ngiting tanong ni Pierce dito. Tinignan ako ni Selena, nang hihingi siguro ng tulong kung anong magiging desisyon niya.
Tumango ako kaya't maya maya lang ay umalis na silang dalawa. Naiwan tuloy ako dun mag isa. Buti na lang at nag pahatid na ng pagkain dito si Pierce kaya dun ko na inabala ang sarili ko.
"Alone, miss?" Nag angat ako ng tingin ng marinig ang boses na yun.
"C-caden?"
Ngumiti siya at tumabi sa akin. Idinantay ang kamay sa sandalan ng upuan ko, para tuloy siyang naka akbay sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko,
Ngumisi siya, "Why? I'm not allowed to attend my friend's birthday?"
Sasagot palang sana ako nang bumalik si Selene sa lamesa namin ng umiiyak. Agad ko siyang niyakap.
"Anong nangyari?"
"U-uwi na tayo.." Nang hihina nyang sabi, tumango ako.
"Tawagan ko ba driver mo?"
"Huwag na! Commute nalang."
"Ihahatid ko nalang kayo." Singit ni Caden sa amin, pumayag nalang ako agad dahil mahirap sumakay sa village nila Pierce dahil tago, for safety rin siguro ng mga naninirahan dito. Prestigious and for elite kasi talaga ito.
Nang nasa sasakyan na kami, mag katabi kami ni Selena sa passenger seat. Tahimik naman nag mamaneho si Caden.
"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ko rito pero umiling lamang siya.
Tumahimik nalang din ako. Hindi pa siya handang sabihin sakin kung ano nangyari at rerespetuhin ko yun.
"Saan ka, Selena? Gusto mo ba sa bahay--"
"Sa amin. I want to be alone tonight, Vi. Sana ay maintindihan mo." Aniya, hindi na ako tumutol dun.
Pag tapos namin siyang ihatid, pinalipat ako ni Caden ng upusan sa harap dahil hindi daw siya driver. Sumunod nalang ako agad para wala ng away. Nang maayos na ang pwesto ko, humilig ako sa bintana para makatulog saglit. Malayo layo din ang bahay ni Selena sa amin.
Dahil sa pagod ay nakatalog nga ako, nagising lang ako ng maramdaman ko na para akong lumumutang.
"C-caden?"
"Sleep, Via."
Kumapit ako ng mahigpit sakanya sa takot na baka mahulog ako mula sa pag kakakarga niya.
And because of that, sakanya ako nahulog.
Madly, deeply and hard.
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel (18+)
General FictionSTORY BY: Annaphrodite Ang storyang ito ay naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang mambabasa. story not mine