Isa. Dalawa. Tatlo. Sunod sunod ang inom ko hanggang sa hindi ko na mabilang kung pang ilan ko na ang hawak ko. Basta ang alam ko masarap sa panlasa ang mapait na pag hagod ng alak sa lalamunan ko.Nang makaramdam ako ng init ay agad kong hinubad ang pang itaas ko na siyang kina laki ng mata ni Caden.
"What the fuck, Via Celestine?! Suotin mo yan!" Sigaw nya na ikinatawa ko.
"It's so effin hot, Caden. I want to swim!" Ani ko at agad na tumalon sa pool, napapikit ako ng maramdam ang lamig at pag kahilo.
Hindi ako kumilos sa pwesto ko ng maramdaman ko sa likod ko si Caden. Nakahawak siya sa bewang ko at damang dama ko ang init na nag mumula sa katawan niya.
Hinarap ko siya at nilagay sa batok niya ang mga kamay ko. Tinitigan ko ang mga mata niyang sa akin din naka tingin at pakiramdam ko duon pa ako nalulunod, sa sensasyon na ibinibigay sa akin ng lalaking ito.
Huli na ng marealize ko na papalapit na ang mukha niya sa akin para halikan ako at wala akong ibang ginawa kundi malayang tanggapin ang makasalanan niyang labi.
Lalong humigpit ang pag kakayapak ko sakanya. Ganun rin siya. Iniyakap ko ang binti ko sakanya kaya't naging mag kalevel kaming dalawa. Naramdaman ko ang pag gala ng mga kamay niya sa iba't ibang parte ng katawan ko na lalo lang nag pagising sa diwa ko na dapat hindi ko nararamdaman.
Iniwan niya ang labi ko at umabot ang halik niya sa leeg ko, maya maya ay umabot na ito sa dibdib kong hindi natatakpan ng suot kong bra. Naramdaman ko ang pag unlock niya ng suot kong panloob sa aking likod at walang pasensya niya sa akin hinubad yun at tinapon lang sa kung saan.
Natigil lang kami sa kalokohan ginagawa namin ng marinig ko ang galit na boses ni Rafael. Nagising ako mula sa pag kakalunod sa maling nararamdaman at agad na niyakap ang sarili para maitago ang dibdib ko.
"Caden Trevor, mag uusap tayo!" Ani Rafael at nauna ng pumasok sa loob ng bahay.
Pag ka ahon ko sa pool, inabot agad sa akin ni Caden ang tuwalya at nauna ng pumasok sa akin.
Nang makuha ko ang hinubad kong tshirt, dali dali ko yun sinuot at walang imik na pumasok sa loob. Wala akong naabutan na Caden o Rafael sa salas, maging pag akyat ko sa taas kaya payapa akong naka balik sa kwarto ko.
Naligo agad ako at nahiga sa kama ko. Punong puno ng kung ano ano ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko yun, alam kong mali. Hindi dahil sa magiging step brother ko siya kundi mali dahil wala naman kaming relasyon, naging mapusok kami parehas.
Kinabukasan pag gising ko, nag aalangan ako lumabas ng bahay. Pakiramdam ko ay papagalitan ako ni mommy dahil sa nangyari kagabi.
Ayaw ko nga sana lumabas kaso nakaramdam na ako ng gutom.
Tahimik ang buong bahay na akala mo ay mag isa lang ako dito. Makaka hinga na sana ako ng payapa nang makita ko si Rafael sa hapag kainan, mag isa lang siya at seryoso siyang naka tingin sa akin.
Huminga ako ng malalim at dumiretso sa upuan ko at nag simulang kumain.
"Wala ang mommy mo, namalengke sila ng lola mo. Pinasama ko si Caden para may mag buhat ng mga bibilhin nila." Aniya, tumango lamang ako.
"Via, yung nakita ko kagabi. Hindi na dapat mangyari ulit yun. Sa ayaw mo man o gusto, papakasalan ko ang mommy mo at magiging pamilya tayo." Pag sisimula niya, tumango ulit ako. Walang masabi.
"Hindi to nakarating sa mommy mo pero yun na ang una at huli."
Dun pa lang ako nag taas ng tingin. Nagulat sa sinabi niya. Akala ko ay mag susumbong siya kay mommy.
"H-huh? Really?" Di makapaniwalang tanong ko, tumango siya at ngumiti sa akin. Inabot ang kamay kong nakapatong sa lamesa.
"I want you to trust me, Via. I want to be your father." Ramdam ko ang sinseridad sa sinabi niya.
Nag iwas ako ng tingin.
"Hindi ko po alam. Hindi pa siguro ngayon, j-just.. Just let me heal first. Pag tapos non ay matatanggap ko na ang lahat." Sagot ko dito, "Last night po, I was drunk. Hindi ko alam ang ginagawa ko, I'ts my fault po. Huwag nyo sanang pagalitan si Caden."
Pag tapos ng usapan namin na yun, umakyat ulit ako sa kwarto ko at dun nag kulong. Inabala ko ang sarili ko sa cellphone ko ng may tumamang kung ano sa binatana ko. Dali dali ko yun sinilip at halos mapatili ako ng makita si Caden na nakasabit sa puno malapit sa bintana ko.
Binuksan ko agad ang bintana ko, mabilis naman ang kilos ni Caden. Inabot nya agad ang hamba nito at tumuntong para makapasok sa kwarto ko.
"Baliw ka na ba?" Mariin kong tanong dito pero ngumisi lang siya at agad akong kinulong sa yakap.
Inilagay ko ang mga kamay ko sa dibdib niya para itulak siya palayo sakin pero lalo lang niya hinigpitan ang yakap sa akin.
"C-caden, bitawan mo ko.." Utos ko rito pero umiling lamang siya at ibinaon ang ulo sa leeg ko.
Impit akong napasigaw ng bigla niyang ibagsak ang katawan sa kama ko at dahil yakap niya ako, kasama nya akong bumagsak.
Pinag hahampas ko siya sa dibdib.
"Letse ka talaga!" Bulyaw ko dito pero tumawa lang siya, maya maya lang ay di na siya gumalaw at pag tingin ko ay tulog na siya.
Pinag masdan ko ang mapayapang mukha ni Caden. Para siyang anghel, na pag hinawakan mo mapapaso ka. It's forbidden.
Kumunot ang noo ko nang makitang may pasa siya malapit sa kanyang labi. Napa away ba siya?
Hindi ko namalayan na hinila na pala ako ng antok. Nagising lang ako ng may maramdaman na humihimas ng buhok ko.
"Caden? Andito ka parin?" Naiilang kong tanong,
"I want us to talk, baby." Seryosong sagot niya.
Halos manlaki ang mata ko sa tinawag niya sa akin.
"I'm not your baby, Caden!"
Nanatiling seryoso ang mukha niya.
"You are. You're my baby."
Fuck!
*
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel (18+)
General FictionSTORY BY: Annaphrodite Ang storyang ito ay naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang mambabasa. story not mine