Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng condo ni Caden. Memories are drowning me right now. The kiss and his touches feel surreal. Hindi ako maka paniwala na nangyari ang lahat ng yun.Kumatok muli ako ng hindi parin ito nag bubukas. Naiinip na ako pero nag sabi na ako na gagawin ko ito, andito narin naman ako.
Nang mag bukas ang pinto, inihanda ko na ang mga dapat kong sabihin pero hindi si Cade ang bumugad sa akin.
Pakiramdam ko ay nang liliit ako dahil sa height ng babaeng to, hanggang leeg nya lang ata ako! Nag susumigaw rin ang kanyang asul na mata na pansinin ito, matangos ang ilong at maliit ang labi. Mahaba ang kanyang blonde na buhok at ang kanyang kutis ay kasing puti ng nyebe. Walang duda na mag lahi ang babaeng ito.
Bukod sa pisikal niyang anyo, napansin ko rin na naka suot lamang sya ng malaking tshirt na alam ko ay pag mamay ari ni Caden, ang buhok niya ay gulong gulo rin na akala mo may sumabunot sakanya.
"Felize.." Narinig ko ang baritonong boses ni Caden at ang mga yabag niya papalapit sa pwesto namin.
Agad na lumipat sakanya ang tingin ko. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako. Pina natili kong blangko ang aking mukha.
"V-via.." He called me, helplessly.
"Do you know her, Caden?" May accent na tanong ng babaeng kasama niya.
"Im his sister." Sagot ko lang at tinalikudan na sila. Nang maka tatlong hakbang na ako ay dali dali akong tumakbo papuntang elevator.
Dun na bumuhos ang mga luha ko na hindi ko alam kung bakit nag uunahan sa pag tulo. Sinubukan kong punasan ang mga ito pero wala silang tigil.
Nang maramdaman kong wala nang pag asa ay napaupo ako sa sahig ng elevator, buti na lamang at wala akong kasabay!
Tinakpan ko ang mukha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako. Hindi ako tanga para malaman kung ano ang nangyari sa dalawa. Nasa itsura na ng babaeng yun ang lahat ng ebidensya.
Nang bumukas ang elevator, bumungad sa harap ko ang pawisan at hinihingal na si Caden. Namutla siya ng makita ako. Agad niya akong hinatak sa kamay ay kinulong sa mga bisig niya.
Mas lalong lumakas ang pag iyak ko. Ngayon na nandito siya sa harap ko ay halo halong emosyon ang nararamdaman ko.
But one thing for sure, nakakaramdamn ako ng selos.
Nang mahimasmasan ako, inaya ako ni Caden na pumanhik sa condo niya pero tumanggi ako. Baka andon pa yung babae niya kaya't nag pasya nalang sya na dalhin ko sa malapit na cafe.
Umorder siya ng pagkain namin at tahimik namin pinag saluhan yun. Walang sumubok gibain ang hindi nakikitang pader sa pagitan namin na animo'y pag may isang nag salita, guguho ito.
Kahit nung natapos ako sa pag kain ay nanatili akong tahimik. Wala akong mahagilap na salitang dapat sabihin kay Caden, kung meron may ay puro mura lamang iyon.
Pakiramdam ko ay niloko ako.
Pag katapos nang lahat ng nangyari ay nagawa pa niyang mag saya sa piling ng ibang babae? Samantalang ako ay marami ng iniisip.
"How are you?" Pambabasag niya sa katahimikan, tumaas ang kilay ko at inirapan siya.
"I'm not fine, obviously." Sumbat ko rito, parang sinisisi lahat ng nangyari sakanya.
Huminga siya ng malalim at nag iwas ng tingin, halatang guilty. Alam naman nya siguro kung bat ako nagagalit?
Pero bakit nga ba, Via?
"I-im sorry, nag padala ako sa alak--" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay agad nang lumapat ang palad ko sa pisngi nya, laking pasalamat ko nalang na nasa tago kaming parte ng cafe na ito at wala masyadong tao.
"Wala kang kwenta!" Singhal ko at dinampot ang bag ko na nakapatong sa lamesa.
Dali dali akong nag lakad palabas ng cafe na yun, alam ko naman na aabutan niya ako pero wala na akong pake. Sinubukan kong bilisan ang lakad ko pero bigo ako dahil nahawakan na niya ako sa braso.
"Via, ano bang problema?" Kalmadong tanong nya pero bakas sa mata nya ang inis.
Hinarap ko siya,
"Ikaw!" Sigaw ko rito, "Ikaw ang problema, Caden. Simula ng dumating ka sa buhay ko nagulo na ko ng sobra."
Pumikit siya saglit bago binalik sa akin ang paningin. Marahan niyang hinimas ang buhok ko.
"Anong ginawa ko, Via? Tell me. Ayaw kong umiiyak ka, ayaw kong nasasaktan ka. Sabihin mo kung anong dapat kong gawin." Aniya sa malambing na boses.
Nakagat ko ang labi ko sa pag pipigil na umiyak mula sa harap niya. Ang mga sinabi nya ay humaplos sa puso ko na nag bigay ng kakaibang saya at sakit.
"I-i don't know, Caden pero one thing for sure, ayaw kong makita ka na may kasamang ibang babae."
Gusto kong sampalin yung sarili ko sa lumabas sa bibig ko.
"Noted." Sagot niya at hinila ako para yakapin muli.
"G-gusto ko sa akin ka lang, Caden." Nahihiya ko pang sabi dito. Tinignan nya ang mukha ko, naka ngisi siya sa akin.
"I like your possessive side, Via. It makes me wanna kiss you."
Nang ayain ulit ako ni Caden sa condo nya ay sumama na ako. Aniya wala na si Felize dun dahil pina paalis nya sa guard. Medyo gago din talaga tong lalaking to.
Nasa sala ako habang siya ay nasa kusina, nag hahanda nang makaka kain namin. Hindi ko mapigilan iikot ang paningin ko sa condo niya. Pangalawang beses ko ng nakapunta dito pero nung una di ko masyadong napansin ang paligid. Madilim na kasi non, at pagod ako.
Tumayo ako at lumapit sa isang frame na nakapatong sa tukador niya.
It's him with Rafael and isang babae na satingin ko ay nasa mid-40s na, pakiramdam ko ito ang mommy ni Caden. Mukhang last year lang kuha ang litrato na ito dahil wala masyadong pinag bago sa mukha ni Rafael at Caden. Hawig si Caden sa daddy niya, panigurado nung kabataan ni Rafael ay pogi ito.
Pinag masdan ko ang babae, maganda siya pero mas maganda ang mommy ko. I'm sure of that.
"Via.." Mabilis kong binalik ang frame sa pwesto niya ng marinig ang boses ni Caden sa likod ko mismo. Alanganin akong ngumiti sakanya.
"S-sorry, I didn't mean to ano.. na curious lang ako.. Sorry." Paputol putol kong sabi dito,
Tumango siya at kinuha ang frame.
"This is my mom, Via. She is Elisa Daniella Montemayor."
As he said her name, it's weird cause I feel something danger and power.
-
Heyyyy!!!! Oh ang bilis ko mag update hahahahahhaa!!
comment ur reaction guysssssss!!!!!

BINABASA MO ANG
Lips of an Angel (18+)
Fiksi UmumSTORY BY: Annaphrodite Ang storyang ito ay naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang mambabasa. story not mine