Months passed. Dahil graduating student ako, naging abala ako sa mga subjects ko. Meron gabi na hindi na ako nakakatulog sa daming naka tambak na gawain, meron naman mga araw na wala na akong ibang ginawa kundi ang tumambay sa library. Dati naman hindi ako ganito ka focus sa pag aaral ko, ngayon lang. Ayaw ko lang kasi bumagsak, gusto ko on time makapag tapos.Kasalukuyan akong nasa condo ni Caden, tinatapos yung manuscript ko. Mag isa lang ako dito kasi nag paalam sakin si Caden kanina na pupuntahan niya ang mommy nya.
Hindi alam ng parents ko na andito ako, basta nag paalam lang ako na hindi ako matutulog sa bahay and that's okay with my mom. Si Rafael naman ay gusto tumutol pero pumayag na si mommy kaya wala na siyang magagawa. My mom is the boss.
Huminga ako ng malalim. Gusto ko ng umiyak sa dami kong dapat gawin. Pakiramdam ko pag nadagdagan pa to ay di ko na kaya.
"Babe? Are you okay?" Naramdaman ko ang pag yakap sa akin ni Caden mula sa aking likod. Hindi ko namalayan ang pag dating nya.
"I'm so fucked up." Yun ang ang naisagot ko at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
Hinarap niya ako sakanya at marahan hinalikan ang noo ko.
"It's going to be okay. I'm here." Malambing nyang ani,
Matapos non ay dinala niya ako sa kusina para pakainin. Inaway away pa niya ako dahil napayat na daw ako, napabayaan ko na daw ang sarili ko.
"How's your mom?" Tanong ko rito, nag kibit balikat siya.
Pakiramdam ko ayaw nya pag usapan yun kaya di na ako nag tanong muli. Hihintayin ko nalang na kusa siyang mag sabi sa akin. Ayaw ko naman makulitan sa akin si Caden at baka mag away pa kami. That's the least thing I want to do right now. Marami pa akong dapat gawin.
We spent that day doing my school works. Nang matapos ay umorder sya ng fast-food para may makain kami, wala na daw syang lakas na mag luto pa, naiintindihan ko siya dahil kahit ako rin naman ay naubos ang enerhiya sa pag sagot ng take home quiz ko sa calculus.
Nahiga ako sa sofa nya para hintayin yung inorder namin nang mahagip ng mata ko yung phone ni Caden.
Me and Caden, hindi ko alam kung anong meron sa aming dalawa. Para kaming nag lalaro ng apoy at habang walang napapaso, walang titigil. Hangga't walang nalalapnos, tuloy parin. Mapanganib kasi malaki ang chances na masunog kami parehas but the thing is, masarap talaga ang bawal.
Kinuha ko ang phone niya at sinubukan buksan pero hindi ko mahulaan yung password. Nag try pa ko ng iba't ibang code pero wala talaga. Susuko na sana ako ng marinig ko ang boses niya.
"What are you doing?"
Namutla ako sa narinig mula dito. Pakiramdam ko nahuli ako na gumagawa ng malaking krimen.
Dali dali niya yun kinuha kaya't kumunot ang noo ko pero hindi na ako nag salita. Wala naman kami. Wala akong karapatan mag demand. Hindi malinaw kung ano kami, at nakakatakot mag tanong. Baka hindi ko magustuhan ang sagot.
Natapos ang gabing yun na parehas kaming tahimik walang imik sa isa't isa. Wala akong gana na kausapin siya at ganun din naman siya sa akin. Fair lang.
Kinabukasan, nauna akong magising kay Caden. Naligo ako at nag ayos. Gusto ko ng umuwi sa bahay. Buti na lamang at sabado ngayon kaya marami akong oras para makapag pahinga, bukas ko na itutuloy yung mga naiwan kong gawain.
"Aalis ka na?" Tanong ni Caden ng maabutan niya ako sa salas na inaayos ang mga gamit ko.
Tumango lang ako.
"Okay." Tugon niya at iniwan ako dun.
Kinagat ko ang labi ko sa sobrang inis. Yun na yon? Parang wala lang sakanya. Ano ba talaga ako para sa lalaking to?
Pag dating sa bahay naabutan kong nag sisigawan si mommy at Rafael, actualy si mommy lang ang nasigaw. Si Rafael ay nanatiling kalmado. Katulad ng dati, hindi siya nag papadala sa emosyon niya.
"Fuck your reasons, kilala ko ang anak ko. Ako nag palaki don. Wala kang karapatan pag salitaan siya ng ganiyan." Malakas ang tono ni mommy habang sinasabi to,
Napa atras ako sa narinig ko.
Anong pinag aawayan nila? Ako? Bakit? Sinumbong na ba ako ni Rafael? Akala ko ba hindi?
"Calm down please. Mag usap tayo ng matino." Tugon ni Rafael,
Hinampas ni mommy ang lamesa na gumawa ng malakas na ingay.
"Calm down? Sinong kakalma sa pinag sasabi mo, Rafael? Sinisiraan mo sarili kong anak sa akin."
"It's not like that, Celestina." Seryoso na ang boses ni Rafael,
"Then what?"
"I saw it with my two eyes, Celestina. Walang rason para husgahan ko sila, gusto kong maging pamilya tayo at hindi ko yun balak sirain. Sinabi ko sayo para maagapan." Aniya, umiling si mommy.
"Kung hindi ka titigil, mag hiwalay nalang tayo. Mas maayos pa ang mga buhay natin noon."
Gusto kong pigilan si mommy sa plano niya dahil alam kong mahal niya si Rafael pero hindi ako makasingit sakanila dahil hanggang ngayon ay hindi nila alam na andito ako.
"Hindi ko kayang masikmura si Via at Caden na nag hahalikan. Mag kapatid sila."
Nanigas ako sa narinig ko. Akala ko ba di niya sasabihin? Akala ko ba mapapag katiwalaan ko siya?
Atsaka anong mag kapatid? Magiging mag kapatid siguro.
"Sasabihin ko na sakanila ang totoo."
Dali dali akong tumalikod sakanila at tumakbo palabas ng bahay. Wala akong mukha na maihaharap kay mommy, wala siyanh ibang ginawa sa akin kundi kabutihan. Kapakanan ko ang lagi niyang inuuna.
Hindi ko alam kung san ako dinala ng mga paa ko, basta ang alam ko gusto ko lang lumayo sakanila.
Nang mahimasmasan ako, nag pasya ako na bumalik nalang sa condo ni Caden. Kailangan niyang malaman ang narinig ko, sinubukan ko siyang tawagan pero hindi naman niya sinasagot.
Agad akong sumakay ng taxi, kahit naman problemado ako nasa matino pa naman akong pag iisip.
Pag kababa ko, para akong naestatwa sa nakita ko.
It's Caden and a girl, kissing and touching each other private part.
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel (18+)
General FictionSTORY BY: Annaphrodite Ang storyang ito ay naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang mambabasa. story not mine