1

12K 31 3
                                    

Title: Lips of an Angel
Author: Annaphrodite

-
#LOAA1

"Where are you going, Via Celestine? Ngayon ang dating ng daddy mo."

Napatigil ako sa pag lalakad palabas ng bahay ng marinig ko ang matinis na boses ni mommy. Napangiwi ako. Akala ko ay makakatakas na ako, ngunit bigo.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko siya tatay?" Sarkastikong tanong ko rito, ayaw kong maging bastos kay mommy ngunit hindi ko maiwasan kwestyunin ang mga desisyon niya sa buhay niya, sa buhay namin.

Hindi ko talaga matanggap ang lahat ng nangyayari. Parang kailan lang ay nag dudusa kami ni mommy sa pag kamatay ng totoong daddy ko tapos ngayon malalaman ko na may bagong kinakasama na si mommy.

Too fast. Sobra. Hindi pa ata kayang tanggapin ng sistema ko ang lahat ng ito.

"You don't have any choices, but to accept this. Hindi ka ba masaya na magiging masaya ako?" Bakas ang bahid ng kalungkutan sa boses niya kaya agad akong nakonsensya.

Huminga ako ng malalim.

"Fine. Just this one."

"Thank you, mahal. I owe you big time!" Aniya at marahan dinampian ng halik ang pisngi ko at niyakap ako ng mahigpit.

Wala akong nagawa kundi tulungan si mommy mag linis ng buong bahay, magluto at ayusin ang kakainan para sa pag dating ng bago nyang boyfriend.

Ugh. Anong feeling nila? Teenagers? Tinalo pa ako. Malapit na ako sa legal age pero boyfriend wala pa ako, ni halik wala. Hindi pa ako ready sa mga ganun bagay.

"Nag text na si Rafael, malapit na daw sila. Go change your clothes." Utos ni mommy na sinunod ko nalang agad.

Mabilisan akong naligo then changes into a simple tshirt and short. Dahil basa pa ang buhok ko, nag pasya ako na suklayin nalang ito. Sa muka naman ay nakuntento na ako sa liptint at polbo.

Hindi ko nga alam sa sarili ko why I'm doing this. Hindi naman sila espesyal, but to mom they are kaya't nasagot din ang tanong ko. I'm doing this for my mom.

Pababa palang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang ingay nila na parang komportable sa isa't isa. Napairap ako sa kawalan. Multuhin sana sila ni daddy. Joke.

"Oh, andito na pala ang unica hija ko." Sabi ni mommy kaya naagaw ko tuloy ang atensyon nila. I feel awkward tuloy. Hindi naman kasi ako sanay sa ganto, at kahit na sino naman siguro diba.

"Um, hi!" Pilit akong ngumiti habang nag lalakad palapit sakanila. Kung hindi lang para kay mommy ay hindi talaga ako sisipot sa family dinner daw na ito.

"This is my Via Celestine, you can call her Vi." Pormal na pag papakilala sa akin ni mommy, "Vi, anak. This is your daddy Rafael." Turo ni mommy sa may halos kaedad nyang lalaki. Tinignan ko siyang mabuti. Hindi naitatago ng edad nya ang kagwapuhan nya. Maybe, that's the reason why mom's head over heels sa kanya.

Inabot ko ang kamay niya para mag mano, and to show some respect. Hindi ko man gusto ito ng buo pero hindi ako pinalaking bastos ni mommy.

"And this one is his son, Caden Trevor."

Agad na lumipat ang tingin ko sa lalaking katabi ng tinawag ni mommy na Rafael. He is also looking at me with his dark brown eyes, ang kanyang tingin ay parang nakakamatay sa talim. Pointed nose na bumagay sa labi nyang hugis pana ni kupido, bonus pa na mapula ito na para syang nag lagay ng liptint. Pakiramdam ko ay isa syang greek God. Walang hustisya ang itsura niya.

"I'm glad to meet you, Vi. Your mom's not lying ng sabihin nyang mas maganda ka pa nga sakanya." Ani Rafael.

"T-thank you po."

Hindi rin kami nag tagal sa ganun posisyon at inaya kami ni mommy na kumain na sa hapag. Sa mga oras na yun ay sila sila lamang ang nag uusap at bihira akong sumali, kung may tatanungin sila ay sinasagot ko lang agad.

Base sa usapan nila, nalaman ko na lumipat sa school na pinag aaralan ko si Caden Trevor and he's taking fine arts. Mas matanda ako sakanya ng isang taon.

I don't know about his mom. Baka may iba ng pamilya. Hindi rin naman ako nag tanong dahil hindi ako mahilig mang himasok sa buhay ng iba. Hangga't hindi sila nag kukusa na sabihin sakin ay wala akong pake.

"So, Vi, do you have a boyfriend? Manliligaw?" Tanong ni Rafael ng mapansin na kanina pa ako tahimik.

Agad akong nag taas ng paningin at nakitang nasa akin na lahat ng atensyon nila, even Caden Trevor is looking at me fiercly. Si mommy naman ay nakangiti lang, hindi naman kasi sya yung ina na maraming pinag babawal sa anak, she's cool and I'm not. Samantalang si Rafael ay mariin rin ang tingin sa akin, animo'y isang maling sagot ay makakatikim ako ng sapak. Ang awkward. Hindi ako sanay na may mga lalaki sa bahay.

"Wala po and I don't have any plans yet." Simpleng sagot ko dito, napangiti naman siya.

"Wala kang maasahan sa mga ganyan kay Vi. Boring ang buhay niyan." Biro ni mommy kaya napairap ako. Sabi ko sainyo e, she's cool.

"That's good to hear actualy, huwag ka muna sanang mag boboyfriend at bata ka pa naman." Komento ni Rafael at inilipat ang tingin kay Caden Trevor.

"And this young boy besides me will protect you in all cost." Aniya pa na nag pakunot ng noo ko.

Ang weird ha, pero hindi na ako umangal. Mukha naman biro lang eh.

Hindi ko pinahalata ang nararamdaman ko at itinago yun sa ngiti at simpleng tango. Bahala sila dyan. Hindi naman na ako bata eh.

Nang matapos ang dinner ay nag aya si mommy ng movie marathon pero tumanggi na ako dahil may pasok pa ako kinabukasan.

Agad akong umakyat sa kwarto para makapag palit ng pantulog ko. Inayos ko naron ang hihigaan ko at matutulog na sana ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Napairap ako. Ganda ng timing ng kung sino man tong bwiset na ito.

"Sandali," Sigaw ko ng lalong lumakas ang katok niya. Hindi naman si mommy to for sure dahil kung si mommy to hindi uso sakanya ang pag katok.

Pag bukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Caden Trevor.

"What?" Nag tatakang tanong ko dito, nag kibit lang sya at pinakita ang unan at comforter na dala.

Agad na kumunot ang noon ko.

"Utos nila." Sagot niya at pumasok sa loob ng kwarto ko ng walang pasabi.

Nilibot niya ang paningin sa kwarto ko at dumiretso sa kama para mahiga.

"Hoy ang kapal ng mukha mo. Lumayas ka sa kwarto ko!!" Bulyaw ko dito pero parang walang effect dahil di na sya kumilos, nang silipin ko siya at nakapikit na siya.

Napairap ako sa kawalan at lumabas ng kwarto para sugudin sila mommy sa salas para mag protesta ng makita ko sila sa pinaka awkward na posisyon.

Myghad my mom, she's eating a live bird!

-

VOTE. COMMENT. FOLLOW

Lips of an Angel (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon