Lanz' s POV
Ang jeje. Napaka-jeje. Jeje sa lahat ng jeje. May mas je-jeje pa ba sa kaje-jeje-han na nababasa ko? Tsh, horrible. Parang gusto ko tuloy magpasabog ng vaccine na puwedeng patayin ang jejeng 'virus' na 'yun.
Sino ba naman kaseng matinong tao na tila nagpakalunod sa kajejehan ang mag-iiwan ng isang love letter? Worst, sa desk ko pa. Ano 'to trip? Hello? 2015 na kaya? Uso pa ba maging jejemon?
At talagang pinahirapan pa ako ng ' sikret admayrer ' (note the sarcasm) ko. E halos sampong minuto ko nang binabasa ang sulat dahil hindi ko maintindihan. Sa halip na matuwa parang gusto kong ngumawa, gusto yata akong pahirapan ng taong 'to. At isa pa, normal ba talagang samahan ng number ang words? Im4tante?! Pucha! Ang pagkakabasa ko tuloy im-APAT-tante.
Nagpalinga-linga ako, umaasang mahuhuli ang kung sinomang 'baliw' na gusto yata akong pag-tripan? But wait? Bakit alam ng jeje na baliw na 'to ang pangalan ko? Sino ba 'to? Wala naman akong kahina-hinalang nakikita sa mga tao sa paligid ko, walang lumilingon sa puwesto ko, kaya sino? Who are you?
Oo, ang tanga mo, Lanz. Syempre, hindi talaga 'yan lilingon sa'yo, e di nahuli mo kung sino siya. At saka ayaw niya daw magpakilala sa'yo e, bakit mo pa ba kikilalanin? Paninindigan siguro ang pagiging secret admirer. Secret admirer, my ass! Itatapon ko na lang 'to, baka may ibang makapulot, siya na lang ang mahirapang magbasa. I have no time for this kind of 'shit'. Pwe!
Hinayaan kong mahulog sa sahig ang nakakadiri at pinaka-jejeng letter sa buong mundo, at nakaub-ob na ako nang biglang may kumalabit sa akin.
*poke* *poke*
" What do you want?!, " pabulong kong angal.
" Tsk. Napakasunget, " mahinang sagot ng kumakalabit sa aking babae.
Babae?! Ano? Ba-babae? Babae! Baba---. Oh tama na, OA mo na.
Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin at nagtama ang paningin namin ng babaeng ngayo'y nakalahad ang palad sa akin, seryoso ang itsura at tila may inaabot. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay, at voila! 'Yung jejeng love letter!
" Sa'yo yata 'to. "
Napabalik ang tingin ko sa babaeng ngayon ay poker face pa rin ang itsura. Grabe! I already feel goosebumps all over my body, pati ang hindi dapat tumayo, ngayon, tayong-tayo na! Shit! Ang lupit-- este badtrip! Nananatili pa rin akong nakatitig sa kaniya, hindi ko alam kung bakit pero parang nag-eenjoy ako at parang hindi ako nagsasawang titigan siya. Ilang segundo na yata ang lumipas at nanatili kaming nakatingin sa isa't-isa, siya napakaseryoso, ako nalilibug-- este gulat.
Pero wala yata talagang forever dahil iniwasan niyang tingnan ang aking mga mata, kapagdaka'y dumako ito sa aking mga kamay. Ha? Bakit naman niya titingnan ang aking mga kamay?
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking mga kamay. Hoo! Heaven! Te- teka? Hinawakan niya? Bumalik na lamang ako sa huwisyo nang ipinatong niya ang letter sa aking kamay at isinarado ito, pero nananatili pa ring hawak niya ang kamay ko. Ano 'tong nararamdaman ko?
" A-ahh... , " nai-imagine ko na ang sarili kong nakanganga at parang nauutal. Nakakahiya!
" Isara mo ang bunganga mo, baka pasukan ng langaw, " sabi niya na parang pinipigilang tumawa.
Parang nanghinayang pa ako nang bumitaw siya mula sa pagkakahawak sa aking kamay. Parang gusto ko pang hawakan ang kamay niya. Napayuko na lamang ako dahil sa mga kung ano-anong naiisip ko. Tumalikod na siya at umastang aalis na, pero muli siyang humarap sa akin. Tila nabuhayan ako ng loob at nagawa kong iangat ang aking paningin at pinigil ang ngiting nagsusumigaw mula sa aking labi. Makisama kang labi ka!
" Nga pala, nice one, Lanz. O mas tamang sabihing, Mister im4tante. HAHAHA! , " nagulat ako nang pasimple siyang ngumisi at tahimik na tumawa. Nginisian pa muli niya ako at saka tumalikod. Sumenyas pa siya na aalis na siya.
Teka? Nabasa niya 'yung letter? Pero parang hindi. Pero paano naman niya nalaman ang pangalan ko? Ah, baka nga nabasa niya 'yung jejeng letter. Pero, sandali lang.
" Woooooooh! , " tila nakahinga ako ng maluwag ng nakalayo na sa akin ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung bakit pero parang pamilyar siya. Nagpalinga-linga ulit ako at nakita ko siyang nakaupo sa dulo, nakasuot ng headset at nakapikit, natutulog yata. Weird. Nasa classroom, 'tas natutulog?
Tinitigan ko ulit siya, iniisip kung saan ko nga ba siya nakita. Pamilyar talaga.
Lanz Mikaiel Carsigan - Lanz Mikayel Karsigan
// karvinjj
BINABASA MO ANG
LOVINGLY, YOURS (On-going)
RandomNaranasan mo na bang makatanggap ng love letter? For straight three years? Nang walang mintis? Sana all. Kaso, sobrang creepy ng dating dahil hindi mo mahuli-huli kung sino ba talaga ang iyong 'sikret admayrer'. Kagaling magtago, awet. Tunghayan nat...