Chapter 5: CRASH THE WORD CRUSH

24 4 0
                                    


Lanz's POV

     Hanggang ngayon hindi pa rin magsink-in sa utak ko na nagkita na ulit kami ng babaeng matagal ko nang gustong makita. I mean, no romantic feelings we're involved, pero gustong-gusto ko talaga siyang makita. No romantic feelings, no butterflies on the stomach, no slow motion and fast forward --- , okay, fine! I can say na crush ko siya? Well, who wouldn't admire that type of girl? Sobrang humanga ako sa ipinakita niyang tapang. She should feel lucky because she's my first crush, and that's legit!

     And one thing, siya talaga 'yung main reason kung bakit pinili kong sa public school mag-aral, hinanap ko talaga ang ANHS at pinilit ang mga magulang ko na doon ako mag-aaral. Of course, ginusto ko rin naman na mag-aral talaga in public to try something new. But she's the reason, really. Sobrang na-guilty ako sa nasabi ko sa kaniya, na kahit two years na ang nakakalipas, hindi ko pa rin malimutan. Maliban sa mukha niya, nakalimutan ko pala. Gusto kong bumawi at mapatunayan sa kaniya na hindi ako katulad ng iniisip niya. Pakiramdam ko tuloy, nililigawan ko siya and I want to prove something to her. Hindi ko naman talaga sinasadya na insultuhin siya 'nun, and now, look at me? I ended up in public school. Binabagabag talaga ako ng kunsensya, pakiramdam ko may pinaghuhugutan siya kaya nasabi niya ang mga bagay na 'yun. And last thing? I am curious about her, parang may nagtutulak sa akin na alamin pa ang buo niyang pagkatao.

   " LM? Bakit hindi ka pa kumakain? Is something bothering you? "

     Meet my mom, Daisy Carsigan. And yup, LM, short for Lanz Mikaiel. I'm proud to say that I'm a mommy's boy. Halos lahat ng detalye ng buhay ko ay alam ni mommy. Wala akong sikretong itatago at maitatago sa kaniya. Sobrang mabait, maalaga, maaalalahanin at mapagmahal si mommy. That's why I really, really love her. She's a doctor but for now, she's on her leave for a reason.

   " Wala 'to, 'my. Nasaan nga po pala si daddy? Still working?, " tanong ko sa kaniya.

   " Yes. Baka mag-over time daw siya. Pero for sure, uuwi na rin 'yun mamaya. May mga inaayos lang na papeles, " sagot ni mommy.

     My dad, Henry Carsigan. Sobraaaaang sipag ng daddy ko. That's why we can get what we need and what we want. We can buy our luxuries. Palagi siyang nasa office niya, he's a manager in a known company here in the country. But I'm not against it because we still can have family bondings. I can still spend time talking with him, I feel lucky to have him as my dad.

   " Kuya LM! "

     Maliit at nakakaaliw na tinig ng batang lalaki ang napakinggan ko na siguradong nagmumula sa aking likuran. That must be my younger brother, Mark Landier Carsigan, 4 years old at sobrang bibo. Sobrang clingy rin, lalo na sa akin. Napapakakulit at cute, mom said he's my younger version.

   " Hey, younger brother. Kamusta ka?, " I asked him as he hugged me. Sweet, little boy.

   " I'm okay, Kuya. Mommy's here na e, " sagot niya habang nakathumbs-up pa sa akin.

     Ginulo ko ang buhok niya at nginitian siya. " That's good to hear. Always behave, okay? "

   " Opo, kuya, " ngingiti-ngiti siyang naupo sa aking mga hita at siya na ang umubos ng pagkain na nasa plato ko. Napailing na lang ako nang sunod-sunod siyang sumubo na parang gutom na gutom.

   " Hey, baby. 'Wag mong kainin ang food ni kuya LM. I'll prepare your own food, " saway ni mommy kay Mark.

   " But mom, I wan't kuya's food, please?, " at nag-puppy eyes na si Mark. Ang alas niya laban kay mommy.

   " It's okay, mom. Hindi pa rin naman ako gutom, " sabi ko kay mom habang hinahaplos ang buhok ni Mark.

   " Okay, fine. Pinagtulungan na naman ako ng boys ko. LM, 'wag mo masyadong inii-spoil ang kapatid mo, baka masanay 'yan, " kumpronta ni mommy.

LOVINGLY, YOURS (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon