Chapter 6: SHOE RUG AND THE BOXER

17 1 0
                                    

Lanz's POV

     Heck!? Bakit ba naman kase napakinggan pa ni daddy ang tungkol dun sa Allexus Calix na 'yun? Hindi tuloy agad ako nakatulog ng maaga dahil kinulit nila ako ng kinulit na ligawan 'yun? The heck?! Oo, I admit it, crush ko siya, so what? 'Pag ba may crush ang isang lalaki, dapat manligaw siya? Or 'pag may crush ang babae, dapat bang ligawan siya? I don't get it. Hindi ko tuloy maintindihan 'yung mga babaeng parang niloko o sinaktan ng crush nila porque hindi sila niligawan. E kung ayaw sa'yo, what else should you do, di'ba? Okay. At mas hindi ko maintindihan kung bakit tungkol dun ang iniisip ko gayung sobrang late na ako sa klase!

     Mabilis kong tinalunton ang hallway papunta sa room, 30 minutes na akong late, what else could even get worse? Nasanay na ako noon pa man as an early riser, palaging on-time. Nakakahiya, ngayon lang ako na-late sa tanang buhay ko.

     Papasok na sana ako sa loob ng classroom nang may biglang humawak sa balikat ko.

   " Teka lang, " anang boses. " Late ka na. "

     I'm - *sigh*  - doomed. Mapapansin ang diin sa pagsasalita ng taong humawak sa balikat ko. Well, sino ba namang teacher ang matutuwa kapag may estudyanteng na-late for 30 minutes?

     Pumihit ako paharap sa kaniya. " Ma'am, sorry ---".

     What the heck!?

   " HAHAHAHA. Gotcha. HAHAHAHA. "

   " A- allexus? "

   " Yep, ako nga. Grabe, HAHAHA, " sunod-sunod na tawa ni Allexus.

     Teka! Pa - paanong - - ? " You can change your voice?, " gulat kong tanong sa kaniya. Wow. Astig.

   " Oo, ganun ako ka-talented, " pagmamalaki niya sabay kindat sa akin.

     Wait, what? Kindat? Kinindatan niya ako? Kinindatan ako ng babaeng ito? Kinindatan ako ng isang Allexus ---.

   " Anyway, bakit ba late ka na?, " tanong niya na parang isang principal pagkatapos ay sumandal sa may pinto.

     Hindi agad ako nakasagot dahil hindi pa rin ako nakaka-recover sa ginawa niyang pagkindat sa akin. O, tukso, layuan mo ako! Unti-unti nang nabubuhay  'tong kaibigan ko.

   " Woi. Lanz? "

   " Ahm, ehem, e kase, ano, medyo tinanghali ako ng gising e, 'yun. Ganun na nga, " hindi ako makatingin sa kaniya at hindi ko alam kung bakit. At tinawag niya pa ako sa pangalan ko. Bakit parang mas gumanda pa ang ang pangalan ko 'nung binanggit niya?

   " Ah. Buti na lang wala pang teacher, " sambit niya.

     Oh thanks, God. Buti na lang.

   " Ga - ganun ba? Si - sige, salamat, " kung bakit nauutal ako, hindi ko alam. Nakakahiya na!

LOVINGLY, YOURS (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon