Chapter 9: THE 'GUWAPONG-GUWAPO SA SARILI'

24 2 0
                                    


Stanley's POV

   " Babyluvs! "

   Agad akong napangiti ng lumingon sa akin si babyluvs. Ang guwapo-guwapo ko talaga.

   " Hoy, Aaron, bakit ang tagal mo? Kanina pa nakabusangot ang mukha niyang si  Dex, " nakapameywang na sermon ni Maxine.

   " Ganun talaga, Max. Ang mga guwapo palaging nahuhuling dumating, " tugon ko kay Maxine. Humarap ako kay Dexie at agad siyang nginitian ng pagkatamis-tamis. " Good morning, babyluvs. "

     Humarap ako kina Maxine nang marinig ko silang kunwaring nasusuka. " O, 'wag na kayong umasa nang 'good morning' sa akin, mga magaganda lang ang binabati ko. "

   " Wow, nagsalita reincarnation ni Choco, " rinig kong bulong ni Lily.

     Napakunot ang aking noo dahil sa aking narinig. Ako? Hah! Sa guwapo kong ito, reincarnation ako ng kung sino mang Choco na 'yun? No way! Wala akong kasintimbang sa kaguwapuhan, ano? And one more thing, kahit hindi ko kilala 'yung Chocong 'yun, paniguradong panlalait 'yun dahil nagmula sa bibig ni Lily.

   " Wow. Nagsalita ang apo ni Lola Basyang. Palibhasa, parehas kayo magaling gumawa ng kuwento. Umalis ka na nga dito, nakaka-abala ka sa moment namin ni babyluvs. Saka umuurong kaguwapuhan ko, nahihiya lumabas kase ang papanget daw ng mga nasa harapan ko, " pang-iinis ko sa kanila.

   " Alam mo, mas masahol pa ugali mo kay Lanz. Panigurado kapag inaya ka ni Dexie sa simbahan, sampung metro pa lang ang layo mo, nasusunog ka na, " ganti ni Lily.

   " Hindi naman masama ang ugali ni Lanz, ah?, " pag-depensa naman ni Scarlet. Haay! Tsk, tsk, patay na patay talaga ito kay Lanz. Sorry, he's loving someone already!

   " Shoo! Lumipat nga kayo ng puwesto niyo, gusto kong ma-solo si babyluvs, " agad naman akong inirapan ng tatlo pero tumayo din agad sila. Agad akong bumaling kay babyluvs at iniangat ang aking mga kamay na umaastang yayakapin siya. " Babyluuuvs! I miss you. Did you missed me too? Sobrang tagal ng bakasyon, pero mas lalo lang akong gumuwapo. Na-miss talaga kit -- Ack! "

     Hindi na ako nagulat nang bigla na lang akong suntukin ni babyluvs sa tiyan, kase palagi niyang ginagawa 'yun. Nagtaka nga ako kung bakit parang mas mahina pa ang pagkakasuntok niya sa akin ngayon kaysa noon. Pero kahit na ganon, napahawak pa rin ako sa tiyan ko. Duh? Kahit na guwapo ako, nakakaramdam pa rin ako ng sakit, 'no?

   " Iba ka talaga magmahal, babyluvs. Pati tiyan ko, nanginginig, " literally. Baka mabawasan na kaguwapuhan ko!

     Galit na tumingin sa akin si babyluvs. Nanlilisik pa ang kaniyang mga mata. I even imagine her as Sadako because of her threatening aura. ' Tas pumapasok sa isip ko 'yung scene na gumagapang siya --, well, mas maganda kung ako na lang ang gapangin niya. I like that! Argh, ang hirap maging guwapo.

   " Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na 'wag na 'wag kang makikipag-away kay Lily, ha? Saka puwede ba? Huwag mo akong tawaging babyluvs, nakakadiri. Kung gusto mong mang-trip, humanap ka ng iba. Nananahimik ako dito, " seryoso niyang sabi sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVINGLY, YOURS (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon