Chapter 3: THE FORMER WITH THE LATTER

28 4 0
                                    

Lanz's POV

Allexus Calix Callegro...

     Ngayon ko na lang ulit naalala ang pangalan na 'yun makalipas ang halos dalawang taon. Ngayon ko naaalala ang tunay na dahilan kung bakit napagdesisyunan ko na pumasok sa public shool. Siya pala 'yun. Siya pala ang dahilan. Natatandaan ko pa ang araw na 'yun...

(Flashback)

   "Welcome to Annual School Festival of Intelligence 2014! Good day to all of you! For now, you will proceed to your designated contests. Good luck, give your best and bring home the bacon!, " paga-announce ng host sa stage.

     Tumayo agad ako para pumunta na sa contest ko, Over-All Quiz Bee Advanced. Sobrang nakaka-excite, pinaghandaan ko ito ng ilang linggo. Halos wala akong tulog at pahinga dahil basa ako ng basa ng kung ano-ano. Gusto kong manalo para naman masuklian ang hirap na ginawa ng teacher ko at ang support sa akin ng pamilya ko.

     Malapit na ako sa faculty kung saan magaganap ang contest ko nang may nakabangga ako at parang sumayaw sa hangin ang napakaraming piraso ng papel habang bumabagsak ang mga ito. Kung kailan ka nga naman nagmamadali, saka pa may mangyayaring ganito.

     Agad akong lumuhod upang tulungan siya sa pagpupulot ng mga nalaglag na piraso ng papel at nang makapunta na agad ako sa faculty.

   " Sorry, " agad kong hingi ng tawad sa kaniya. Pero nanatili lang siyang tahimik at hindi humihingi ng pasensya.

   " Tsk. Buyset! Buwiset talaga! , " mahinang bulong 'nung nakabangga ko habang isa-isa niyang pinupulot ang mga piraso ng papel na pagmamay-ari pala niya.

     Wow! As in, wow? Siya na nga itong hindi tumitingin sa daan at parang wala sa sarili, 'tas ako pa ngayon ang buwiset.

     Tumigil ako sa pamumulot at dahan-dahang tumayo habang pinipigil ko ang inis na gustong magmakawala sa loob ko. Hindi ko rin inalis ang paningin ko sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala na siya pa talaga ang nagsabi ng salitang 'buwiset'. No way I'll let that pass.

   " Excuse me? I'm sorry, Miss, but you don't have the rights to call me 'buwisit' . Kung guwapo pa, yes, to the highest level. Hindi ko na kasalanan kung hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, at parang wala ka sa sarili kaya nakabangga mo ang tulad kong maipapares kay Adonis. Tsa! Kasalanan ko ba na para kang naglalakad sa buwan? Is it my fault? Atleast you should be thankful dahil nakakita ka ng guwapong tulad ko. What a good way to start your day. Kaya 'wag mo akong tawaging buwiset. Hindi ako ipinanganak para tawaging buwiset, " mahabang eksplanasyon ko sa babaeng nakabangga ko na sinasabayan ko pa ng kumpas ng mga kamay.

   " Problema mo? , " tanong niya nang umangat ang kaniyang paningin at nagtama ang mga mata namin. Kunot na kunot ang noo niya na parang may nasabi akong hindi niya naintindihan.

   " You! Ikaw ang problema ko! , " sigaw ko at itinuro pa siya.

     Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Tumayo na rin siya nang matapos na niyang kolektahin ang mga papel.

   " E? , " tanong niya at itinuro pa ang sarili.

   " Oo, ikaw nga? Kulet! , " inis na sabi ko. Obvious na, nagtatanong pa. Tch!

   " Bakit?, " tanong niya na parang hindi pa rin alam ang dahilan kung bakit para akong batang nagta-tantrums. Grabe, ang tanga niya!

   " Talagang tinatanong mo pa sa'ken kung bakit. Really? Huh? Hindi mo ba alam ang dahilan, ha?, " inis na sabi ko. Mukha tuloy akong jowa niya na nagtatampo.

LOVINGLY, YOURS (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon