Lanz's POV
" Mikaiel. "
" Mikaiel. "
" Mikaiel. "
" Mikaiel, are you okay? "
" Mikaiel, anak. "
" Mikaiel. "
Nagulat ako nang biglang may yumugyog sa balikat ko. Parang nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog.
" Anak, Mikaiel, are you okay? Wala bang masakit sa'yo? Ano bang nangyayari sa'yo? Should I call an ambulance na? Or should we go to the hospital na? Come on, anak, magsalita ka naman! Ano ba talagang nangyayari sa'yo, ha?, " sunod-sunod at walang tigil na tanong sa akin ni mommy habang sapo-sapo niya ang aking dalawang pisngi.
Napailing na lang ako sa sobrang OA ni mommy.
" Come on, bro. Sabihin mo kay mommy na okay ka lang. Baka mamaya, mag-panic na naman 'yan. Hello, US ka ulit, " nang-aasar na sabi ni Marcus.
" Shut up, Marcus, " seryosong sabi ko sa kaniya. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni mommy na nakahawak pa rin sa aking pisngi at nginitian ko siya. " 'My, i'm okay, don't worry. Huwag ka nang mag-panic, please? Baka ipadala mo na naman ako sa US. I'm just thinking of something, so no worries. Chill ka lang, 'my, 'kay? "
Para namang nakahinga ng maluwag si mommy at tumango siya, ngumiti at inalis ang kamay niya sa aking mga pisngi. " Okay, son. I'll just go to the kitchen and prepare your lunches, " sabi ni mommy sabay diretsong punta sa kitchen.
Sabay naman na pinakawalan ni Marcus at ni daddy ang tawang kanina pa nilang pinipigil.
" HAHAHAHA, akala ko pa naman ipapadala ka ulit ni mommy sa US. Sayang, bro, " tawang-tawang sabi ni Marcus.
" I second the motion, son. Akala ko ipapa-ayos na niya sa akin ang passport mo, " natatawa ring sambit ni daddy habang kumakain ng bacon.
" Argh. 'Dy, hopeless case na ba talaga si mommy? I still remember the moment na ipinadala niya ako sa US dahil lang natulala ako. I was just busy thinking of something then I found myself riding in an airplane papuntang US. Masyadong OA si mommy to be a doctor, " nagmamaktol kong paliwanag habang kumakain ng spaghetti.
" But your mother is a one kind of woman, " nakangiting sambit ni daddy. " She makes me fall in love for her everyday without doing anything, " dagdag pa nito.
" You really love her, huh?, " tanong ko kay daddy.
" Yes, I really love her and of course, my three boys, " sagot naman ni daddy. " And for sure, when the time comes, mahahanap mo rin 'yung babaeng mamahalin mo, ninyo ni Marcus and Mark, just like how I love your mom. Or even more. "
" I'm just 15, dad, so no comment, " ani Marcus habang busy sa pagkain ng sandwich. " For sure, may masasabi si kuya, he has a girlfriend. "
" Had a girlfriend. She's my ex already. And besides, isang taon na rin ang nakalipas. Nagustuhan ko lang siya, end of conversation, " nakangiwi kong sabi. Yep, I once had a girlfriend named Angela Ellise Maranan. She's beautiful and kind, but shy. Ka-batch ko siya, Section B siya while I'm in Section A. Siya 'yung tipo ng babaeng hindi makabasag-pinggan at sobrang mahinhin. But unexpectedly, we broke up because I found out na madalas na siyang magsinungaling. We didn't even last for a year, pero hindi man lang ako umiyak. Yes, nasaktan ako pero hindi ako nalugmok. I'm happy, that's it.
BINABASA MO ANG
LOVINGLY, YOURS (On-going)
RandomNaranasan mo na bang makatanggap ng love letter? For straight three years? Nang walang mintis? Sana all. Kaso, sobrang creepy ng dating dahil hindi mo mahuli-huli kung sino ba talaga ang iyong 'sikret admayrer'. Kagaling magtago, awet. Tunghayan nat...