Allexus' POV
Nararamdaman kong may nakatitig sa akin. O mas tama yatang sabihin kong, nakatitig si Mister im4tante sa akin. Napangiti ako nang maalala ang nakakatawang kajejehan na iyon. Parang diring-diri siya sa jejeng letter na 'yun. Sino ba namang hindi?
Napangisi ako nang may maisip akong kalokohan. Minulat ko ang aking mga mata, inalis ang headset sa aking mga tainga at diretsong tumingin sa gawi ni Mister im4tante at nginisian siya. Sumaludo pa ako sa kaniya na parang sundalo, pagkatapos ipinakita ko sa kaniya ang nakaangat na apat kong daliri. At itinagilid ko pa ang ulo ko, pandagdag-asar lang, bakit ba? Pinipigilan ko ang sarili kong tumawa, grabe, nakakatuwa ang mukha niya. Parang nalilito kung anong dapat maramdaman, inis, galit o kilig? Haha.
Sinenyasan ko siya na huwag na akong tingnan, nakakailang rin. Tsk. Ikaw kaya nakapikit, tapos nararamdaman mong may nakatitig sa'yo. Ooh! Creepy!
Gusto ko pa sana siyang inisin, kaso baka hindi ako makapagpigil ng tawa, kaya mas pinili ko na lamang na isuot muli ang aking headset at ipikit ang aking mga mata. Pero nararamdaman ko pa rin na tinitingnan niya ako. Hmm. Ano kayang iniisip nito? Hindi na ba niya ako nakikilala? Balakajan, Mister im4tante.
Lanz's POV
Argh! Ano ba'tong nararamdaman ko? Bakit parang natutuwa pa ako sa ginawa niyang pang-iinis? What the heck is happening to you, Lanz?
Natigil ang paghaharumentado ng aking damdamin (nakakabading!) nang dumating ang aming teacher. Nagsipagsi-ayusan sa pag-upo ang lahat maliban sa isa. 'Dun sa babaeng pamilyar-sa-akin-pero-hindi-ko-kilala. Nananatili siyang nakapikit at naka-headset, naka-cross arm pa. Baka nakatulog na siya? Well, I don't really care, it's her life after all.
Maya-maya lang ay inayos na niya ang sarili. Inalis ang headset at ipinatong ang kamay sa desk, pero parang walang interes sa teacher sa harapan. Woah, so priggish.
Inalis ko na ang paningin sa kaniya at pinilit ang sarili na ituon ang atensyon sa teacher. Wait? Ano ba'tong nasa kamay ko? Hawak ko pa rin ang letter na 'to mula kanina? Argh, damn!
Naisip kong itapon na lang ito mamaya, punit-punitin, sunugin, o ipaanod na lang hanggang sa makarating sa Pacific Ocean. Pero parang may pumipigil sa akin na gawin 'yun. And yup, inaamin ko na dahil 'yun sa babaeng inaasar ako. Kaya pinili kong ilagay na lamang ito sa bag ko. I just hope it's a good decision.
" Okay, class, bago tayo magsimula gusto kong magpakilala muna kayo isa-isa. By the way, I'm Ma'am Therese. But you can call me, Ma'am Reese. Of course, hindi kayo pamilyar sa isa't-isa, o kung may kakilala man kayo o dating kaklase, kakaunti lang. So, maging friendly kayo, okay? Welcome kayo dito sa Asher National High School. I-enjoy niyo lang ang highschool life niyo. So let's start with you. Kindly stand up and introduce yourself, " mahabang paliwanang ni Ma'am Reese na nasa early 40's.
Agad na tumayo ang lalaking tinawag ni Ma'am Reese at tila nahihiyang nagpakilala.
" A-ako si Stanley Aaron Adrevas, 14 years old, na-nanggaling sa Manuel Catholic School, " nakayuko nitong pagpapakilala.
" Maraming salamat, Stanley. Ikaw naman, anak, " malumanay na pahayag ni Ma'am Reese sa estudyanteng kasunod 'nung Stanley.
Wala akong kakilala ni isa sa kanila, dahil siguro sa private school ako nag-aral 'nong elem. Karamihan kase sa kanila ay sa public shool nag-aral. Mabibilang lang ang nakapag-aral sa private school. Sabagay, public school nga pala itong ANHS. Kaya lang ako pumasok dito dahil ayon sa sabi ng mga naka-graduate na, di hamak na mas masayang maghigh school sa public school kaysa sa private. Mas challenging. Mas mararamdaman mo ang totoong ibig sabihin ng the best ang high school life. Karaniwan na kase sa mga private school ang competition over academics ang itinuturing na mas mahalaga. At gusto kong maranasan na maghigh school sa public, kahit kaya kong mag-aral sa private school.
Nagpatuloy sa pagtawag si Ma'am Reese ng mga estudyanteng nagpapakilala.
" Ako si Jervey Eros Carino, 14 years old. Nag-aral sa Ferdinand II Catholic School. Good day! "
" Hello, ako si Steffanie Venick Rien, 14. From Scorpio Intern School. "
" Hi, classmates. Ako si Scarlet Jean delos Santos, 14. Nag-aral sa Angel Academy. "
" Jaypee Aguirre. 14 years of age. From Moon Academy. "
Ako na pala ang magpapakilala. Kalma, Lanz. Kalma. Tumayo na agad ako at ipinakita na confident sa pagpapakilala.
" Hello. I'm Lanz Mikaiel Carsigan, 14 years of age, from Marco International Catholic School. Nice meeting all of you, " take note, I said it with just a simple smile only. May narinig agad ako na nagtilian at parang kinikilig, hindi na ako magtataka kung bakit may nagbigay sa akin ng pinakajejeng love letter. Iba na talaga kapag guwapo. Why so handsome, Lanz? I hate to admit it but I can be line up with Greek Gods.
Pero hindi sila ang pinagtutuunan ko ng pansin, kundi ang babaeng nakatagilid ang ulo at parang pinagmamasdan ang kabuuan ko. Nakakailang ang ginagawa niya. I don't know kung bakit kinakabahan ako, argh! Dahil sa babae kinakabahan kana, Lanz? Because of a single girl? Weak. Really!
Nakipagtitigan ako sa kaniya, ipinapakitang hindi ako magpapatalo. Of course, I will not be afraid by anyone. Never. At talagang nagawa pa niyang ingusan ang napakaguwapo kong mukha!? Really? Argh. At tuluyan na yatang akong nawala sa sarili nang ngumiti siya. Hindi na ngisi, kundi ngiti.
' Hindi na ngisi, kundi ngiti. '
' Hindi na ngisi, kundi ngiti. '
' Hindi na ngisi, kundi ngiti. 'Ngumiti siya! What's wrong with me? That is just a smile, for sake!
Allexus' POV
Oh, bakit parang dumikit na ang paa ni Mister im4tante dun sa sahig? Tsk. Bahala sya, basta magpapakilala na ako.
Lumakad na ako para matapos na'to. Napangiwi pa ako nang maisip ko na baka makilala na ako ni Mister im4tante, pero bahala na. Balakajan!
Malapit na ako sa harapan pero nakatayo pa rin siya dun. Sinamaan ko na siya ng tingin, at tinaasan ng kilay pero wala pa ring epekto. Wala na akong ibang magagawa kundi...
*pitik*
" Mister im4tante, baka gusto mong umupo na? Magpapakilala na ako, ayokong may umaagaw ng atensyon na dapat ay para sa akin , " mahinang bulong ko sa kaniya matapos kong pitikin ang noo niya. HAHAHA. Laptrip na diz! Ang jeje!
Hindi na siya nakapag-react sa ginawa at sinabi ko, patuloy lang na nanlalaki ang kaniyang mga mata. Itong lalaking 'to, 'pag nakikita ako, parang nagiging kuwago. Guwapong kuwago, tsk! Parang wala sa sariling naglakad siya pabalik sa upuan, anyare?
" Allexus Calix Callegro. 14. Asher Elem, " walang gana kong pagpapakilala.
Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong natigilan sa paglalakad si Mister im4tante. Napangisi ako dahil alam kong nakilala na niya ako. Sige lang, asarin mo pa, Allex!
" Hmm, Mister im4tante. I've been waiting for you. You came. "
Allexus Calix Callegro - Alekses Kalih Kalegro
// karvinjj
BINABASA MO ANG
LOVINGLY, YOURS (On-going)
RandomNaranasan mo na bang makatanggap ng love letter? For straight three years? Nang walang mintis? Sana all. Kaso, sobrang creepy ng dating dahil hindi mo mahuli-huli kung sino ba talaga ang iyong 'sikret admayrer'. Kagaling magtago, awet. Tunghayan nat...