Jervey's POV
' O ano itong aking nadarama?Marinig lang ang boses mong kaytamis
Ang araw ko ay puno ng musika
Sa gabi ikaw ang panaginip
Dahil sa iyo, puso ko'y sumasayaw
Isip di mapakali,ngiti ay laging nasa labi --- '
" Baby shark, du-du-du-du-du-du
Baby shark du-du-du-du-du-du - "
Ano ba ang ---
" Aaron! "
" Woah, relax, 'pre. HAHAHA, epic fail 'yung mukha mo HAHAHA, " malakas na tawa ni Aaron.
" Ano na naman bang trip mo sa buhay?, " inis na tanong ko sa kaniya dahil payapa lang naman ako na nakikinig ng music sa headphones ko nang hilahin niya 'yun at kumanta ng malakas sa mismong tainga ko!
" Stanley Aaron Almario Adrevas! Jervey Eros Rivera Carino! "
Isang boses ang pumutol mula sa masama kong tingin kay Aaron. Sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan namin ng kasama ko. Habang busy sa pagtingin si Aaron sa lalaking akala mo ay nagmo-model ng mga briefs, hinablot ko ang headphones ko mula sa kamay ng isang unggoy na may pangalang Stanley Aaron.
" Lanz Mikaiel Manalo Carsigan!, " sabay naming sigaw ni Aaron.
" Ginagaya mo ba ako, ha?, " maangas na tanong ni Aaron at humarap sa akin.
" Bakit naman ako manggagaya sa isang unggoy?, " pang-iinis ko kay Aaron.
" Wow. Nagsalita ang kalahi ni Tarzan. "
" Tarzan man sa iyong paningin, atleast guwapo pa rin. "
" Kung paguwapuhan lang naman ang labanan - "
" Ay talo ka na, " putol ng isang boses sa kayabangang ipagkakalat sana ni Aaron.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.
" Bakit ba hindi niyo matanggap na ako talaga ang pinakaguwapo sa ating tatlo?, " nakangising pagyayabang ni unggoy number 1 a.k.a. Lanz. Nakalapit na pala siya sa amin.
BINABASA MO ANG
LOVINGLY, YOURS (On-going)
RandomNaranasan mo na bang makatanggap ng love letter? For straight three years? Nang walang mintis? Sana all. Kaso, sobrang creepy ng dating dahil hindi mo mahuli-huli kung sino ba talaga ang iyong 'sikret admayrer'. Kagaling magtago, awet. Tunghayan nat...