This story is written by the two authors for Collaboration of JoyangWrites and RainbowZash
#PROLOGUE
Tinignan ko siya. Pinigilan ko ang luhang gusto ng pumatak, kanina pa. Hangga't maari ayoko siyang makita akong ganun.
"K-kaya pa naman 'di ba?" madiin akong napa-lunok nung nabasag ang boses ko.
Iniwas niya ang tingin sa malawak na karagatang nasa harap namin, at tinignan ako. Her weak eyes stared at me. Then, she sadly smiled. "Hindi tayo magwo-work. Ngayon palang, hindi ko na alam ang kahihinatnan natin. Paano pa kaya kung---"
"Bakit kasi 'yan lagi ang iniisip mo, kahit nagsisimula pa lang naman tayo?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi mag-taas ng boses.
Naiinis ako.
Bakit siya ganun? Nagsisimula palang kami pero masiyado siyang nag-iisip ng mga negatibong bagay. Hindi ko naman siya masisisi, kasi sa una palang, alam ko naman na takot siya. Takot siyang maiwan. Pero paano naman ako? Kung siya, takot maiwan, ako naman takot maiwanan niya.
Pangalawa na 'to. Ayoko na rin'g maiwan ulit...
"Hindi mo ba nakikita, Niccolo?! Hindi tayo nagwo-work! Hindi nagwo-work kung anong meron tayo!" Tumaas narin ang boses niya.
Tumulo na rin ang luha niya.
Pero naunang tumulo yung akin.
Ang ironic, na ang ganda ng panahon ngayon, pero heto kami. Binabagyo ang kung anong meron kami.
"Edi, subukan ulit natin. Kung hindi parin, space muna, time. Tapos kapag okay na, edi wala nang problema. Huwag naman yung ganito..."
Tangina... Nararamdaman kong susuko na siya. Pero ayoko siyang bitawan. Kung siya susuko na, ako kakapit pa. Hangga't, may nararamdaman pa siya sa'kin, may pag-asa pa. Mahal ko siya. Ayokong iwan niya.
Pero umiling siya...
At alam ko ang ibig-sabihin nun.
Sumuko na nga siya...
![](https://img.wattpad.com/cover/242644527-288-k418597.jpg)
YOU ARE READING
Cupid's Target
Genel KurguThe CUPID is looking for two people to be his TARGET. And now he has found it. The Cupid's Target are..... Let's know and find it. ©Wattpad -A story collaboration of JoyangWrites & RainbowZash.