02

9 1 0
                                    


Nagising ako sa alarm ko...9:30 na pala...Naalala ko na may kumatok sa pinto pero dahil sa pagod at puyat hindi ko na pinansin.  Ayoko malate sa class ko. Mahilig ako sa rituals kaya may ritual din ako sa umaga.

I took a 10-minute exercise – simple lang to get myself energized. Nagluto ako ng kanin bago mag-exercise tapos hinanda ko yung lulutuin ko para pagkatapos ng exercise ay maluto ko rin agad. Usually kung ano niluto ko for breakfast eh yun na din sa lunch pero minsan iniiba ko rin. Hindi kasi ako mahilig lumabas para bumili ng lunch...waste of time and energy...lalo na kasi wala naman akong kasabay kumain. Si Cams and Don are both teachers too...same university pero iba yung department nila and hindi kami same ng lunchbreak. Minsan lang kami nagkakasabay lalo na kapag may mga meetings and seminars lang. After cooking eh naliligo ako agad. Mabilis lang naman ako maligo...wala akong masyadong ritwal sa loob ng banyo...hindi rin ako mahilig magfull make up.

Kilay and lipstick lang solve na ako.

Umaalis ako ng bahay mga 20 mins before my schedule kasi malapit lang naman. Ayoko din dumating ng maaga sa school kasi ayokong maabutan ako ng mga co-teachers ko na walang ibang ginagawa kundi mangchismis. Konti lang siguro yung friends ko sa department namin – tatlo lang sila actually and doon lang din kami kumakain sa faculty room. Pareho kaming hindi mahilig kumain sa labas kapag lunch. Minsan sumasama ako sa kanila kumain or gumala pero most of the time eh hindi talaga ako lumalabas. Hindi kami same ng schedule kaya minsan lang talaga kami magkasama.

"Hoy Dani, may nagpadala ng flowers sa'yo. Nasa table mo..." sabi ni Max nang magpang-abot kami sa hallway malapit sa faculty room

"Thank you, Miss" maikling sagot ko sa kanya kasi alam kong nagmamadali siya papunta sa klase niya. She winked and paced away.

Pagkapasok ko sa office ay tinukso ako ng mga lalaking teachers. Nakita ko si Sir Jade na nakasmile at nakikitukso din.

"Baka galing 'yan kay Sir Jade..." sabay tukso nila kay Sir

"Ay hindi uy...hindi 'yan mahilig sa flowers si Miss Dani besides wala naman akong reason para bigyan siya ng flowers" sagot naman ni Sir Jade

Ouch! Truth hurts. Wala na akong hope kay Sir...hahaha cheret.

Hindi na 'ko masyadong nagpadala sa tukso nila baka hindi pa matapos.

**phone ringing***

"Hello?"

"Hello, is this Miss Danica Cornelia?"

"Yes po, speaking. May I know who's on the line please?"

"This is Dr. Blanco. I would like to confirm if you will pursue with our appointment today? Your mother called me to set an appointment kasi..." he said with a serious tone.

"I'm sorry Doc. Please just ignore all her appointments for me. I'll call her po. Sorry sa abala and thank you." Sabi ko naman sa kanya.

"by the way Dani, free ka ba mamaya?" sabi niya na hindi ko na narinig dahil binaba ko na ang phone.

Hindi ko alam kung bakit pinipilit ng mama ko na makipagkita ako sa Psychiatrist eh okay lang naman ako. So far wala pa naman akong naexperience na serious cases. May anxiety attacks lang paminsan-minsan pero it's not something I can't handle.

Natapos ang araw na medyo busy. I went home at around 6PM na kasi may consultations pa kami sa Research... Students are sometimes complicated. Kung nakikinig lang sila sa klase eh hindi na sana sila nahihirapan. Minsan nakakapagod na din yung paulit-ulit na lang corrections ko sa papers nila...eh nadiscuss ko naman na lahat...

Lovesick ChamberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon