Hindi naman ako super awkward kay Sai. Despite his years abroad I used to be close to him. He was Cams' close friend. Niligawan niya 'ko a year after my breakup with Oliver. I was feeling a little okay that time and he seemed like a good person.
Napapasama siya minsan sa mga gala ng barkada. He was always invited by Cams kasi nga she is very supportive of the fact na maging boyfriend ko si Sai. She used to tell me..."Kapag naging Doctor 'yan si Sai. Magiging perfect kayo for each other kasi nga 'di ba gusto mo magPhD. Pareho kayong doctor 'pag nagkataon. Magkaiba lang 'nga ng field." Napapangiti ako sa sinasabi niya...but then at some point napapaisip din ako. May spark naman nuon kaso sobrang nerd type ni Sai. Turn off lang kasi hindi siya neat tingnan kaya hindi ako masyadong naattract sa kaniya but I liked his personality. Med School pa siya that time and wala siyang ibang ginawa kundi mag-aral. Seryoso siya and hindi masyadong clingy. And, payat pa siya noon. He became one of the friends na comfortable akong makasama or makausap. Hindi rin niya pinipilit yung maging kami kahit na nanliligaw na pala siya kasi nga he's willing to wait.
I chuckled at the thought of him. Sobrang iba na ng dating niya ngayon. I can't help but compare. Hindi ko mapigilang ngumiti when I see him kasi nakakakilig 'yung charm niya. Hindi naman siya artistahin sa gwapo pero kapag kasi nakasuot na siya ng white lab gown uniform niya sobrang neat niya tingnan lalo siyang gumagwapo. Idagdag mo pa na manly na siya tingnan ngayon. Not the narcissistic type though. Hindi siya masculado na manly but normal manly...basta...
When he asked me na sabay na kami magdinner lagi. I didn't refuse. Hindi naman mahirap 'yon besides magkapitcondo (bahay) lang kami. The only problem I have is his advances. I was starting to fall for it – fall for him....again. Mahirap na magtiwala baka maloko na naman ako. He is a good man, a good friend pero my wounds of the past has scarred me na natatakot na ako. Noon...and now...
The next day,
Nasa school na ako. Tapos na ako sa mga papers. I've checked everything and nasend ko na rin sa Subject Area Coordinator ang files ko: Class Records, Updated Calendar of Activities and Syllabus. Hinihintay ko na lang ang hard bound copies ng thesis ng mga graduating students. For signature na lang kasi sa mga panelists nila. I was in the faculty room alone nang biglang dumating sina Max, Dave and Lexa.
"Hoy, Miss Dan!!!! Kamusta ka na? Dinner tayo mamaya tapos magkaraoke tayo. Wala nang paper works naman di ba?" aya ni Sir Dave.
"Sige na Miss Dan! Minsan lang tayo nakakadestress kaya sama ka na!" dagdag naman ni Dara.
Tiningnan ko si Miss Max na nakangiti at nangungulit "Sasama 'yan" sabi pa niya. I looked at the calendar on my table at nakita kong Friday naman pala ngayon...
"Sige. Mga what time ba tayo aalis? Saan tayo?" tanong ko.
"Sa IT Park na lang para may other options baka gusto niyo rin magcoffee after...4:30 na tayo umalis" sabi ni Sir Dave habang may kinukulikot sa phone.
"Ayan! Nakabook na 'ko ng room sa Music One. Wala nang atrasan ha?" sabi niya showing his phone.
Napangiti ako. Gusto ko 'yan. Karaoke is one of my stress reliever talaga. Minsan nga sa bahay kahit ako lang mag-isa nagkakaraoke din ako. Buti na lang soundproof yung condo. Pwede pa 'ko bumirit. Don't get me wrong though. Hindi maganda boses ko...sakto lang...yung hindi napapahiya sa harap ng friends.
Tinext ko si Sai para hindi siya mag-expect na makakaluto ako mamaya.
4PM na pero hindi pa siya nagreply kaya tinawagan ko na lang.
"Hello, Doc?"
"Yes Hon? Ah este Dan...yes Dan?"
Tumayo balahibo ko sa Hon... parang I liked how it sounded. "Nagtext ako...hindi ako makakaluto ng dinner kasi gagala ako mamaya with my co-teachers. Ikaw na bahala sa dinner mo ha?"
BINABASA MO ANG
Lovesick Chamber
RomansaTo someone who needs comfort and sanity. Nothing can ever make you feel better than showering yourself with so much love and positivity. Having someone who loves and understands you is a consolation. Love is never fragile to someone who truly loves.